Chapter 3

5.5K 200 40
                                    

"If I could be anything in the world I would want to be a teardrop because I would be born in your eyes, live on your cheeks, and die on your lips."

Unedited

"Let's go!" pagkuway saad ni Hector matapos ulit ma angkin ang mga labi ng dalaga. Magkadikit pa rin ang kanilang mga noo at hawak-hawak pa rin niya ang pisngi ng dalaga.

Kinapa ni Alex ang mukha ni Hector hanggang sa matunton nito ang matangos na ilong ng binata.

"Perfect," at dahil hindi hamak na mas matangkad ang lalaki kaysa sa kanya sa taas nitong five feet and eleven inches, she, stood on tiptoe and kiss Hector's nose.

"I can't wait to see, you,"

"Don't worry. Makikita mo rin ako."

Magkahawak ang mga kamay at kapwa may mga ngiti sa labi na tinungo ng dalawa ang red and black combination na sports car ng binata na naghihintay sa labas ng bahay nina Alex.

Inalalayan ni Hector ang dalaga na makapasok sa loob ng kotse.Hinawakan niya ang ulo ng dalaga at isang kamay niti saka dahan-dahang pinaupo. Inayos din nito ang laylayan ng damit ni Alex na bahagyang nilipad ng hangin.

"Nice legs," aniya nang makita ang animoy perpektong ginuhit na mga binti ng dalaga.

"Thanks," nakangiting sagot naman ni Alex na agad itinuon ang atensyon sa harapan ng kotse. Nangingiti na naman ang kanyang puso.

Iba pala kapag may ibang tao na bukod sa iyong pamilya ang makaka-appreciate ng kung ano'ng kagandahan ang meron ka. Lalo na kapag opposite sex mo ang humanga sa 'yo. Kinikilig ka. Bigla-bigla mo na lang mararamdaman ang pang iinit ng iyong mukha sa simpleng mga salita niya lang.

Ganito na siguro ang ibig sabihin ng butterfly in your stomach.


Sa edad na dalawampu't pitong taong gulang, hindi pa naranasan ni Alex ang magkagusto sa isang lalaki. Mas ini-enjoy niya ang pagiging dalaga kasama ang kanyang kuya at pamilya. Walang puwang sa kanya ang mga manliligaw noong nag-aaral pa siya ng high school.

Noon pa man alam na niyang maganda ang hugis ng kanyang mga binti. Long legged na makinis at maputi. Nagmana niya sa ina na isang modelo noong kabataan nito bago pa man ito naging isang nurse na ngayon ay head nurse na sa isang pribadong hospital.

"Seatbelt."

Napaigtad si Alex sa kinauupuan niya. Hindi niya namalayang nakapasok na pala ang binata at ngayon ramdam na naman niya ang mainit nitong hininga sa kanyang mukha habang ikinakabit ni Hector ang kanyang seatbelt.

Nakaka-addict ang amoy ng binata. Hindi masakit sa ilong ang gamit nitong pabango. Mas nangingibabaw pa rin ang bagong paligo na amoy ng lalaki.

"Breath. Ayaw ko pang mawala ka," anito saka mahinang tumawa.

Nakahinga naman nang maluwag si Alex nang maramdaman nitong bumalik na sa kanyang upuan ang lalaki.

"Saan tayo pupunta?"

"You'll find out later, sweetie,"

Bigla siyang napalingon sa gawi ng binata. "Sweetie....?"

"You don't like it, sweetie?"

"N--no... nagulat lang ako. I like it, kuya Hector,"

Biglang nalaglag ang mga maskuladong balikat ng binata nang tawagin pa rin siyang kuya ni Alex.

"Hindi ka ba na aasiwa na tawagin akong kuya? We kissed already so many times and I just called sweetie, but then, you, still call me kuya Hector?" dismayado na saad ng lalaki bago pinaandar ang sasakyan nitong Bugatti.

Bachelor Series 2: Hector MontefalcoWhere stories live. Discover now