CHAPTER 10

130K 1K 89
                                    

Chapter 10

Hindi mapakali si Jin. Kanina pa siya paikot-ikot sa rest house na tinutuluyan niya. Dalawang araw na kasi siyang hindi pinapatulog ng mga sinabi ni Ban sa kanya.

'Okay if you want her to be Knight's sex machine then let it be!'

Paulit-ulit iyong nagpe-play sa utak niya.

"F*ck! Siraulong Ban yan oh! Bakit kelangan niyang sabihin yun?" Napakamot pa sa ulo si Jin.

"Woi!" si Ban 'yan.

"Fudgeee bar!" nagulat si Jin.

"Hahaha. Dinadalaw ko lang si Coco ^____^ Hey! Have you seen the headline?" Nakangiting sabi ni Ban.

"Si Coco lang dinadalaw mo? Ako hindi? Ang weird nyo talagang mga babae!" Sabay hablot ng newspaper na dala ni Ban.

HEADLINE: PERFECT COUPLE "Knight Juston Estude and Aisha Benedict Vega" FINALLY SET THE DATE OF THEIR WEDDING.

O.O Nanlaki ang mga mata ni Jin.

"AKALA ko ba ayaw niyang magpakasal? Anong nangyari?" Binasa pa iyon ni Jin. Lingid sa kaalaman niya ay sa bandang likuran niya'y kasalukuyang hinahatak ni Ban si Coco palabas ng rest house. Hihikab-hikab pa si Coco na nakasunod kay Ban.

Ang sabi sa dyaryo ay ang silang dalawa raw mismo ang nag-set ng date ng kanilang kasal. Sa gilid noon ay may litrato pa nila. Sweet na sweet na magkayakap pa doon ang dalawa.

"Sh*t!" Naibato ni Jin ang dyaryo. Tumalikod siya para harapin si Ban.

O.O NASAAN SI BAN?

o.o SI COCO? NASAAN?

>.< PATAY!!!

Gusto kasing ipasyal ni Ban si Coco kaso mahigpit si Jin. Hindi niya ito pinapayagan. Saan nga ba kasi dapat ipinapasyal ang pet lion di ba? Sa MALL? PARK? San nga ba? O__o

Napatakbo si Jin palabas ng rest house nang marinig ang makina ng sasakyan, pero palayong sasakyan na lang ni Ban ang natanaw niya at nakalabas pa ang kamay ni Ban na naka-peace sign. Nanlumo naman si Jin. Sino bang uunahin niya? SI COCO o ang amo nitong si AISHA?

"Deym!" Tanging mura lang ang lumabas sa bibig nya. Ano ba itong pinasok nya?

Ilang segundo pa ang lumipas nang may ma-receive siyang text message. Mula kay Ban.

"Go get her! Ako na munang bahala kay Coco. He's super safe with me =)"

Nagmadali namang kinuha ni Jin ang susi ng lumang Mustang na gamit niya. Kay Knight nga pala ang Mustang na yun, natalo niya kasi noon si Knight sa karera at iyon ang kinuhang premyo ni Jin kahit pa ayaw ng kuya niya. Sapilitan lang!

"AISHA!" Nakangiting bati ni Jin kay Aisha. Napako naman ang tingin niya sa mga kamay ng dalawa. HOLDING HANDS? Ewan ba niya...bakit ba apektado siya? Basta sasagipin lang naman niya si Aisha kay Knight!

Mabilis na nilapitan ni Aisha si Jin. Galit ang ekspresyon nito. Nagtataka man si Jin ay sinalubong pa rin niya si Aisha.

"Hiyaaaa!"

Nag-flying kick si Aisha at naiwasan naman iyon ni Jin.

"Hala! Bakit??" Nagtataka pa rin si Jin.

Sumuntok si Aisha...

Ilag si Jin...

SUNTOK pa uli...

Ilag si Jin...

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon