CHAPTER 4

151K 1.6K 90
                                    

Chapter 4

Umaapaw ang galit ni Knight sa babaeng si Aisha. Naisahan na naman kasi siya nito, sa isip niya ay hindi ito tumupad sa usapan. Nagsama pa ng gang at ang galing um-acting ha! Pero isa lang ang sigurado ni Knight, malalaman niya kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Sa ngayon ay haharapin niya muna ang galit ng kanyang ama.

Nang makarating si Knight sa mansyon nila ay dumiretso siya sa common room kung saan laging namamalagi ang Dad niya.

"Sir, may bisita po ang Dad nyo," sabi ng isa sa mga servant nila. Hindi iyon pinansin ni Knight, kailangan niyang makausap ang Dad niya. Mukhang hindi basta-basta ang tao sa likod ng b*tch na si Aisha.

Binuksan niya ang pinto at agad na pumasok doon.

"Dad! I'm sorry but—," nanlaki ang mata niya sa kung sino ang kausap ng Dad niya. Walang iba kung hindi si Aisha Benedict Vega. Aba at mukhang kagalang-galang siya sa puting dress niya. Magaling umarte ha.

"Oh Knight! Buti na lang at nakabalik ka na. It's nice to finally meet your fiancée!" What the hell? Fiancée? Nagsalubong ang masasamang titigan nina Knight at Aisha. Tila sila lang ang nasa isang madilim na silid na ang tanging liwanang na bumabalot ay ang bolta-boltaheng kuryente na nag-uugnay sa mga mata nila. Pero bago pa tuluyang mag-transform into whatever si Knight ay nauna na siyang bumasag sa katahimikan.

"Dad, hindi mo ba alam na siya si Aisha Benedict Vega? The girl I was talking about? Ang sinabi mong dalhin ko sayo?" Walang prenong tanong ni Knight pero hindi niya inaalis ang tingin kay Aisha.

"Yeah, I know. Pero hindi ikaw ang nagdala sa kanya, si Aston Vega ang nagdala sa kanya dito. My old trusted friend."

"WHAT?!" Hindi makapaniwala si Knight. Ang ibig sabihin ba nito ay walang nag-utos kay Aisha? Na pakana lahat ito ng damuhong matanda sa harapan niya?

"ANO?" Gulong gulong ang utak ni Aisha. Hindi niya ma-gets ang mga nangyayari. "Teka, ano 'to Daddy? Anong pinagsasabi nila? Sino ba 'tong mga 'to? Hoy ikaw NINE BASTON ESTUGES! Pakana mo 'tong lahat ano!?" Pakilinaw naman kasi. Hindi kaya ng mga neurons ni Aisha ang mga nagaganap.

"Anak! Ang manners mo. Nakakahiya kay former president," bulong ng Daddy niya kay Aisha.

O___O

Former president? Ng Pilipinas ba? Ano 'to, joke?

Tinitigan ni Aisha ang mukha ni Justavo Estude. Pagkatapos ay iniligid niya ang mga mata niya sa silid. May bandera ng Pilipinas, may ilang awards na naka-display at higit pa doon ay may malaking litrato ni Justavo Estude na may logo na nagsasabi ng SAGISAG NG PRESIDENTE NG PILIPINAS.

Kasunod noon ay napalunok si Aisha sabay yuko. Sandali pa siyang napangiwi. Nakakahiya ang inasal niya. Paanong hindi niya nakilala ang naging isa sa pinakamakapangyarihang tao sa bansa? Kaya naman nag-angat siya ng paningin sa matandang yumakap sa kanya kanina lang na may matamis na ngiti.

"Hello po. Pasensya na po kayo!" Bahagya pang yumuko si Aisha sabay kamot sa ulo. Napatingin pa siya sa nakangising pervert na katabi ng matanda sabay tanong... "Anak nyo po ba talaga 'tong si Nine Bastos?" O_o?

"It's KNIGHT JUSTON (nayht.jas.thon)," pagtatama ni Knight. Medyo sarcastic pa ang tone niya. Now she knows. Nasindak na siguro sa kanya ang matapang na babae.

"Ah oo iha, ikinatutuwa kong magkakilala na kayo. Masyado ata siyang naging pilyo sayo. Kalat na kalat na tuloy ang balita na magkakaanak na kayo iha. TAMA ba?" Ngiting ngiti pa si Justavo.

