Prologue

3.8K 73 2
                                    

Sa pagbukas ng pintuan ng simbahan ay isang malawak na ngiti ang ipinaskil niya sakanyang labi. Dahan-dahan siyang naglakad, inilibot ang kanyang paningin sa mga tao na nandoon.

Present ang mga kaibigan niya, kaklase niya nong college at mga katrabaho, ngunit wala ang kanyang Pamilya na nagpawala ng ngiti niya.

Ramdam niya ang pamumuo ng luha sakanyang mga mata, ngunit muli siyang napangiti nang makita ang taong minamahal at mamahalin habang buhay.

"Chase..." she whispered. Mukha naman narinig nito dahil lumapad pa lalo ang pagkakangiti nito sakanya at kinidatan pa siya. She chuckled a little hanggang sa nasa harapan na siya nito.

"I love you." Chase whispered in her ears.

"I love you too." she answered wholeheartedly.

"Wear this ring, as a sign of my love and loyalty. I love you, Maria Elizabeth Fang, since the day I met you up to forever. This love may be so hard for us, but I promise to stay on your side. Ipaglalaban ko ang pag-ibig na ito, hanggang sa mapatunayan kung gaano kita kamahal." Chase says teary-eyed. Isinuot nito ang singsing sakanyang palasing-sing-an. Hinawakan niya ang pisngi nito at pinahid ang luha na kumawala.

"Wear this ring, as a sign of my love and loyalty. I want to grow old with you, stay by your side always, love your flaws and mood swings. I want to be you shoulder to lean on, listener and adviser. I love you at kasama mo ako sa laban na ito." Isinuot niya ang singsing dito at ngumiti. Pasimple niyang pinahid ang kanyang luha dahil hindi siya mahawakan ni Chase dahil sa belo na nakaharang dito.

"I know pronounce you Mr and Mrs Charles Frederick Buenviaje, you may now kiss the bride."

They sealed their love and promises with a kiss. Nagpalakpakan ang mga tao kasabay nang pag-flashed ng camera.

"Are you happy, sweetheart?" tanong ni Chase kay Eliza sabay haplos sa braso nito. Kasalukuyan silang nasa bridal car at papunta sa reception. Nakasandal si Eliza sa dibdib ni Chase at nakayakap ito sakanya.

"Yes. So happy and contented." wika ni Eliza at bahagyang siyang tinignan. Hinalikan ni Chase ang ulo ng asawa at ngumiti.

"Kahit na kasal na tayo ay ipagpatuloy mo parin ang pag-aaral mo ha." wika pa ni Chase.

Umalis sa pagkakasandal si Eliza at tinitigan niya ang asawa.

"Oo naman. At hindi rin ako magsasawa na puntahan sina Mama at Papa at hingiin ang kapatawaran nila, sana ay ikaw din." malungkot na wika niya.

"For you, I will. I'll try to talked to Mom and Dad pagkabalik natin galing Honeymoon." sagot nito. Kinintalan niya ng mabilis na halik si Eliza at napatawa nalang ito saka marahan siyang hinampas sa dibdib.

Bumalik si Eliza sa pagkakasandal sa dibdib ni Chase. Tahimik lang sila na tila pinapakiramdaman ang isa't-isa nang makaramdam sila nang biglaang bilis ng pagpapatakbo ng kotseng lulan nila.

"Anong nangyari, Manong?" tanong ni Chase.

"Pasensya na po Sir Chase." sagot ng matandang driver at ilang sandali pa ay niliko nito ang sasakyan, tumama ang gilid ng kotse sa isang malaking truck, ngunit nagawa parin itong paandarin ng driver kaya nagdiretso ito sa barigada pababa.

"Mahal na mahal kita, Chase." mahinang bulong ni Eliza bago tuluyang pumikit.

I Knew I Loved You Before I Met You (Completed)Where stories live. Discover now