CHAPTER 9

132K 1.1K 208
                                    

Chapter 9

Dalawang araw na ang nakararaan mula noong i-detain sina Aisha at Knight. Tila inihehele ang pakiramdam ni Aisha. Kulay pink ang paligid, tumatakbo sila ni Coco nang bigla ay magdilim ang langit.

"TING! TING! TING!" Ang sabi ng mga ulap. Istorbong mga ulap.

"TING! TING! TING!" Pero sadyang madadaldal ang mga ulap na ito.

"TING! TING! TING!" Napadilat si Aisha mula sa bangungot ng mga madadaldal na ulap. Alarm clock naman pala yung maingay kaya naman kinuha niya iyon at pinatay. Muli siyang pumikit pero.

"TING! TING! TING!"

"Hindi namatay?"

>__O Idinilat niya ang isang mata niya at muling kinuha yung alarm clock... pinatay niya uli iyon...

"TING! TING! TING!" Ano ang problema ng alarm clock na ito?

Napikon si Aisha kaya naman ibinalibag niya ang alarm clock. Muli siyang pumikit nang makitang nagkahiwawalay ang parts noon.

"TING! TING! TING!" Bwisit na alarm clock yan napakatibay! Bumangon siya para pulutin iyon... dudurugin niya nang matahimik!

"ARAY!" Napadilat si Aisha ng may mabunggo siya.

O///O

TAO? TAONG ALARM CLOCK? O__O

Hahahaha! Si Knight! May hawak na bell. PATAY! T^T

^_____^ V Nginitian ni Aisha si Knight ng kay tamis.

Si Knight seryoso pa rin.

"Maligo ka na! Huwag mo 'kong ipapahiya! May exam kayo ngayon. Kailangan makapasa ka! Kasama yan sa kontrata!" Bulyaw ni Knight kay Aisha.

"YES MASTER!" Sumaludo naman si Aisha.

Hhhhmmmm? Si Aisha napapasunod ni Knight? WHAT HAPPENED?

Eeeeennnnkkkk!!!!

ATING BALIKAN!

* FLASHBACK *

Wagas ang pag-aalala ni Aston Vega sa anak na si Aisha kaya naman nagmakaawa siya kay Justavo na dalawin nila ito. Ngunit laking gulat ng mga ito nang maabutan ang dalawa na marahas na naghahalikan sa police station. Si Knight ay may bakat pa sa noo na tila...tinidor? Si Aisha naman ay gulo-gulo ang ayos. Punit pa ang laylayan ng damit nito, sa naabutang iyon ay napagdesisyunan na lang ng dalawang matanda na pauwiin na ang mga ito. Naasikaso na rin kasi nila ang mga problema.

Nasa isang sasakyan lang ang mga ito. Tahimik at walang umiimik hanggang sa binasag ng ama ni Knight ang katahimikann

"Knight, maghintay sana kayo hanggang kasal. Pinaasikaso na namin ang lahat. Sa isang linggo ay ikakasal na kayo."

"WHAT?!" Sabay na napabulalas ang dalawa, nagkatinginan pa sila na akala mo pinandidirihan ang isa't isa.

"Aisha, baby pa rin kita kahit ikakasal ka na, ang bata mo pa baby ko." Teary-eyed pa si Aston.

"DADDY?! PUMAYAG NA BA AKO? Dito sa PERVERT na 'to ikakasal ako?" Bulalas ni Aisha.

"Aisha baby, ano bang sinasabi mo?" Bigla naman siyang inakbayan ni Knight. Yung akbay na may halong gigil, marahas! Hindi kaaya-aya! Masakit!

TT^TT

NAGTINGINAN SILANG DALAWA NG MASAMA!

>_> ~~~~ <..<

Mata sa mata! Bawal kumurap!

Sa huli..

....

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon