Chapter 7 - HUWAAAAAAAT?!

1.6K 45 32
  • Dedicated to Ronielle Mercado =__=
                                    

A/N: Dedicated kay.. sayo! Haha. Kasi isa siyang DARE. (__ __) Gets???? Asar lang eh. Anyway... moving ooon! PS. DON’T READ! Kay? Okay. Moving on again!

AYAN NA DAWN MARIE! Kung nandito ka na sa chapter na to. Hahaha alam ko wala pa. (__ __) XD

Chapter 7 – HUWAAAAAAAAAAT?! >__<

Krystalin’s POV

Nasa school ako ngayon. Iniisip pa rin kung sino yung tumawag sa akin kagabi. ~__~

“FEBE!!!!!!” tss. Si Heidi na nmn. Kahit kailan napaka-hyper niya talaga. Uso ba yun ngayon? Parang si Paul lang kahapon.

“WHAT THE HAPPENINGS?!” ehh? Si Heidi ba talaga to?

“UI! SINO KA AT ANONG GINAWA MO KAY HEIDI?!” inalog-alog ko siya.

“HAHAHA. You silly!” she patted my head as if i’m a dog. >_>

Naupo na siya dun sa seat niya tapos may nilabas siya na something doon sa bag niya. Hindi ko alam kasi hindi ko makita. Nasa lap niya yung bag niya.

*eeeeek* Napatingin ako sa pintong bumukas. Si Paul.

May napapansin ako. Sa tuwing... dadating si Heidi. Lagi niyang kasunod si Paul? Hmm...

Naglakad si Paul na nakapasok yung kamay niya sa bulsa niya. Para siyang nerd kung titignan kasi naka-backpack pa. Haha baliw lang eh. XD

“Had fun?” napatingin nmn ako sa nagsalita.

“Ah yeah. SO MUCH! ^____^” lapad ng ngiti! Hahaha.

Napatingin nmn ulit ako kay Heidi. Pero nakatalikod na pala. Okay..

Dumating na yung teacher nmin. Si ma’am Assuncion. Wala.. nagdiscuss lang siya ng nagdiscuss. Inaantok ako!! >__<

Kinusot kusot ko yung mata ko. Tapos tumingin ako sa bintana. May babaeng nakatalikod. Parang ka-age ko lang siya. Siguro transferee? /:)

Binalik ko na ulit tingin ko kay ma’am. Bumagsak na nmn ung mata ko unti-unti. Nakakaewan! Kulang kasi sa tulog dahil doon sa tumawag kagabi.

FAST FORWARD>>

Break na. Tumayo na ako para pumunta ng canteen.

“Sama ka Heidi?”

“Nope. I think i’ll just stay here doing my report”

“Kay!”

Naglakad na ako palabas ng room. Naabutan ko yung babaeng nakita ko kanina sa window. Napaka-misteryoso niya tignan kasi parang may hinahanap siya?

Dumaretso na lang ako sa paglalakad. Hanggang sa naabutan ko yung babae. Nakatakip ng bangs niya yung mukha niya. tss.. ano nga ba pakialam ko diba?

Naglakad na lang ulit ako. Mga ilang hakbang na lang nmn andun na ako sa canteen eh.

“Anong pangalan mo?” O___O????

Napatingin ako bigla sa tabi ko. Alam ko doon galing yun eh. Yung boses!

“Ah Sorry. Natakot ba kita?” nakatakip pa rin ng bangs niya yung mukha niya.

Nabato ako sa kinatatayuan ko. Kinikilabutan ako.. hindi ako makapagsalita.

Mga ilang sandali nagsalita na nmn siya...

“Kamukha mo yung kapatid ko” tumawa siya ng kaunti. Nakita ko yung mukha niya nung tumingin siya sa akin. Batang bata yung mukha niya. Pero ang creepy! Parang may something sa kanya.

God Gave Me YouWhere stories live. Discover now