12: Sleepover and the Date

705 23 17
                                    

A/N:  Thanks sa lahat ng walang sawang bumabasa ng story na 'to.  Kung hindi dahil sa inyo, hindi ako sisipaging magsulat nito (chozz).  Anyway, just enjoy this chapter. haha. ^_^

_____________________________________________________________________

SHAWN's POV

Yoboseyo (Hello)!  Hindi ko na babanggitin ang buong pangalan ko since nabanggit na iyon noong chapter 2.  Well, let's go to some stuffs about me.  May 1/4 Korean blood ako since half Korean ang dad ko kaya medyo marunong akong mag-Korean.  Kailan lang ay nalaman kong nasa iisang subdivision lang kami nakatira ni Shinee.

Kasalukuyang nasa living room kami nila Destiny at palipat-lipat ng channel si Shinee.  Malaki at maganda ang bahay nila Destiny, probably kasinlaki ng sa'min.  It was of European style.  Solo namin ang bahay nila since wala ang parents niya this weekend.  

Ngayon lang ako naging ganito kasaya sa buong buhay ko.  Ngayon lang kasi ako nakahanap ng ka-click ng ugali ko.  Madali silang pakisamahan at totoo silang tao.  Hindi rin sila masyadong maarte.  Kapag ayaw nila, ayaw talaga nila at hindi sila nagpapaka-plastic.  And they care a lot for each other.

"Tutulala na lang ba kayo diyan?  Wala na si Lass." puna ni Ritz na kasalukuyang nilalantakan ang mga chocolates at strawberries na dala niya.  Saan kaya niya nilalagay ang mga kinakain niya?

"Hindi ka naman masyadong prepared niyan." puna naman ni Destiny sa dalang mga pagkain ni Ritz.  Ang dami kasi.

"Si Lass ang bumili niyan kanina."

"Iba na talaga yan.  Walang lalaking basta-bastang gumagastos para sa isang babae.  At saka, inihatid ka pa niya dito." -Shinee

"Nautusan lang siya ni Mama."

"Still, I believe na may something na sa inyong dalawa, right Shawn?"

"Yah.  And you really look good together."

Ngayong tinititigan ko si Ritz, may napansin akong hindi ko napansin kanina.  Parang naging 10x ang ganda niya ngayon.  She doesn't look nerd at all.

"You're not wearing your glasses today?"

"Grabe Shawn... LR?" -Destiny

"Oo nga.  Kanina pa tayo dito.  Dapat sa labas pa lang, napansin mo na yan." -Shinee

"Sensya na.  Masyado lang naapektuhan nung hunk kanina.  So?"

"It's uncomfortable." -Ritz

"See?  Kaya dapat, hindi mo na sinusuot yon.  Mai-stress ka lang." -Shinee

"Hayaan mo na nga lang siya sa disguise niya.  Mas gusto niya yan kaya suportahan mo na lang din." -Destiny

So talagang disguise niya lang yon... bakit kaya?  May tinataguan kaya siya?  Hay... sa kanilang tatlo, kay Ritz lang ako walang masyadong alam.  Ang misteryoso niya kasi.

"Hoy!  Ang sama ng tingin mo diyan sa picture frame ah.  May hindi kaaya-ayang mukha ba diyan?" -Shinee

"Hindi ko masyadong makita." -Ritz

"Eh di lumapit ka.  Alam na ngang malabo ang mata...  Ang tamad talaga." -Destiny

"Malabo talaga ang mata mo?"

Sabay-sabay silang napalingon sa akin.  Destiny and Shinee looked surprised.  Nagbawi kaagad ng tingin si Ritz.  Di ko naman akalain na malabo talaga ang mata niya.  She looked ok earlier so I thought ayos lang ang paningin niya.

"Let's just say that her vision is fair enough to see her surroundings but not good enough to see everything well." -Destiny

"Kaya nga madalas na nababansagang snob yan eh.  Di niya agad nakikilala ang mga nakakasalubong niya." -Shinee 

My Beloved Superstar [CH. 21 UPDATED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon