Chapter 5

4.5K 161 45
                                    

Confession is not betrayal. What you say or do doesn't matter; only feelings matter. If they could make me stop loving you - that would be the real betrayal.
- George Orwell

Unedited

"Jazz, she is tita Alex. Alex--" nag-aalangan si Hector na sabihin sa babae ang tungkol kay Jazz kahit alam na niyang alam na ni Alex kung sino sa buhay niya ang dalagita. Ngunit mas pinili pa rin ni Hector na kanya mismo manggaling ang sagot sa mga katanungang nababasa niya sa mga mata ng babae. Hindi na niya hahayaan na masaktan ulit ang babaeng mahal niya.

"This is Jazz Myn Montefalco, my daughter."

Mata sa mata silang nagtitigang dalawa. Inaasahan na niya ang kung anumang magiging reaksyon ni Alex ngunit gaya rin ng pagkakakilala niya sa dalaga, nanatili itong kalmado. Bagamat bakas pa rin sa namumutlang pisngi ang galit at mga katanungang handa na siyang sagutin. Matagal na niyang pinaghandaan ang tagpong iyon. Gusto na niyang itama ang pagiging duwag niya.

"I know.... Hindi ako bingi, Hector." Garalgal ang boses na sagot niya.

Mas humigpit pa lalo ang hawak ni Alex sa upuan sa tabi niya. Hindi lang kasi ang mga tuhod niya ang nanginginig kundi pati na ang kanyang buong katawan. Para siyang bata nang pinalis ang mga luha at sipon gamit ang likod ng kanyang palad. Wala siyang pakialam kung pinagtitingnan man sila ng mga nakasaksi sa eksenang nilang dalawa ni Hector.

Damn it! Halos hindi na siya makahinga sa sobrang sikip ng dibdib niya. Napahawak siya roon saka mahinang sinuntok ang mas lalo pang naninikip niyang dibdib. Pakiramdam niya kinakapos na siya ng hangin. Malalalim na paghinga na ang kanyang ginawa upang magkaroon lamang ng sapat na hangin sa katawan.

Nagpalipat-lipat ang mga mata niyang tiningnan ang mga kaharap. Magkayakap pa rin ang mga ito. Hindi maipagkakaila na anak nga ito ni Hector. Kuhang-kuha nito ang maninipis na labi ng ama. Mas maganda naman ang mata ni Jazz. Hindi katulad ni Hector na medyo singkit at maitim ang mga mata. Bilugan na may katamtaman lang ang laki niyon. Maputi naman ito na marahil ay nakuha niya sa kanyang ina. Kabaliktaran ng kulay kayumangging balat ng ama.

Pumikit siya. Umiling-iling sabay sabi ng, "ito ba? Ito ba ang dahilan kung bakit mo ako iniwan pagkatapos mo akong paasahin? Pagkatapos mo akong pangakuan ng kung anu-anong kasinungalingan huh, Hector?!"

Hindi na napigilan ni Alex ang mapasigaw. Pakiramdam niya sasabog siya anumang oras kapag pinigil pa niya ang sarili. Gulong-gulo ang isip niya. Kung ganito at dalaga na ang anak nito, ibig-sabihin simula palang niloloko na siya nito? So, tama ang kuya niya. Ito pala ang dahilan kung bakit ayaw nila sa relasyon niya sa lalaki. Ibig sabihin alam din ng kuya niya pati na ng mga magulang niya ang tungkol dito? Pero bakit hindi nila ito sinabi sa kanya? Mas lalo siyang naguguluhan. Napahawak siya sa sariling batok nang makaramdam ng pananakit doon.

"Alex? Okay ka lang?" tanong ni Hector sa kanya.

Sasagot sana siya sa lalaki, nang may babaeng dumaan sa tabi niya. Literal na nanlaki ang malamlam niyang mga mata nang makitang agad itong nag-abre siete kay Hector. Marahil ito na nga siguro ang tinutukoy ng kanyang assistant kanina. Hindi niya agad ito na pansin kanina dahil nakatalikod ito.

Tama nga ang sinabi ni Marz. Singkapal ng maalon nitong buhok ang make-up sa pabilog na mukha ng babae. Taas ang dalawang kilay nitong nakatitig sa kanya. Hindi pa nakuntento at pinasadahan pa nang tingin ang kabuuan niya.

"Hon, tayo na. Hindi masarap ang pagkain dito at marumi pa! Sayang lang ang pagiging 5star restaurant kuno nila!" maarteng saad nito habang pinagduduldulan pa ang pisngi sa braso ng lalaki.

"Hindi ko rin kailangan ang isang customer na tulad mo. Sino bang nagpapasok sa babaeng ito? We don't offer any hangover soup in here. Nagkamali yata ng pinasukan 'to." Nakapamewang na buwelta naman niya sa babae.

Hindi maipinta ang mukha ng babaeng kasama ni Hector nang marinig ang mga binitawang salita ni Alex. Taas-baba ang malaki nitong dibdib na natatabunan ng ga-hiblang suot nitong spaghetti strap at kulay pulang blouse na kita na ang kanyang pusod.

"Magdahan-dahan ka sa pananalita mo. Remember, I'm your customer and customer is always right." Sabi nitong pinagdiinan pa ang huling salita.

Umarko ang dalawang kilay ni Alex. "And, I don't need a customer like, you." Pinagdiinan din nito sinabi ang huling salita.


Hindi ang tipo ni Alex ang gugustuhing mag-eskandalo. Pero hindi rin siya papayag na basta na lang insultuhin ng kung sino ang pinaghirapang negosyo ng mga magulang niya. Hindi lang kahapon itinayo ang Heaven Scent para pagsalitaan nang hindi maganda. Dekada na rin ang itinakbo ng restaurant nila.

Hindi ka kawalan sa restaurant ko. Inayos ni Alex ang sarili at deretsong tiningnan sa mga mata si Hector. Magsasalita na sana siya nang may tumawag sa pangalan niya. Hindi niya ito agad nakita dahil nakatayo ito sa likod ni Hector.

Lumingon si Hector at doon pa lang nakita ni Alex si Khen, ang kanyang boyfriend. Nakatayo ito at nakapamulsa ang dalawang kamay sa suot nitong dark jeans, light blue na polo naman na nakatupi ang manggas hanggang siko habang nakangiting deretso ang mga matang nakatitig sa kanya.

"Shall we? Naghihintay na ang pamilya mo sa atin," anitong dahan-dahang naglakad patungo sa dalaga.

Napilitan namang bitawan ng babaeng kasama ni Hector ang braso niya nang sa mismong gitna nila ito dumaan.

Nang makalapit na kay Alex, agad namang humawak ang dalaga sa nakahanda ng braso ni Khen upang alalayan siya.

"Thank you."

Ngumiti lang si Khen at iginiya na siya palabas ng restaurant.

"Ladies and Gentlemen, the breakfast is on me. Please enjoy." Saad ni Khen bago sila tuluyang umalis.

Naiwan namang hindi makapaniwala si Hector sa nasaksihan niya. Hindi niya alam na May boyfriend na pala si Alex at iyon ang hindi niya napaghandaan. Dahil malakas pa rin ang paniniwala niyang siya lang ang mahal ni Alex at hindi na nito kakayaning magmahal pa nang iba.

~~~

Nagulantang si Sophia na naghahanda ng mga pagkain para sa pananghalian nila. Kasalukuyan siyang nasa kusina nang marinig ang malakas na pagbagsak ng pintuan.

Nakatayo mula sa pagkakaupo at akmang titingnan kung bakit ganoon na lang kalakas ang pagsara ng pintuan nang salubungin siya ni Alex. Hilam ang mga mata nito at namumutla pa. Bakas din sa mukha ng dalaga ang kalituhan.

"Alex? Okay ka lang? Namumu--"

"Where is kuya?"

"Sagutin mo muna ako. Okay ka--"

"Saan si kuya!" Napasigaw na ito. Hindi na rin napigilan ni Alex ang mga liha na kanina pa pilit na kumawala ulit.

"Nasa library kasama ang Daddy mo," sagot naman ni Sophia na napakunot-noo sa gulat. Hindi niya nakitaan ng ganoong ugali ang dalaga.

Simula't sapol, mahinahon na klase ng tao si Alex. Iyong tipong hindi marunong magalit. Nagagalit pero hindi naninigaw. Pero ngayon, kakaibang Alex ang nakikita ni Sophia. Puno ng galit at pagkalito ang bumabalot sa kabuuan ng dalaga.

"Good." Sabay talikod nito.

Naiwan i Sophia at si Khen na dinaanan lang ng dalaga. Tiningnan niya ang lalaki na agad din naman nakuha ang ibig niyang sabihin.

"Nagkita na sila ni Hector." Aniya habang sinusundan ng tingin ang papalayong kasintahan.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Sophia. Hindi niya inaasahan na agad-agad magpapakita si Hector sa kay Alex. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit ganoon na lang ang reaksiyon ng dalaga.

Tiningnan niya si Khen na nakatayo pa rin malapit sa pintuan ng kusina na nakatingin lang sa kawalan. Alam niya kung gaano ka mahal ni Khen si Alex.

Aminado ang lalaki na kailanman ay hindi nito mapapalitan si Hector sa puso ng dalaga. Ngunit nagsumikap itong ipadama at ipakita kay Alex na nandiyan siya. Na hinding-hindi niya gagawin ang ginawang pang-iiwan ni Hector sa dalaga. Ngunit sadyang may mga sugat na kahit dumaan man ang maraming taon, hindi pa rin ito naghihilom. Dahil umaasa pa rin itong, balang araw babalik ang taong naging dahilan nang pagkasugat nito.

Itutuloy ______

Love... Love...
iamdreamer28
❤❤❤

Bachelor Series 2: Hector MontefalcoWhere stories live. Discover now