Chapter 12 - My Birthday

1.2K 32 14
                                    

Kraykiee’s note: From now on, i will be posting pictures at the right side. HAHAHAHA! Gaya-gaya ako eh. :P

Kilala niyo ba si Maddie Jane? Kamukha siya ni Krysta Febe. :D

Kung hindi niyo siya kilala, search niyo sa youtube, galing yan kumanta!

At dahil ni-follow ako ni Maddie Jane sa twitter.. nagupdate ako! Hahaha. #weirdme

Chapter 12 – My Birthday :)

Krystalin’s POV

Natapos na rin kami maghintay sa next subject. Pabalik na sana kami ng classroom kaso bigla namin nakasalubong si Patrick Mac, hindi lang basta salubong.. nakabanggaan ko pa.

“Sorry, musta ka na nga pala?” kinumusta ko na rin siya... kaibigan ko pa rin naman siya afterall.

“Sorry, pero sino ka?”

ARAY. Is he just being rude or talagang nalimutan niya na ako? It has been 1 month only.. bakit ganun siya? Parang wala akong itinulong sa kanya..

Parang hindi ko siya tinulungan para hindi na siya ipakasal pa sa isang stranger na si Yvonne.

“I need to go, i’m really sorry..” pagkasabi niya nun para akong isang tao na ngayon lang niya nakita.

Bakit ganun siya? Sobrang rare ng ugali niya. Hanggang ngayon hindi ko pa rin mantindihan..

“Do you have a problem with Patrick?”

“No, what are you talking about. We’re just playing...”

Galing ko talaga magsinungaling. Pati ba naman sa best friend ko pinagtatakpan ko siya. Bakit naman kasi sa lahat pa ng magkakagusto kay Patrick, bakit si Heidi pa?

Pumasok na kami sa classroom at nagklase na. Hindi ako makapagconcentrate sa mga ginagawa ko kasi iniisip ko pa rin si Patrick. Sa totoo lang, mula nung away namin lagi ko na siyang iniisip. Namimiss ko lang siguro ang presensya niya. Kasi nung mga nagdaang araw ay kasama ko pa siya na masaya na rin para sa akin. Bigla na nga lang nagbago nung sinabi sa akin ni Heidi na may gusto siya kay Patrick. Pero hindi naman sa sinisisi ko si Heidi sa nangyari pero si Patrick kasi ang may gawa kaya ako nagalit sa kanya eh. Kahit gusto kong hindi na siya muli pang manligaw sa akin at manatiling magkaibigan na lang kami.. masakit pa rin para sa akin yung ginawa niya. Parang pinakita na niya rin kasi sa akin na wala siyang tiwala. Ganun ba siya magselos? O talagang hindi lang niya ako pinagkakatiwalaan. Arghh! Bakit ko pa kasi siya iniisip?! Ni-hindi na nga niya ako kilala e.

“Ms. Aguilar, are you alright?” bigla ako napatingala at napa-ayos ng upo.

“Yes ma’am.. i’m sorry,” kasi naman! PATRICK?!

Tinuloy na ni ma’am ang pagdidiscuss niya. Nakinig na ako this time kasi malapit na rin ang examination week pero bago yun christams vacation muna tapos belated christmas party. 11 days din kaming rest muna tapos EXAMS na. Magbabakasyon daw si Heidi sa states the whole week ng bakasyon namin. Bibisitahin lang daw niya yung parents niya and then babalik na siya before the week of exams. So, hindi siya makakasama sa ‘belated christmas party’.

*KRING!*

Yizz, time na rin! Inaantok na ako eh. kulang ako sa tulog. =_=

“Febe, later is my flight. Sadly, i can’t go home with you today. I need to finish packing my things,” nagtataka ako hanggang ngayon kung bakit laging nagi-english ‘tong si Heidi. Pure filipino naman sya.

“Okay lang yun!” sabi ko. Sabay ngiti ko sa kanya. “So paano yan? Mauuna ka nang umuwi?”

“Yup,” tango pa nya.

God Gave Me YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon