6: Her Pseudo-Boyfriend

935 28 41
                                    

A/N:  Sorry for the very late update.  Mahaba-haba naman po itong chapter na ito so enjoy.  ^_^  May mga foreign words nga po pala dito so pakitingin na lang yung translation ng mga yun sa end ng chapter na 'to.  Anyway, thanks sa mga readers, sa mga nag-fan, sa mga nag-comment at sa mga nag-add ng story na 'to sa kani-kanilang library. ^____^

_______________________________________________________________________

RITZ's POV

Second day ng klase.  Kapapasok ko lang sa gate ng school.  Inaantok pa ako.  Nakita kong maraming nagtatakbuhang mga babae.  Tumingin ako sa relo ko.  Maaga pa naman.  I was lazily walking when someone bumped me.  I silently looked at her.

"Huwag ka ngang paharang-harang diyan sa daan!"

Aba!  Ako na nga ang nabangga, siya pa ang nagalit.  Inirapan niya muna ako bago siya nagmadaling tumakbo papunta sa nabubuong crowd sa gitna.  Napa-iling na lang ako.  Sikat talaga ang mga taga-IP.  I looked at the building ahead of me.  Mali na naman ako ng napasukan.  I entered at the FB's gate.

Dumaan ako sa crowd.  Mas malapit yon eh.  Pagdating ko sa harapan, hinarang ako ng mga malalaking tao.  Yung mga maton pala.  And they are glaring at us.

"Bawal lumagpas sa line na 'to."

Tumingin naman ako sa ground.  May line nga.  Tsk.  Dead end ako.  Kailangan ko tuloy lumabas at umikot papunta sa gate namin.  Tsk.  Ang hirap pa namang mag-counter flow sa crowd na ito.  Paalis na ako nang marinig kong may tumawag sa akin.  Hinanap ko.

"Ritz!  Dito sa likod mo!"

Lumingon ako.  Si Gelo pala.  Nickname ko para kay Angelo.  Ang haba kasi.  Nandun siya sa likod nung mga maton.  Ano na namang kailangan nito?  Nag-sign siya na lumapit ako so I did what he told me to do.

"Ano na namang ginagawa mo diyan?"

"Nagkamali ako ng pinasok na gate."

"Ah... eh bakit nandiyan ka pa?"

"Paalis na ako."

"Don't tell me lalabas ka ng school?"  I nodded.  "Hm... Wag kang aalis diyan.  Akong bahala sa'yo."

Lumayo siya saglit para kausapin yung mga maton.  Nakita kong napakamot ng ulo yung isa sa kanila habang tinitingnan ako.  Mayamaya, lumapit yung isa sa akin at ihiniwalay niya ako sa crowd.  Katabi ko na si Gelo ngayon.  Maraming mga matang nakamasid sa'min.  And they are glaring at me as usual.  Tsk.

"Ihahatid na kita."

"Wala ka bang klase?"

"Meron.  Pero maaga pa naman.  So...?"

"Bahala ka."

At nauna na akong naglakad sa kanya.  Tsk.  Masyado na kaming nakaka-attract ng maraming tao.  Sikat kasi eh.  Sinundan niya ako.

"Ahm... Kumusta ang first day mo rito?"

"Ok lang."

Inabot lang naman ako ng maraming kamalasan.  Hay... nagsimula ang lahat ng yon sa lalaking ito.  Nagpatuloy lang ako sa paglalakad ng hindi siya nililingon.  Nasaan na kaya yung mga bruhang yon?

"Balita ko, naaksidente ka raw.  Ok ka na ba?"

"Nadapa lang ako."

"Ok na ba yung sugat mo?"

"Galos lang yon."

"Ritz."

Napatigil ako.  Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala siya sa paglalakad.  Tiningnan ko and paligid ko.  Nasa tapat na pala ako ng XOXO building.  Nilingon ko siya.  He looked serious.

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon