3 ||

46 2 0
                                    

5 years ago


Clarissa

"Friend, nandiyan nanaman 'yung gwapong suitor mo kasama 'yung alalay niyang mukhang tsinelas." Napangiti naman ako sa pagd-describe ni Ellaine. Bored na tumabi siya sa upuan ko saka muling itinaas ang paa niya sa upuan na nasa harapan namin, isinuot ang earphone, nagbasa at kumain ng crepe. Yeah. Totally shutting the world off.

Tumayo na lang ako at naglakad papunta sa pinto ng room namin. Pagkalabas ko ay isang lalake na iba ang uniform ang sumalubong sa'kin, may ngiti siya sakanyang labi habang inaabot sa akin ang isang milk tea at bouquet of flowers.

"Sinabi ko na sa'yo, hindi ko kailangan nito. Nagsasayang ka lang ng pera mo."

"Sinabi ko narin sa'yo na hindi ako titigil. Nagsasayang ka lang ng laway mo." Pambabara niya sa sinabi ko. Napangiti na lang ako sa sarili ko at tinanggap ang binibigay niya. Para na tuloy flower shop ang kwarto ko sa dami ng bulaklak. Araw-araw ba naman. Hindi ba siya napapagod? Magkaiba kami ng school pero araw-araw niya akong pinupuntahan para lang dalhan ng bulaklak. Sa Manila kasi siya nag-aaral habang ako naman sa Bulacan.

"May klase pa ba kayo?"

Tumingin muna ako sa wrist watch ko saka siya sinagot, "Well, 5 minutes na lang pwede na kaming umalis. 30 minutes ng wala 'yung prof namin eh."

"Great. Sabay-sabay na tayong lahat mag-lunch. My treat."

Hihindi na sana ako ng biglang may sumulpot mula sa likuran ko. "Libre mo?" napabuntong hininga na lang ako. Kapag talaga libre at mga sweets ang bilis ng tenga ni Ellaine. Hindi naman sila naghihirap, ang yaman nga nila eh.

"Ang hyper mo nanaman diyan." Saway ni Rose. Napatingin siya kay Renz at ngumiti. "Hi, Renz."

Tumango lang sakanya si Renz at muling tumingin sa'kin. "Ano? Game?"

"I'll pass, ayaw kong makasama 'yang panget na 'yan." Walang ganang sabi ni Den habang tinuturo si Ellaine. Mangangagat na sana si Ellaine ng mahawakan siya ni Rose sa braso.

"Panget mo mukha mo! Magnanakaw!"

"Hindi ako magnanakaw! Nasabit lang 'yung bracelet mo, hindi ko 'yun kinuha."

"Kaya pala ginawa mong keychain sa bag mo? Ano'ng akala mo sa'kin? Tanga? Igaya mo pa ako sa'yo!"

Sasagot pa sana ulit si Den ng pinigilan na siya ni Renz na mukhang aliw na aliw sa dalawa. Napailing na lang ako at napangiti. Hindi ko sinasadyang mapatingin kay Rose. Nakita ko na nakangiti siya habang pinagmamasdan si Renz na sinasabihan si Den. Napatingin ulit ako kung si Renz ba talaga ang tinitingnan niya. I looked at her, confused. Ano'ng emosyon 'yang nasa mata mo, Rose?


Present


"So, you want to take a leave?"

"Yes, ma'am."

"How long you say?"

"1 month."

She smiled to me. "You talk about this to your father?"

"I already did."

"Okay. Just get back here in one piece, okay?"

Napangiti ako at lumapit sakanya saka siya niyakap. Nagpaalam ako ng 1 month leave para makauwi ng Pilipinas. Ilang oras lang naman ang NYC sa Philippines pinapahirapan ko pa 'yung sarili ko. It's been 3 weeks simula nung huli kaming nagkausap nila Ellaine. I miss them badly na nakagawa ako ng desisyon bigla-bigla.

IIIWhere stories live. Discover now