Chapter 10

4.6K 175 50
                                    

"Being deeply loved by someone gives you strength, while loving someone deeply gives you courage."

Lao Tzu


Unedited


Halos hindi na nakatulog si Alex pagkatapos nang pag-uusap nila ni Hector. Masaya siya at ramdam din niyang masaya ang lalaki dahil sa wakas ay kinausap na niya ito. Mag-isang buwan na rin siyang sinusuyo ni Hector maging ng kanyang pamilya. Ngunit wala siyang pinakinggan ni isa sa mga ito.

Hindi pa rin kasi niya matanggap na naglihim ang mga ito sa kanya. Pakiramdam niya pinagkaisahan siya ng lahat. Subalit ang mas masakit ay ang malaman niyang sarili niyang kapatid ang dahilan ng paglayo ni Hector sa kanya.

Sa pag-uusap nila ni Hector kagabi, napagtanto niyang, kaya siguro nangyari ang lahat para malaman din niya ang katotohanan. May alam pala ang mommy at kuya Luis niya sa naging affair ng kanilang ama. Ang buong akala niya siya lang ang nakakaalam ng lahat. Dahil sa pag-aalala niya na baka masira ang kanilang pamilya, isinarili niya ang nalaman tungkol sa ama.


Third year high school siya nang aksidenteng makita ang pakikipaghalikan ng kanyang ama sa sekretarya nito sa loob mismo ng opisina nito. Ugali na niyang hindi kumatok kapag dinadalaw ang ama sa hospital na pinagtatrabahuan nito bilang isang oncologist doctor.


Parang na pako ang mga paa ni Alex sa labas ng opisina ng kanyang ama habang tinatanaw ang mainit na eksena sa pagitan ng sekretarya nito.


Akmang huhubarin na ng ama ang pang-itaas na suot ng babae nang sumigaw siya. Parehong napalingon ang dalawa sa labas ng pintuan kung saan siya nakatayo. Ilang segundo lang ang lumipas nang tuluyang makabawi sa pagkabigla si Alex habang ang dalawa naman ang tulala at 'di alam ang gagawin. Agad tumalikod at tumakbo palabas ng ospital si Alex.


Halos hindi na niya nakikita ang dinadaanan dahil sa mga luhang walang tigil sa pagpatak. Palisin man niya iyon wala pa ring silbi. Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa tuluyan na itong makalabas ng ospital. Ang hindi niya namalayan ay ang taxi na mabilis ang pagtakbo. Tumawid siya sa pedestrian lane sa harapan ng ospital at doon na siya nabangga ng taxi.


Sa lakas ng impact, gumulong si Alex sa harapan ng taxi papunta sa likod. Nawalan na siya ng malay pagkatapos no'n. Lumabas sa imbestigasyon na walang kasalanan ang driver dahil tumawid si Alex na naka-go ang signal ng traffic light. Huli na para umiwas ang driver ng taxi dahil sa bilis nang takbo nito sakay ang isang pasiyente na nag-aagaw buhay.


Iyon ang naging dahilan nang pagkabulag ni Alex. Ginawa lahat ng mga magulang nito na muli siyang makakita ngunit siya mismo ang umayaw. Nagkaroon siya ng cornea transplant mula sa pasahero ng taxi na hindi na umabot nang buhay sa ospital ngunit hindi rin iyon tinanggap ng kanyang sistema.

Ang sabi ng mga doktor, mismong ang pasiyente ang ayaw nang makakita pang muli. Hindi lang ang mata ni Alex ang na trauma. Kundi ang buong pagkatao niya. Hindi niya lubos maisip na magagawa iyon ng ama sa kanila. Daddy's girl siya. Hinahangaan niya ang ama higit na kaninuman.


Isa itong mabuting ama sa kanila ni Luis. Lahat ng pangangailangan nila ay ibinigay ng ama. Naging mabuting kabiyak din ito sa kanilang ina. Wala siyang maisip na dahilan kung bakit nagawa ng kanyang ama ang pagtaksilan sila lalo na ang kanyang ina. Hindi niya iyon matanggap. Hindi niya mapapatawad ang ama kahit kailan.


Nang dumating si Hector sa buhay niya, nagbago ang lahat. Ipinakita sa kanya ng lalaki ang kahalagahan ng isang pamilya. Ang kahalagahan ng pagpapatawad lalo na kung ito'y pinagsisisihan na ng taong nagkasala. Ipinakita ng lalaki sa kanya ang tunay na kahulugan ng buhay kasama ang mga taong mahalaga sa kanya.


Bachelor Series 2: Hector MontefalcoWhere stories live. Discover now