CMB 4

14.1K 360 11
                                    

Kinabukasan ay maaga akong nag antay sa gate 2 kung saan palagi kong nakikita na pumapasok ang sasakyan ni Steven. Kagabi ay tinadtad ko siya ng text pero parang ang mga daliri ko naman ata ang natadtad. Ganun ba kahirap magreply ang isang Steven Saavedra? Iphone pa naman ang cellphone niya.

Mamayang 8:30 pa ang klase ko kaya meron pa akong isa't kalahating oras para makausap siya. Nilalamig na nga ako ngayon gayong wala pa siya panu pa kaya paghinarap ko na siya? Siguro matutunaw ako.

Marami ng sasakyan at motor ang pumasok pero wala pa siya. Ang alam ko 8:30 rin ang klase niya. Napahinto ako sa pag iisip nang magvibrate ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha baka si Steven na to!

Malaki pa ang ngiti ko habang binubuksan ang cellphone pero unti-unti rin akong napasimangot dahil si Kisses pala ang nagtext. Gusto kong pumadyak sa inis, kainis!

Napabuntong hininga na lang ako at saktong pagtingin ko ng gate ay pagpasok naman ng kotse ni Steven. Ayan na! Sinundan ko ang kotse hanggang sa nagpark ito hindi kalayuan.

Pinagpapawisan na ako kahit hindi naman mainit dahil sa mga puno. Kanina nilalamig ako ngayon naiinitan naman. Ano ba naman yan? Ganun ba ako ka apektado sa lalaking to? Nasa gilid na ako ng kotse niya nang bigla itong bumukas at dahil nasa gilid lang ako ay natumba ako dahil sa lakas nang pagbukas niya. Besh, ang lakas niya ah.

Tumama ang pinto ng kotse niya sa dibdib ko at napa-upo ako sa semento. Nakakahiya at tsaka naka skirt pa naman ako. 

"Shit!" Mahina niyang usal nang mapagtantong may natamaan siya. Bulag ba siya o hindi talaga ako kapansin-pansin para hindi niya makita?

Narinig ko ang pag sara niya ng pinto ng kotse at lumapit ito sa akin na nakakunot ang noo.

"What the fuck, man? " Aray naman, tinawag pa akong man! Masakit na nga ang dibdib at balakang ko sinaktan niya rin ang feelings ko.

"I just want to talk to you at babae po ako." Sabi ko habang naka-upo parin at sapong-sapo ang dibdib kong masakit.

"Tsss, whatever." Aniya at nanlaki ang mata ko nang tumalikod ito at nagsimulang maglakad papalayo sa akin.

"T-teka lang naman." Tumayo rin ako at pinagpagan ang skirt bago tumakbo papunta sa kanya.

Maraming students ang nagkalat sa hallway kaya nahirapan akong abutan siya. Mabilis pa naman ang lakad niya. Nakita ko siyang nag swipe ng ID niya kaya naman dali-dali akong tumabi sa kanya.

"Ah, Steven ako to si Jade." Hingal kong pakilala sa kanya. Ang ibang estudyante na nasa likod namin ay nakataas ang kilay habang tinitignan ako.

Hindi ako tinapunan ng tingin ni Steven at diretso lang itong nag lakad kaya agad din akong sumunod.

"Steven, wait." Habol ko pero parang bingi ito.

Nahawakan ko  ang siko niya na kaagad naman niyang binawi. Napahinto ito at agad akong hinarap. Seryoso ang mukha nito na ikinatakot ko at ang ibang estudyante naman ay natigilan din.

"Don't touch me." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi niya.

"Iyong sa HomGui kas...."

"The hell I care? Just stop following me." Angil niya at tinalikuran na ako.

Napahiya ako dun ah. Nilibot ko ang paningin ko at nakita kong tinatawanan na ako ng mga taong nakakita. Napalunok ako nang maramdaman ang luha na gustong kumawala sa mata ko.

Nanlumo ako habang naglalakad papuntang Education building at napatili nang may dumantay na braso sa balikat ko.

"Chill, Jade." Sabini Lucas.

Chasing Mr. Badboy |COMPLETED|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant