14.2: The Night of the Party

869 36 19
                                    

A/N:  Sa kanya ko muna ide-dedicate 'tong chapter na 'to dahil inaliw niya ako habang itina-type ko ang part na'to.  Thanks again . ^_________________^

______________________________________________________________________

Napadako ang lahat ng atensyon ng mga tao doon sa amin nang makapasok kami.  Silence.  Well... talagang mapapansin kami nito.  Apat na mga sikat ba naman sa campus ang kasama ko eh.  Late pa kami.  And since magkakasama kami, nakasunod ang tingin nila sa kung saan kami pupunta.

"Wow... I never get to see the four of them for real.  I must be dreaming."  kinikilig na wika ng kung sinuman sa kanila.  And the uproar started.

"Sino kaya yung babaeng kasama nila?  Nakakainggit siya."

"What a stunning beauty she is!  Sino kayang ka-date niya sa apat na yon?"

"Siguro ka-date niya silang apat."

Duh.  Sadya bang ipinaparinig nila yan sa'min?  Oh well.  As usual, walang nakakilala sa'kin.  Malayung-malayo kasi ang hitsura ko ngayon kumpara sa normal look ko tuwing school days.

"Have you seen your friends yet?" -Jan

"Not yet."

I looked around until I spotted them near the buffet table.  Sina Shawn at Shinee lang ang nakita ko doon.  Asan kaya si Destiny?  Anyway, dali-dali ko silang nilapitan.

"Where's Destiny?" bungad na tanong ko sa kanila.

"Andiyan lang kasama ni---"

*O*  ----> sila yan

Hindi na naituloy ni Shinee ang kanyang sasabihin nang mapalingon siya sa'kin, or rather, sa mga kasama ko.  Nakalimutan ko na namang may kasama ako.  Anyway, pati si Shawn ay ganoon din ang naging reaksiyon.  Parang gusto kong matawa sa hitsura nila.

"Hey!"  I snapped my fingers in front of them.  "Are you still here with me?"

"Ha?  Ah... eh..." Hindi pa rin maka-recover si Shinee so binalingan ko yung apat.

"Well, excuse us for a while."

Sapilitang hinila ko yung dalawa palayo sa kanila at kinaladkad ko sila papunta sa isang sulok ng open ground na yon.  It took several minutes before they came back to their senses.  Mayamaya'y nagtititili ang mga bru.  Tsk tsk.

"OMG!  Ikaw pala yung tinutukoy nilang wallflower kanina!" -Shawn

"Bakit kasa-kasama mo sila?"  Shinee gave me a calculating look.

"Nakasabay ko lang sila."  It was partly a lie.

"But they seemed to know you."

"They were just being friendly."  Though hindi lahat sila.  "Anyway, enough of them.  Nasaan na si Destiny?"

"Ayun, kasama ni Angelo-oppa." sagot ni Shawn sabay-tuor sa dulo ng buffet table.  "Pumayag na siyang maging ka-date nito."

"Then, that means, may ka-date na kayo?"

"Yup.  They were from the same sector.  They asked us out and we accepted it.  It's just for tonight at isa pa, friendly date lang naman yon."

"Sa boyfriend mo ikaw magpaliwanag, hindi sa'kin."

"Alam na niya yon."

"But anyway, I don't think that's the reason why she accepted him." -Shinee

"Kung anuman yon, hayaan na lang natin siya.  Nga pala, nasaan yung mga ka-date niyo?"  I tried to look around.

"Umalis lang saglit pero nandiyan na yon mayamaya lang.  Eh ikaw, sinong ka-date mo doon sa apat na 'yon?"

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon