Chapter 13 - Stars

Magsimula sa umpisa
                                    

Yhieee.. kinikilig ako. HAHA! First time na may yumakap sa aking bata dahil sa tuwa. *u*

Kaya ito kami ngayon nililibot ang buong mall mahanap lang yung mommy nung bata..

“Ay ano nga pala name mo?”

“Bryce po.. hehe ang ganda niyo po ate.. tapos si kuya naman po ang gwapo.. bagay po kayo!” sabi nung bata tapos bigla siyang tumabi kay Paul kasi ako ang may hawak ng kamay niya kanina eh.

“Ganun ba? Haha. Crush ko nga siya eh.” :O

Namula naman ako sa sinabi ni Paul. Adik siya! Totoo ba yung sinabi niya?! >__< Yaaaa! Kinikilig ako. HAHAHAHA.

“Yieee si ate kinikilig!”

“Che! Hahaha. Adik kang bata ka! Ilang taon ka na ba?”

“Seven po,” sabi niya tapos ngumiti siya sa akin at tumingin na ulit sa nilalakaran namin.

“Nakooo, ang bata bata mo pa. Hahaha!”

“Ate naman eh. Iniiba mo na ang usapan! Aminin mo na kasi ate kinikilig ka! Hehehe!”

“ikaw! Kukurutin kita diyan eh! HAHAHA” sabay akma ko pa na parang hahabulin ko siya at kukurutin.

Nanggigigil ako sa batang ito eh. Ang kulit kulit! Parang kanina lang iyak siya ng iyak eh. Hindi ko alam na may mapapasaya pala akong bata. Haha. Nagawa niya pang asarin ako kay Paul.

“Ate! Ayun si mommy oh!” turo niya doon sa babaeng may kausap na guard. Ang bata pa nung babae.. sure ba siya na nanay niya yun?

“Tara lapitan na natin..” sabi ni Paul at saka sila naglakad ni Bryce. Hawak niya kasi kamay nung bata eh.

Sumunod naman na ako at nilapitan namin yung babae.

“Mommy!!!” tumakbo si Bryce sa mommy niya at inakap ito.

“Bryce! Naku anak, akala ko kung napano ka na.. mabuti na lang at may nakahanap sa’yo,” tumingin sa amin yung mommy ni Bryce at nginitian kami.

“Mommy, sila ate Krysta at kuya Paul nga pala.. sila ang tumulong sa akin na mahanap ka eh,” sabi ni Bryce na buhat buhat ng mommy niya.

Ang laki na ni Bryce pero nakakaya pa rin siya ng mommy niyang buhatin. Ang payat pa naman ng mommy niya at mukha pang bata. Parang ka-age ko nga lang eh.

“Maraming salamat mga bata ha... buti na lang at nakita niyo itong anak ko.. basta na lang kasi humiwalay sa akin nung naghahanap kami ng pangreregalo sa kapatid niya eh..” baka nagselos? XD

“Ah ganun po ba? Hehe.. okay lang po yun. Sa susunod Bryce wag mo na ulitin pang humiwalay sa mommy mo ah.. haha” sabi ko tapos ngumiti ako sa kanya.

“Sige una na kami mga bata.. nga pala ano nga ulit mga pangalan niyo iho at iha?” kung magsalita naman si ate parang matanda na. Eh mas mukha pa ata akong mature sa kanya eh. >__>

“Ah ako po si Krystalin Febe at siya naman po si Kristofer Paul. HAHA. Krysta at Paul na lang po..” :D

“Osiya ako nga pala si Daisy.. sige mauna na kami. Ingat kayo ha!”

“Sige po, ingat din po kayo!” sabi naman ni Paul.

(A/N: Daisy is my character in my other story entitled “Best Friend” hahaha. Nagpo-promote lang po ng sariling storyahe. XD READ NIYO PO AH! THANKS. :D)

Umalis na sina Bryce tapos kami naman ni Paul ay hindi na alam kung ano na ang gagawin namin. Gabi na rin.. nakakatakot na umuwi kaya naman niyaya ko na siyang umuwi at pumayag naman siya. Sumakay na kami ng kotse niya. Mabuti na lang at dala niya kasi ayaw ko nang gumastos pa kami. Hehe XD Concern ako sa wallet niya...

“Pwede bang may daanan muna tayo?” tanong ni Paul.

“Ah sige.. saan ba?”

“Basta makikita mo na lang..”

Yhiee. May surprise siya sa akin! Haha. Ang assuming ko masiyado. Saan kaya kami pupunta? Hmm..

----

Hindi naglaon ay nakaratin na kami sa sinasabi niya.. isang park. Ano naman gagawin namin dito ng gabing gabi?

Bumaba na kami sa kotse tapos naglakad kami papunta sa grass at naupo siya.. napatingin na lang ako sa kanya. Nagtataka ako kung anong gagawin namin ngayon dito sa gitna ng park eh madilim na kaya.

“Sandali lang, may kukunin lang ako..”

“Sige.. hintayin kita.”

Bumalik siya sa parking lot at binuksan ang compartment. May kinuha siyang dalawang sleeping bag at isang tent. Okay?? Magka-camping kami dito sa park? Pero hindi rin naman normal park itong pinuntahan namin eh. Puro puno nga siya eh pero may liwanag pa naman, hindi totally forest ang dating.

“Ito oh.. ayusin mo na lang..okay lang ba sa’yo dito tayo matulog?”

Ano naman ang naisipan niya at ginusto niyang matulog dito sa park na ito? Psh. Wala na akong magagawa kundi pumayag.

“Sige. Okay lang. Hahaha! Bakit mo naman naisipang matulog dito?” tanong ko habang tinutulungan ko siyang ayusin yung tent.

“Wala lang.. parang gusto lang kasi kita--

*Tenen tenen tenen* - message tone po yan. XD

Hindi natuloy ni Paul yung sasabihin niya kasi naman biglang umepal yung cellphone ko.

“Ay sorry.. may nagtext eh. Tignan ko lang..”

*1 message received* inopen ko na yung message and to my surprise it was just SMART. Epal na smart ito!

“Ay smart lang pala.. ano ulit yung sasabihin mo?”

“Wala. Hahaha! Tara pasok na tayo sa tent..” sabi niya matapos niyang ayusin yung tent.

Malaki rin naman yung tent kaya hindi kami magkatabi matutulog. May 6 inches ang layo ng sleeping bags namin. Haha. Malayo na rin yun!

Pinagmasdan ko yung mukha niya habang nakatingin lang siya langit. Open kasi yung taas nung tent pero pwede siyang iclose pag matutulog na. Astig lang eh. =_= Ang gwapo gwapo niya talaga. Yung ilong niyang napakatangos at yung pilikmata niyang kahaba-haba tapos yung bibig niyang palaging nakangiti... *u*

He’s just so... PERFECT!

“Saan ka pinaglihi?” tanong ko kasi parang sobrang ganda naman nung pinaglihian ng nanay niya.

“HAHAHAHA! Parang out of the blue naman niyang tanong mo. Haha. Hindi ko rin alam kasi hindi naman ako nagtatanong kay mama eh,” sabi niya tapos tumingin siya sa akin. “Eh ikaw? Saan ka pinaglihi?”

“Malay ko ba.. hindi naman ako lumaki kasama ng mga magulang ko eh..”

“Ah, sorry. Hindi mo rin sila nakikita pa?” tanong pa niya ulit.

“Oo. Haha. Since birth.. pangalan nga lang nila alam ko eh.”

“Ah sige next topic na nga.. nagdadrama tayo eh ang ganda ganda ng mga bituin sa langit.”

Napatingin ako sa kalangitan nang biglang may dumaan na shooting star.

“OY OY! SHOOTING STAR! WISH TAYO DALI!!” at pinikit ko ang mga mata ko...

...to be continued

again. =))

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon