11 ||

21 2 1
                                    



Ellaine

"Thank you ulit sa pagsundo mo sa'kin. Ikaw talaga ang superhero ng buhay ko. Mag-apply ka na nga kasi sa Avengers, Captain. Kakatok ka pa lang, hired ka na!" natawa naman siya sa sinabi ko habang binubuksan ang pinto ng passenger seat para sa akin.

"Ayaw ko sa Avengers, mas gusto ko rito sa tabi mo." Namumulang umakyat naman ako sa sinabi niya. Balak ata niya akong patayin sa kilig. 'Yon siguro superpowers niya kapag naging superhero na siya. Napatingin ako sakanya, ngumiti siya sa'kin pero bago niya isara ang pinto ay ikinabit niya muna ang seatbelt ko. "Just making sure."

Napangiti ako lalo sa ginawa niya, daily routine na ata namin 'to. Ihahatid niya ako, dadalhan ng lunch, susunduin at kakabitan ng seatbelt. Oo, lumpo talaga ako. Akala mong wala akong functioning body parts kung itrato ako eh 'no? Daig ko pa si Juan Tamad dahil sakanya.

"Para na kitang yaya niyan. Magkano ba sinasahod mo?" tanong ko ng magsimula na siyang magdrive.

Tumawa lang siya kaya nagsalita ulit ako. Bakit ba? Madaldal ako eh. Paki niyo? "Wala ka namang nakukuha sa'kin kahit isang candy ah? Bakit ang tiyaga mo parin? Tigilan mo na 'yan. Hindi ako marunong magluto ng nilaga."

Natawa naman siya sa sinabi ko na parang ngayon lang nakarinig ng joke. "Tigilan ko na ang pagiging matiyaga kasi hindi ka marunong mag-nilaga? Dahil ba 'yan sa kasabihan na kapag may tiyaga may nilaga?"

"Oo,"

"Hayaan mo, hindi naman big deal sa'kin ang ginagawa ko para sa'yo,"

"Anong hindi big deal? Eh halos sa'kin ka na magtrabaho. Hoy, may buhay ka rin naman." Totoo 'yun. Para ko na siyang alalay-gwapo at mayaman na alalay. Oo, ang susyal ko talaga. Malamang maganda kasi ako.

"Oo nga. May buhay ako,"

"Oh diba? Hahanap na lang ako ng driv-" aba bastos 'to ah! Hindi ako pinatapos! "May buhay nga ako at ikaw 'yun."

Nagulat ako sa sinabi niya pero mas nagulat ako ng hawakan niya ang kamay ko. Hindi siya tumingin sa'kin pero may ngiti sa labi niya. Shemay naman oh! Pakitaan ba naman ako ng dimples? Sino'ng hindi kikiligin doon? SINO'NG HINDI MAIINLOVE DOON? Ikaw, kasi inlove ka na sa iba.

Ngumiti na lang din ako.


1 year ago


"Loner ka nanaman." Napairap na lang ako ng marinig ako ng boses ng isang alien na unggoy.

"Hindi ako loner. Kasama ko si me, myself and I."

"Conceited much."

"Unggoy ka, lumayo ka nga sa'kin baka akalain nila kilala kita." Tinulak ko pa siya palayo sa'kin. Kumuha pa ako ng hand sanitizer sa bag ko at naglagay sa kamay ko.

"Arte mo," hindi ko na siya pinatulan at tinapat ko lang ang kamay ko sa mukha niya. Parang talk to my hand ang peg.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nandito kasi ako sa The Fort, bibili ako ng white dress para sa party bukas. All white kasi ang damit na kailangan. Hindi ko alam kung patay o kasal ba ang theme ng party nila.

Napatingin ako sa likod ko at hindi ko na nakita ang kapatid ni King kong doon. Baka umakyat na sa twin tower kasama ni King kong.

"Hi, beautiful. May kasama ka?" ang tanga, bow. Nakita na ngang ako lang mag-isa itatanong pa kung may kasama ako. Mga style ng lalake ngayon hindi mo malaman kung bulok o hindi lang ba talaga nag-iisip.

IIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon