Finale

7.3K 220 37
                                    

"I am nothing special, of this I am sure. I am a common man with common thoughts and I've led a common life. There are no monuments dedicated to me and my name will soon be forgotten, but I've loved another with all my heart and soul, and to me, this has always been enough."

- Nicholas Sparks, The Notebook

Unedited

Nawalan na nang pag-asa si Hector noon nang malaman niyang ipinagpalit na siya ni Alex sa ibang lalaki.

Sobra siyang nasaktan. Lalo pa nang makita mismo ng dalawa niyang mata ang pag ngiti ni Alex kasama si Khen.

Lingid sa kaalaman ng lahat, binisita ni Hector ang dalaga sa restaurant nito. Nang mga panahong iyon, kumakain ng tanghalian sina Khen at Alex. Masaya ang dalawa habang nagkukuwentuhan. Panay ngiti at halakhak nito na tila ba, nakalimutan na siya ng dalaga.

Masakit, pero wala naman siyang dapat sisihin kundi ang kaniyang sarili dahil iniwan niya ito nang walang paalam.

Nang muli silang magkita ni Alex, isa lang ang kaniyang napatunayan. Mahal pa rin siya ng dalaga.

Hindi kailanman nagsisinungaling ang mga mata. Maaaring iba ang sinasabi ng bibig ngunit hindi ng mga mata.

Alam niyang mahal pa rin siya ni Alex. Nakikita niya iyon sa kulay brown nitong mga mata. Ang mga titig nito sa kaniya na puno ng pagmamahal mula pa noong mga panahong hindi pa siya nito nakikita ay wala pa ring pinagbago maliban sa mga katanungang nakikita niya mula roon.

Hindi pa rin siya makapaniwala na ito na. Ikakasal na sila ng babaeng pinakamamahal niya. Ang babaeng kaya niyang hintayin kahit gaano pa katagal, mapatawad lang siya.

Hindi maalis-alis ni Hector ang mga mata sa naglalakad na dalaga kasama ang mga magulang nito. Napakaganda ni Alex. Bumagay ang luma ngunit grandyosong wedding gown na suot rin ng ina ng dalaga noong ikinasal ito sa kanilang ama.

"Ang ganda ng bestfriend ko, hindi ba? Ang suwerte mo,"

"Thank you for making her happy nang mga oras na wala ako tabi niya. Utang ko ang lahat sa 'yo," ani Hector sabay sulyap sa kaniyang best man.

Inakbayan siya ni Khen. " Ano'ng pakiramdam ng ikinakasal?"

"Bakit? Susunod ka na ba? Sinabi mo na ba sa kaniya ang nararamdaman mo?"

Tinanggal ni Khen ang braso sa balikat ni Hector nang makitang malapit na si Alex sa kanila. Ngumiti siya sa kaibigan. Natatawa siya sa reaksiyon ni Alex. Nagtatanong na naman ang mga mata nito.

Tanggap ni Khen na hanggang kaibigan lang talaga sila ng babae. Masaya siya para dito. Sa wakas, magiging masaya na rin ang kaniyang kaibigan sa piling ng taong ni minsan ay hindi nito nagawang kalimutan. Nagpapasalamat din siya kay Hector. Siguro kung hindi ito bumalik, hindi nila parehong mararamdaman ng kaibigan ang totoong kaligayahan sa piling ng mga taong mahal nila.

"Congratulations," niyakap niya ang dalaga, "I'm happy for you, Alex,"

"Thank you, Khen. Ang ganda ng boses niya. Huwag mo nang pakawalan. Baka maagaw pa ng iba,"

"Hinding-hindi na." Sagot ng kaibigan sa kaniya saka sinulyapan ang babaeng kumakanta sa kanang bahagi ng dalampasigan na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

Magkasabay na humarap sa naghihintay na pari sina Alex at Hector nang may mga ngiti sa labi.

Habang ginaganap ang seremonya ng kasal, masaya ang lahat para sa dalawa. Sa lahat ng kanilang mga pinagdaanan, sino pa ang mag-aakalang hahantong sila sa kasalan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 04, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bachelor Series 2: Hector MontefalcoWhere stories live. Discover now