Chapter Six

1.7K 56 0
                                    

"Why are you applying as my secretary Ms Fang?" Tanong nito sakanya na parang i-ne-emphasize pa ang pagkakasabi ng apelyido niya.

"Para po magkaroon ng experience and I believe that this company will help me." Wika niya kahit sa totoo lang ay nauumay na siya sa tanong na iyan.

"Okay. You will be my personal assistant from now on. You are the one who make my coffee, clean my office, accompany me for my meetings and visits in any of my branches aside from Pilar, my executive secretary." Tumango-tango siya sa sinabi nito at lihim na napangiti.

"And do not wear any skirts and sleeveless even that blazer. Slacks and longsleeves are fine with you. Understand?" Napakunot ang noo niya sa sinabi nito at napaayos ng upo.

"But why? I don't see any--"

"That's an order." Anito at umiwas ng tingin sakanya. Napanguso nalang siya at tinignan ang mga kamay na nakapatong sa hita niya. Katahimik ang namayani sa buong silid, walang gustong magsalita ni isa sakanila. Ayaw din namang magsalita ni Eliza dahil siya ang interviewee, therefore, pagsagot lang dapat ang gagawin niya.

"By the way, how old are you?" Tanong nito pagkuwan.

"I am twenty three, Sir." Sagot niya.

Mataman muli siyang tinignan nito saka napangisi, "Twenty three, huh? I am five years older, then? How freak are they to think of that." Anito na hindi niya naintindihan kaya muling napakunot ang noo niya. Hindi niya alam kung kausap siya nito o siya pinatutungkulan, pero nanatili na lamang siyang tahimik at pinanuod ito.

Ngayon ay sigurado na siya na may ugnayan sila. Ang mga mata nitong kulay abo ang palatandaan, ito ang mga matang lagi niyang nakikita sa panaginip niya.

"Pwede ka ng umalis. Tomorrow is your first day so just be ready. Have a great day, Eliza." Nakangiting wika nito kaya ngumiti din siya at magalang na nag-paalam. Nagpasalamat din siya sa dalawang babae sa labas ng opisina ni Charles at nalaman niyang si Pilar pala ang nasa may bandang kanan na mesa, ang executive secretary, at si Wynona naman ang assistant secretary, ang nag-assist sakin kanina.

Pagkalabas ko ng building ay napahinga ako ng malalim at luminga sa paligid. Doon ko napansin ang isang building na nasa tapat ko, o katapat ng building ni Charles. Mataas ito at matayog at halatang marangya. Hindi ko alam kung ano ang sumapi sakin para maglakad patungo doon hanggang sa nasa tapat na ako. Aniya sa sarili.

"Saan po kayo Ma'am?" Wika ng guard sakanya.

Fresh N' Lively Foods Corporation

Basa niya sa may pader sa likod ng reception nang matanaw niya ito. Nagpacheck siya ng bag sa guard at sinabing mag-a-apply siya kaya pinapasok siya nito. Katulad ng ginawa niya sa building ni Charles, nagpunta din siya sa reception at nagiwan ng Id, sumakay sa elevator na nasaktuhan na coffee break kaya maraming tao sa elevator.

"Narinig mo na ba ang chismis, girl? Babalik na raw ang nag-iisang anak na babae ni Sir Emman." Sabi ng babae sa harapan niya sa bandang kaliwa.

"Paanong babalik eh patay na 'yon, five years ago pa?" Wika naman ng nasa kanan.

"Anong five? Isang taon palang commatose si Mam Elizabeth nang tanggalin ang life support niya kaya seven years na siyang patay." Ani pa ng isa.

"Patay? Eh ano iyong chismis na babalik? Bakit ang gulo?"

Kung paano naguguluhan ang babaeng nagsasalita ay ganon din siya. Bakit nga ba biglang gumulo? Anong meron sa mga taon? Basta ang natatandaan niya ay five years ago nang magising siya sa ospital, na sinabi ng mga magulang daw niya ay naakasidente siya. Alam naman niyang may amnesia siya at hindi niua pinilit na alalahanin ngunit ngayon ay interesado na siya. Ngunit magulo. Bakit ba sobrang hirap alamin ang nakaraan? Kasing gulo ba ng nangyayari ngayon ang buhay niya dati?

"Eh bakit ba namatay si Mam Elizabeth?" Tanong na naman ng isa.

"Ang alam ko car accident, pagkatapos ng wedding iyon nila ni Sir Charles, papunta na sana sila ng reception, brake failure ang sabi. Tapos ayon, nacomma si Mam habang si Sir ay ilang taong nagtheraphy para makalakad ulit dahil sa tindi ng nangyari sa kanya."

"At saan mo naman nakuha iyan?" Tanong sakanya ng isa.

"Kay Teresa, iyong step sister ni Mam Elizabeth na feeling rich. Friend ko iyon kasi lagi kaming laman ng bars." Anito at napahagikhik pa.

She was so sure na siya si Elizabeth na pinag-uusapan nila. But what really caught her was the step sister thingy namely, Teresa. Who is Teresa? Kanino niya ito step sister? Sa ama o ina? Sobrang gulo na talaga.

Pero maniniwala ba siya sa mga ito eh chismis lang daw iyon? Hay bahala na.

Napagdesisyunan niya na umalis na lamang doon dahil sa tingin niya ay may makakakilala sakanya. Mabilis siyang naglalakad sa lobby nang makuha ang Id niya at napahinto nang may mamataan.

Kitang-kita niyang naglalakad ang sopistikadang babae na nakita niya noong isang araw at kasama nito ang isang matandang lalaki na malakas ang dating at ang isang babaeng sa tingin niya ay kaedad niya. Parang takot na takot ang lahat ng empleyado sa kanila dahil napahinto pa ang mga ito sa paglalakad para lamang batiin sila. Nang makita niyang lumingon sa gawi niya ang dalaga ay mabilis siyang nagtago sa likod ng lalaking may katabaan at sa tingin niya ay kaya siya nitong takpan. Nakaalis lamang siya sa likod non nang muling gumalaw anh mga tao. Nagmdali na siyang umalis doon at agad umuwi.

Nag-aayos siya ng gagamitin para sa unang araw niya sa trabaho ng katukin siya ng Ina. Nakangiting mukha nito ang bumungad sakanya kaya tipid siyang ngumiti.

"Kakain na anak." Anito. Tumango naman siya at sinabing susunod nalang dito saka muling isinara ang pintuan.

Hindi niya malaman ang nadarama basta simula nang marinig niya ang tungkol sa kanya sa mga ito ay parang nawalan na siya ng amor. Naniniwala na siyang hindi niya magulang ang mga ito, kundi ang mga nakita niya kanina pero iba parin ang pakiramdam niya. Kaya kailangan na talaga niya malaman ang lahat.

Agad din siyang lumabas ng kwarto makaraan ang ilang sandali, nagpunta siya sa kusina at napatigil nang makita niya ang mag-asawa na nasa lababo, nagtitimpla ng gatas ang kanyang Ina at kasalukuyan na nitong hinahalo iyon habang ang Ama ay may nilagay na maliit na gamot, nakita niya pang inilapag nito ang pakete saka tumingin sa asawa.

"Nay. Tay." Biglang tawag niya na nagpagulat sa dalawang matanda. Tumingin ito sakanya at nakita niya pa ang pagtapon ng pakete sa lababo ngumiti sakanya. Nginitian niya rin ang mga ito at umupo na sa hapag.

Pasimple niyang pinapanuod ang mga ito na maganang kumakain hanggang sa may napansin siya. Parang biglang lumakas ang mga ito sa nakalipas na buwan, para bang wala itong iniinda na mga sakit di gaya noon. Dati rin ay siya ang kumikilos sa bahay nila ngunit ngayon ay ang mga ito na. Mayroon talagang hindi tama sa mga ito.

"Inomim mo na tong gatas, anak para mahimbing ang pagtulog mo." Wika sakanya ng Ama na tipid niyang nginitian.

"Mamaya na po, hindi pa ako tapos. Sige po, ako na ang magliligpit ng hapag, pwede na po kayong magpahinga." Wika niya at agad namang umalis ang dalawa. Hindi na niya tinapos ang pagkain at nagligpit, binitbit din niya ang baso ng gatas sa may lababo at tumalikod sa mga ito at nag-astang iinom. Nakita niya ang pakete sa may lababo kaya kinuha niya ito at pasimpleng binulsa saka dahan-dahan tinapon ang gatas. Pagkatapos ay naghugas na siya ng pinggan.

Ipinapangako niya sa sarili na hindi matatapos ang linggong ito at malalaman na niya ang totoo. Bumalik man ang alaala niya o hindi.

I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)Where stories live. Discover now