7: Secret Admirer, First FOX Prince and Her Manager

922 26 45
                                    

A/N: Xenxa na sa sobrang late update.  Anyway, may in-upload akong mga pictures ng mga babae dito sa story na 'to.  Pakitingin na lang po.  Nasa iba't ibang chapter po.  Enjoy reading. ^_^

_____________________________________________________________________

Still Ritz's POV

Katatapos lang ng klase ko.  Buti na lang at pareho kami ng schedule nila Shinee at Destiny.  Palabas na kami ng building namin with Shawn nang may biglang maalala si Shinee which caused us to stop on our tracks.

"Daan muna tayo sa locker natin."

"Anong gagawin natin dun?" -Destiny

"Wala lang.  Gusto ko lang makita.  O ano?  Nakuha niyo na naman yung susi ng locker niyo, di ba?"

Tumango kami.

"Good.  Let's go girls."

Nauna na siya sa paglalakad.  Nagkatinginan kami ni Destiny.  Pareho kami ng iniisip.  Lalaki lang ang habol ni Shinee doon.  Ang locker room kasi ang isa sa mga lugar sa campus kung saan pwede mong ma-meet ang mga taga-IP.

Mayamaya'y nakarating na kami doon.  Medyo maraming tao doon dahil uwian na.  Mabuti na lang at magkakatabi kami ng lockers.  Yung akin ang nasa pinakadulo.  Sosyal din ang lockers dito.  Glass lockers.

"Ok.  Sabay-sabay tayong magbukas."

Nagbilang si Shinee.  Lakas talaga ng topak nito.  Nakisakay na lang kami.  Sa hudyat niya, sabay-sabay naming binuksan ang lockers namin.  Nagulat ako sa tumambad sa paningin ko although hindi naman nahalata sa'kin.  Alam niyo na naman kung bakit.  Sumilip sa likuran ko si Shinee na katabi ko lang ng locker.

"Uy... ano yan?"

"Wow!  Flower and letter.  Mukhang may secret admirer ka ah." -Shawn

"Dali!  Buksan mo na!" -Destiny

Kahit kailan, excited sila sa mga ganitong bagay.  Kinuha ko yung letter at binuksan ko.  Very pretty handwriting.  Iisa lang ang may-ari ng letter at nung lavender rose na kasama nito.  Parehong may red ribbon.  Nasa likod ko na pala yung tatlo at binabasa ng malakas ni Shinee yung letter.

"We sometimes encounter people, even perfect strangers, who begin to interest us at first sight, somehow suddenly, all at once, before a word has been spoken. 

Merely looking at you colors my world with wonders of love.

~From your dearest star."

"Poetic pala ang secret admirer mo ah." -Destiny

"Cool!  Sino kaya yan?  Siguro taga-IP yan." -Shawn

"Baka naman yung taga-bantay lang yan ng mga locker." -Shinee

"Imposible.  Sulat pa lang kaya, halata na." -Destiny

"At mukhang hindi mumurahin yung rose at papel na ginamit niya.  Sobrang fresh at napakabango kaya nung rose." -Shawn

"Hindi para sa'kin 'to."

"Anong hindi para sa'yo?  Nabasa mo na ba yung p.s.?" -Shinee

'P.S. The real message is within the rose, Ritz Milford.'

"Ano bang ibig sabihin ng lavender rose?" -Shinee

"Enchantment.  Love at first sight." -Destiny

"Baka naman pati yung number ng rose may meaning din?" -Shawn

"A single rose means love at first sight and you are the one."

"Hanep ah.  Siguradong estudyante 'to ng either IP o kaya naman ng FOX.  Talino eh."

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon