Chapter Three

1.7K 48 0
                                    





"Bakit ka nag-architecture?" Tanong ni Kuya Marvin kay Eliza, kasalukuyan parin silang nasa loob ng Milk tea store at magkaharap habang sumisimsim ng binili nila.

Nilunok muna ni Eliza ang sago na kinakain niya saka ito sinagot, "Actually, Idea yon ng Parents ko, pero ang gusto ko talaga ay Education, iyong secondary."

"Bakit mo sila sinunod? Hindi ka ba nahirapan?" Tanong pa nito.

"Kasi mahal ko sila, ganoon naman talaga dapat diba, kapag mahal mo ang isang tao, magagawa mong gawin kung ano ang ikasasaya niya."

"Humuhugot ka ah!" komento nito at ginulo ang magulo niyang buhok, iniayos nalang niya ang buhok niya habang ngingiti-ngiti.

"Ako naman ang magtatanong, Kuya," maya-maya'y wika niya. Tumango naman ito at tinitigan siya.

"Bakit ano, bakit ang sungit mo?"

"Ha? Hindi naman ah, pero yan ang madalas na tinatanong sakin. Hindi ko nga alam kung bakit. Eh, ikaw? Bakit ang taray mo?"

"Ha?" hindi makapaniwala niyang tanong sabay turo sa sarili niya.

"Hindi kaya!" tanggi niya.

"Oo kaya, kapag nga kinakausap kita hindi ka namamansin." anito. Napaisip siya bigla, kinakausap siya ng crush niya? Oh, my! Bakit hindi siya aware?

"Talaga? Ako, hindi ka pinapansin?" hindi makapaniwala niyang tanong. Bigla tuloy siya nainis sa sarili niya, hindi niya ba talaga pinapansin si Kuya Marvin? Ang cute at gentleman na crush niya, hindi niya pinapansin? Grabe siya!

"Kailan--"

Naputol ang anumang itatanong niya nang tumunog ang bell ng pintuan ng Milk Tea house na lulan nila at bigla siyang napatingin doon. Bigla siyang nakaramdam nang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi nang magtama ang mga mata niya sa hazel brown eyes na bagon dating. Ang maputi at matangkad na lalaki na naka-three piece suit na nakita niya lamang kaninang umaga, ang lalaking laging nakangiti,

"Sir Chase?" mahinang wika niya na nakaabot sa paningin ni Kuya Marvin at napalingon din doon.

"Ha? Sino?" tanong nito.

Agad na nagbawi ng tingin si Eliza at napayuko. Dire-diretso na sumimsim siya ng inumin niya at tumigil lang nang maubo siya dahil sa lamig na nanuot sa lalamunan niya.


"Sino iyon, Eliza?" tanong muli nito.

"Ah, wala, guest siya kanina, bigla ko lang naalala." wika niya at saka inubos ang inumin.

"Tara na, Kuya. Gabi narin kasi." Tumango nalang ito sakanya at binitbit ang inumin nito na wala pa sa kalahati.

Suddenly, biglang nakaramdam nang pagkailang si Eliza kay Kuya Marvin at ramdam naman iyon ng huli kaya tinanong niya ang dalaga, "Anong problema, Eliza?"

"Ah, wala Kuya. Anong sasakyan mo?" wika na lamang niya nang nasa tapat na sila ng gasolinahan. Sinabi naman nito ang sasakyan na jeep at nalaman na parehas lamang sila ng way kaya napangiti na lamang siya.

Hanggang sa makauwi siya sa apartment nila ay tahimik lamang si Eliza, nakahiga na siya ngayon sa kama niya at nakatingin sa kisame na may mga posters ng ALDUB.

Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa inasal niya sa harap ni Kuya Marvin. Hindi niya kasi ito kinakausap at tanging tango o iling lang ang sinasagot niya kapag nagtatanong ito. Hindi pa siya nakapagpasalamat sa panlilibre nito ng inumin at pamasahe sakanya. Sana talaga ay pansinin parin siya nito bukas at talagang mag-so-sorry siya dito.

Napabuntong hininga siya at tumagilid nang pagkakahiga. Pumikit siya at hinayaan ang sarili na dalawin ng antok.











"Eliza? Mahal ko, nasaan ka?"

"Eliza? Mahal ko, kumapit ka lang."

"Mahal ko, huwag mo akong iiwan!"



Napabalikwas ng bangon si Eliza kasabay nang pagtunog ng pekeng manok ng cellphone niya. Ilang beses siyang bumuntong hininga at pumikit. Basang-basang ng pawis ang likod at leeg niya, hindi niya mawari kung ano ang sinasabi ng boses sa panaginip niya basta ay nakakaramdam siya ng matinding takot na ngayon niya lamang naramdaman.

Kinuha niya ang cellphone sa gilid niya at napamura nang makitang ala-sais na ng umaga! Ala-singko ang pasok niya at panigurado ay nakahanda na ang mahabang speech ng masungit niyang Manager para sakanya.

"Patay kang Eliza ka!" wika niya sa sarili.

I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)Where stories live. Discover now