CHAPTER 8

136K 1.1K 107
                                    

Chapter 8

Mula sa malayo ay narinig ni Aisha at Jin ang isang pamilyar na tinig, napalingon sila sa direksyon niyon.

Si Knight Juston Estude!

"Sh!t si Coco!" Napatakbo naman si Aisha sa loob ng rest house at pinuntahan si Coco.

Kasalukuyang natutulog ang alaga niya. "Coco!" Napadilat pa ito nang tawagin ni Aisha.

O.,.....,.O

"PLAY DEAD! WAG KANG LALABAS!" Utos niya dito.

Sinunod naman siya ni Coco at nagmadali na muling lumabas si Aisha ngunit nang makalabas siya ay hindi makapigil hiningang aksyon ang sumalubong sa kanya.

Napakadaming goons sa labas, karamihan doon ay bagsak na at mayroon pang ibang mga dumadating.

Napatanga lang si Aisha sa nasisilayan niya, hindi niya akalain na magaling pala si Jin sa pakikipaglaban? Ang cool lang niyang tingnan. And seriously? Ngayon pa siya napapa-drool sa crush niya kung kalian kailangan nito ng tulong niya?

Mula sa kalayuan ay natanaw niya si Knight. Nakasandal lang ito sa isang puno habang naninigarilyo, nanonood sa laban.

"Nine Bastos..." nanggigigil na napabulong si Aisha.

Parang kala mo nasa pelikula lang si Jin, grabe ang gwapo niyang makipagbakbakan, nahatak ng isang goon ang damit niya kaya naman napahiga si Jin, kinaladkad pa siya ng isang iyon. Lalapit na sana si Aisha para tumulong nang bigla-bigla ay makawala si Jin doon, sinadya kasi nitong matanggal ang tshirt niya kaya topless na siya.

Lalong natulala si Aisha. Hindi niya akalain na maganda pala ang katawan ni Jin. >/////< Mas maganda pa ang abs nito kay Yance. Nakita niya kasi noon ang katawan ni Yance nang mag-Tarzan costume ito noon. Walangya, nag-costume pa para manggahasa. Ano bang mga naiisip ni Aisha? Umiling iling sya para mawala sa sistema ng utak niya ang mga imaheng iyon. Napatingin uli siya kay Knight, naninigarilyo pa rin ito at ngingisi-ngising nakapako ang mata sa panonood kay Jin! Pagkakataon na 'to ni Aisha! Mabibigat ang paang lumalakad siya papunta sa kinaroroonan ni Knight nang may humarang na dalawang goons sa kanya.

"Ma'am, sumama na po kayo ng matiwasay sakin kung ayaw nyong masaktan." - goon 1

BLAG!!!

BAGSAK ANG GOON NUMBER ONE sa suntok ni Aisha.

"Aray! Ang tigas naman ng mukha nitong mama na 'to!" Nasaktan ang kamao niya, sumugod naman ang isa at pinatikim niya ito ng...

BOG!!!

Namilipit sa sakit ang ikalawang goon, bagsak ito habang sapo ang something sa pagitan ng hita nito. Oo, doon nga. Bahala na kayong mag-isip kung alin yun.

"Eeeewwwww..." nandiri pa Aisha, nadikit nga naman ang precious foot niya sa itlog ni goon 2.

"PWEH!" Dinuraan pa niya ito at nagpatuloy sa paglalakad habang diretso ang tingin kay Knight na hindi pa rin siya napapansin. Busy sa panonood kay Jin.

Hindi kaya bakla ito?

Huminto sa paglakad si Aisha at pumulot ng maliit na bato.

Ihinagis-hagis pa niya iyon at sinasalo habang lumalakad papalapit kay Knight, at nang makaanggulo na siya dito...

"HIIIIIIIYYAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!" Buong lakas niya iyong ibinato.

Sapul!

Napahipo si Knight sa noo niyang tinamaan ng bato.

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon