Chapter 7

378 10 0
                                    

Napakasaya ko dahil pinansin ni Papa Xi ang effort ko na mag-make up. Sobrang kinikilig ako kapag naiisip ko na sinabihan ako ni Papa Xi na maganda ako. Parang nasa alapaap ako kapag naiisip ko ang mga magandang alaala na sobrang saya.

Kapag nagdarasal ako, lagi kong isinasama na sana kapag magkakaroon ako ng boyfriend na kamukha ni Papa Xi, kasing cute niya at kasing bait niya. Pero minsan dinarasal ko din sa Diyos na si Papa Xi ang magiging boyfriend ko. There’s no impossible naman basta nandyan si God.

Lagi kami nag-cha-chat ni Papa Xi at minsan hapon ng lunes, online si Papa Xi sa fb.

2pm:

Papa Xi: Hello Mae.

Ako: Hello din.

Papa Xi: Kumusta na?

Ako: Ok lang naman. Wala ka ngayong pasok?

Papa Xi: Oo, wala akong schedule ngayon.

Ako: Buti naman makakapahinga ka.

Papa Xi: Oo nga. Nakakapagot din minsan ang araw-araw ang trabaho.

5:34pm: Sobrang saya ka-chat ni Papa, hindi ko namalayan na ilang oras na kaming magka-chat.

Papa Xi: Matanong ko lang uli, may nanliligaw ba sa iyo?

Ako: Wala. Bakit?

Papa Xi: Gusto ko kasi kitang ligawan.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Papa Xi. Sinagot na yata ang panalangin ko ng Dyos.

Papa Xi: Nandyan ka pa ba?

Ako: Oo, nandito pa ako. Pero hindi pa ako makapaniwala sa sinabi mo.

Papa Xi: Na ano? Gusto kitang ligawan?

Ako:  Oo kasi fan mo lang ako. Parang imposibleng na magustuhan ako ng isang celebrity na katulad mo.

Papa Xi: I mean it. Gusto talaga kita.

Naniwala ako na gusto niya ako. Gusto ko naman talaga si Papa Xi. Lagi kami nag-cha-chat at kahit may taping, sinisingit nya ang makipag-chat sa akin kapag nagpapahinga siya sa set. Nararamdaman ko na importante ako sa kanya kapag isinisingit nya ang oras sa akin.

I am A FanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon