CMB 2

18.1K 427 19
                                    

Sinuri ko talaga kung totoong pangalan ko ang nakita ko at baka nagkamali lang ako kasi maharot ako pero totoo talaga!

Seriously? Steven Ryle Saavedra?

My gosh!

"Awww, ang swerte naman nitong... Sino ba itong si Alyana Jade Silva? Si Steven ang makakadate niya." Narinig ko iyong katabi ko at napangiti agad ako. Mainggit kayo guys.

"Oo nga pero mas maswerte itong si Ivonny Artamesa kasi si Stephen Ryan Saavedra ang kadate niya."

"Search natin sila sa facebook." At dun na ako nataranta.

Agad kong hinatak sina Leah at Joana palayo sa bulletin board. Kailangan ko nang i-deactivate yung facebook ko at baka magkaroon ako ng haters dahil sa project na to.

"Jade!" Kinurot agad ako ni Joana.

"Aray!" Singhal ko. Napaka sadista talaga ng isang to.

"Wahh! Ba't ang swerte mo? Si Steven yung sa'yo!" Sigaw ni Leah habang naglalakad kami sa hallway palabas ng university.

"Pakibatukan nga ulit ako. Parang hindi parin kasi ako makapaniwala na siya ang ka-date ko. " Ngiti-ngiti ako habang naka kapit sa braso ni Leah.

"Ang swerte mo!" Sabi ni Leah habang naka dantay naman ang ulo sa balikat ko.

"Teka! Panu natin sila ma co-contact ni hindi nga natin kilala ang kapartner natin except sa'yo Jade." Tanong ni Joana kaya napahinto kami at nagkatinginan. Parang may umilaw sa ulo namin at sabay na bumalik sa office.

Pagdating namin ay nagkakagulo parin ang mga tao. Ang ibang first year ay nagtataka kung bakit kami nagkakagulo. Ang mga fourth year naman ay parang alam na nila kaya hindi na sila nagtaka.

Pumasok kami ng office at nakitang nagkakape si Miss Tin kasama ang iba pang teachers.

"Good afternoon po." Tumayo si Miss Tin at naglakad papunta sa amin.

"Yes darlings?" Nakangiting tanong niya. Napaka gaan talaga ng aura ni Miss Tin. Mga nasa 27 pa lang siya at parang walang problema dahil palaging nakangiti.

"Magtatanong lang po sana kami Miss kung panu namin ma co-contact ang partner namin dahil hindi naman namin sila kilala." Sabi ni Leah.

"Ah yun ba? Teka." Umupo muna kami sa sofa at hinintay si Miss Tin. Pagdating niya ay may folder na siyang dala at agad na naupo sa tabi namin.

"Meron akong mga cellphone number niyo dito, nakuha ko dun sa information at ang ibibigay ko sa inyong number ay yung sa ka-date niyo lang. Bawal ibigay sa iba ha or else pag may nagreklamo sa aking pinamigay ang number niya automatic na zero sa activity." Paliwanag niya.

Sabay kaming tumango at nararamdaman ko na ang lamig sa kamay ko. Pinagpapawisan na rin ako sa kadahilanang magkakaroon ako ng number niya. Yung feeling na parang lalabas na yung puso mo sa pinaghalong excitement at kaba.

"Pass niyo sa akin ang name ng ka-date niyo sa papel at dun ko ilalagay yung number nila." Dali dali kaming kumuha ng papel at nilagay agad ang pangalan ni Steven.

Napansin ko lang na pag pangalan ni Steven ang sinusulat ko sa papel nagiging maganda ang penmanship ko. Hehehe.

Steven Ryle Saavedra.

Yan, perfect!

"Hi, Sir." Napatingin kami sa limang lalaking pumasok ng office at binati nila si Sir Paulo na nagkakape sa upuan nito.

"Oh eto na. Goodluck ha at ang first date niyo ay this prelim. Yung second ay sa midterm and yung third ay para sa finals, maliwanag? " Nakangiting tanong ni Miss Tin.

Chasing Mr. Badboy |COMPLETED|Where stories live. Discover now