"Hindi ka nga nagtanan anak! Nagpabuntis ka naman!" Mahina pero madiin na bulong ng Daddy ni Aisha sa kanya. Napatulala tuloy si Aisha.

?___?

BUNTIS daw?

Processing...

10%

30%

...

...

..

..

.

100%

"TEKA. SINONG BUNTIS?" nagtatakang tanong niya sa mga ito.

"Ah Knight. Bakit hindi mo muna ipasyal ang fiancée mo sa mansion? Kami na ang mag-aayos ng engagement nyo," pahayag ni Justavo.

"Opo." Dahil nga sunod-sunuran si Knight sa ama ay hindi na siya nakaangal pa. Hinawakan niya sa kamay si Aisha at hinila palabas ng silid.

"Bitawan mo 'ko!" sigaw ni Aisha nang makalabas sila ng silid.

Binitawan naman siya ni Knight. Matapos ay hinawakan siya sa magkabilang balikat at isinandal sa pader. Hinawi ni Aisha ang mga kamay ni Knight, mabilis niyang sinipa si Knight pero nakailag ito at nahawakan pa ang paa niya, nabawi naman agad ni Aisha ang paa niya tapos ay sinuntok niya si Knight pero nasangga nito ang wrist niya. Lahat ng technique na ibinabato niya kay Knight ay nadedepensahan nito ng walang kahirap-hirap. Ang nakakainis pa! Nakakaloko lang makangiti si Knight habang si Aisha ay pagod na.

"Sandali! Time out!" Hinihingal na sabi niya kay Knight. Sapo-sapo pa ni Aisha ang dibdib niya, grabe, hindi pa niya napapatamaan si Knight! Tinanggal niya ang bolero ng white dress na suot niya. Pinapawisan na kasi siya, bakit ba naman kasi pinagsuot siya ng ganun ng Daddy niya?

"HIYAAAAHH!!" Sinugod niya si Knight nang maibato niya ang bolero sa sahig pero muli ay na-lock nito ang mga kamay ni Aisha sa likuran pati ang mga paa niya. Katulad iyon ng ginawa ni Knight sa kanya sa eskwelahan, parang akala mo tuloy ay yakap-yakap siya ni Knight habang nakasandal sa pader.

"Tama na. Kahit anong gawin mo hindi ka mananalo sakin!" Bulong ni Knight sa kanya. Magkalapit ang mga mukha nila.

"Kasalanan mo lahat 'to, NINE BASTOS!" Madiin pero mahinang sambit ni Aisha.

"KNIGHT JUSTON sabi eh."

"Whatever you say, pervert!" Iba na talaga ang nagagawa ng galit. Mapapa-english ka. Parang facebook lang yan kapag nagpo-post ka ng shout-out. Kapag nage-emo at galit ka gumagaling mag-english.

"Manyak ka!" Patuloy ni Aisha. "G*go! Siraulo! Assh*le! Ped—hhhmmmffftttt!!" Dahil na nga yan sa bugso ng damdamin. He sealed her lips with a kiss. Aisha's second kiss coming from this.. pervert, arrogant bastard!

Sa ganoong posisyon ay naabutan sila ng kanilang mga ama. It was a very awkward situation para sa dalawang matanda. Sabay na nanlaki ang mga mata nito.

"Ouch!" Reklamo ni Knight nang kagatin siya ni Aisha. Seeing her mad makes him happy as hell. Kahit dumugo ang labi niya namutawi pa rin ang ngiti ng tagumpay dito.

"EHEM!" Nag-fake ng ubo ang daddy ni Aisha kaya napatingin naman sila sa mga ito pagkatapos ay agad silang naghiwalay. Pinulot naman ni Aisha ang bolero niya sa sahig. Dumudugo ang labi ni Knight na kinagat ng babae.

"Masyado ata silang adventurous kumpadre. Halika at sa opisina ko na lang tayo mag-usap. Haha." Nag-aalangang sabi ni Justavo na pilit na pilit ang awkward na tawa nito.

"Ah...oo.." Sang-ayon naman ni Aston pero bago siya sumunod sa lumakad nang si Justavo ay tiningnan niya muna ng masama ang dalawa.

TgBQgdE򳺟���

WHEN MISS GANGSTER MEETS HER MATCHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon