Chapter 11 - Aray.

1.3K 28 23
                                    

Chapter 11 – Aray.

Krystalin’s POV

Hindi ako nakatulog ng maayos nung gabi na umuwi ako galing sa garden ni Heidi. Ilang oras ko inisip kung ano ang gagawin ko ngayon na may gusto pala ang kaibigan ko sa suitor ko. Tapos ang gusto niya pa eh hindi ko sagutin si Patrick. Aish.

Kung patatagalin ko pa ‘to eh baka mas lalo pang lumala. Siguro dapat sabihin ko kay Patrick na “STOP COURTING ME” anong klaseng babae naman ako nun. Ano ba kasi pwede kong sabihin sa kanya para hindi na niya ako ligawan?

---

-Denny’s Diner-

“Oh? Ano problema natin Krysta?”

“Haaaay..” nakapalumbaba kong sagot kay ate Cheyz.

“Haaaay ka diyan!”

“Eh sa wala akong maisip na paraan eh..”

“Alam mo, madali lang yan. Kung may gusto ka kay Patrick, edi ipaglaban mo. Pero kung wala, pakawalan mo! Nako..”

“Ganun ba yun kadali?”

“Kung ayaw mo, wag mo!”

“Okay okay, eh ano naman gagawin ko para lumayo siya sa akin?”

“Ikaw na bahala diyan. Osiya! Late ka na oh..”

“Hahaha... thanks ate, bye!”

Pumara na ako ng tryke sa labas tapos nakarating naman ako ng school in time.

Pagpasok ko pa lang ng school ay sinalubong na agad ako ni Patrick. As usual, ihahatid lang naman niya ako ng walang imik. Baliw din ito eh. Hindi siya marunong maging sweet. Ano kaya nagustuhan ni Heidi dito?

----

“Terrence and Geraldine, kayo ang partner sa lab and everything else na gagawin natin in this subject,” sabi ni ma’am.

Naggu-groupings kasi kami para sa project. Diorama daw ang gagawin. Hindi pa naman ako magaling sa art na yan.

“Krystalin and Paul, kayong dalawa and...”

Okay? Buti na lang! At least hindi na ako mag-aadjust. Hihi.

“Bili na lang tayo ng materials later kung free ka. Okay ba yon?” tanong niya.

“Ah osige.”

Ang cute niya! Ito na naman ako sa naku-kyutan sa kanya. *u*

Dumating na ang dismissal. Nakita ko si Patrick na nakasilip sa pintuan. Aba, ang aga niya! Nilapitan ko siya para sabihin na may pupuntahan ako ngayon kaya hindi ako makakasabay sa kanya. Pumayag naman siya. Tinanong niya siyempre kung sino yung kasama ko daw umalis. Sabi ko si Paul, walang imik lang siyang pumayag tapos umalis.

“Kayo ba?”

“Ha?”

“Wala. Haha!”

Pati pagtawa ang gwapo. Ayyy! Nai-inlove na ako sa mukha niya. :”)

Sumakay kami sa kotse niya. May driver pala siya, tapos walang imikan. Tahimik, radyo lang ang maingay na walang tigil nagsasalita si papa jack. Puro about love na may kahati basta yung may kaagaw si girl sa lalaki. Parang yung sa sitwasyon namin ngayon. Patama masiyado?

“Kwento ka naman..” bigla niyang tugon out of the blue.

“Ano.. tungkol saan?”

Hindi naman kasi ako marunong mag-open up ng conversation. Tahimik akong tao. Kay Patrick lang siguro ako makulit?

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon