CMB 3

15.5K 376 13
                                    

Maaga akong nagising dahil magluluto pa ako at papaliguan pa si Kyle. Hindi naman kasi kaya ni Nanay na paliguan si Kyle si Mama naman ay maaga pang naglako ng puto.

"Te, yaw ligo."  Sabi niya na naiiyak na habang nakayakap sa bewang ko.

"Kyle, wag makulit." Sabi ko habang binabasa na siya ng tubig kaya pati ako basa na.

"Ayaw Kyle." Ayaw niya kasing maligo dahil takot siya sa tubig. Muntikan na kasi siyang malunod nung nagswimming kami noon sa dagat.

"Sige na. Mabilis lang to kagaya kahapon, okay?" Mabilis ko siyang pinaliguan para hindi na ako mabasa ng tuluyan. Matapos ko siyang paliguan ay nilagyan ko siya ng baby powder at pinasuotan ng paborito niyang t-shirt at shorts.

"Ate school?" Tanong niya nang makitang nagliligpit ako ng libro sa mesa.

Tumango ako at sinuklay muna ang buhok niya bago maligo. Tinignan ko siya at naging malungkot ang mukha nito.

"Don't worry, babalik naman agad si ate eh." Pag-alo ko sa kanya. Ngumiti ito at agad akong niyakap.

Ang sweet-sweet talaga ng batang to.

Matapos kong mag ayos ay sabay kaming nagalmusal ni Nanay, Kyle at Mama na kararating lang.

"May pera kapa ba diyan, Jade?" Tanong ni Mama habang nagliligpit nang pinagkainan.

"Meron pa naman po." Thursday pa lang naman ngayon kaya meron pa naman akong pera.

"Idagdag mo na to at baka marami kapang gastusin sa skwelahan ninyo." Binigyan niya ako ng 200.

"Salamat po, Ma. Mauna na po ako." Hinalikan ko si Mama sa pisngi at ganun din ang ginawa ko kay Nanay at Kyle.

Nang nasa jeep na ako ay naisipan ko na i-text ulit si Steven. Baka kasi maagang natulog yun kaya hindi nakapag reply.

Hi, It's me Jade. Sana makapag reply kana para magawa na natin yung activity. 

SENT

Nakarating na ako sa school pero wala paring Steven Ryle Saavedra na nag reply. Konti na lang talaga at lalapitan ko na yun. Kailangan ko na kasing tapusin ang activity dahil marami pa akong projects na gagawin.

Nako! Gusto mo lang na mai-date si Steven eh. Mga palusot mo talaga Jade.

Nasa bukana na ako ng gate ng bumuhos ang malakas na ulan kaya naman medyo na basa ako. Nag swipe ako ng ID at naglakad papunta sa Education building nang matamaan ako ng basang payong ng isang babae.

"Hala, sorry po."  Yumuko yung babae at mabilis na naglakad palayo.

Grabe. Ang swerte ko ngayong araw na to. Ang init-init nung paalis ako ng bahay at ngayon biglang bumuhos ang ulan.

Pagpasok ko ng classroom ay wala pa si Leah at Joana. Saan naman kaya ang dalawang yun?Nagpunas muna ako ng mukha at legs, skirt pa naman ang uniform naming mga babae dito. Nagsuklay ako at nag lagay ng powder at pabango para naman presentable ang mukha ko.

"Jade , ang swerte mo!" Sigaw ni Shenna na kaklase ko. Kararating niya lang at basa pa ang buhok niya.

"Huh?" Minamalas kaya ako ngayong araw.

"Nakita ko kahapon sa listahan na si Steven yung makaka-date mo. Yeeeh." At niyugyog pa niya ang balikat ko.

"Teka, nasasaktan ako."

"Oops, sorry." Sabi niya at naupo sa likod ko.

Tsss, anong swerte eh nabasa na nga ako ng ulan, na tamaan ng basang payong at higit sa lahat walang reply galing sa gwapong Saavedra na yun.

Chasing Mr. Badboy |COMPLETED|Where stories live. Discover now