WHO DONE IT: Case#3: The Case of the Wedding Disaster (Easy to Medium)

1.7K 45 24
                                    

Level: Easy to Medium

The Case of the Wedding Disaster

8:40 pm

Cheers!

Sabay nag-inuman ang lahat ng bisita sa wedding party ng bagong kasal na sina Nick at Cherry Ringer.

Ginanap ang party sa garden ng bahay.

Ang mga bisita lamang ng gabing iyon ay ang mga malalapit na kaibigan at mga kamag-anak ng bagong kasal.

Naghalikan ang dalawa.

Napuno ng sigawan sa garden.

Nakaupo sa isang tabi si Detective Frederick, pinsan nya si Cherry kaya siya naimbita. Kaso pagdating sa ganitong mga kasiyahan ay hindi siya mahilig kaya siya ngayon nakaupo sa gilid at kasama niya sa table ang isang magandang babae na tila kanina pa naiirita. Pansin na pansin sa babae ang mapulang lipstick nito. Hindi alam ng detective kung sa kanya ba naiirita ang babae o hindi at minsan ay lagi itong tumitingin sa bagong kasal.

Inisa-isang nilapitan ng bagong kasal ang bawat mesa hanggang sa nakarating sila sa mesa ng detective. 

"Liza," sigaw ni Cherry habang nilalapitan ang katabing babae ng detective. "Salamat naman at nakapunta ka." Tumayo ang babae at niyakap si Cherry. "Oo naman, kaibigan mo ako kaya pupunta ako." wika niya sabay kindat.

Napatingin si Cherry sa Detective."Kuya Fred!"

Tumayo ang detective at nilapitan ang bagong kasal. Pinakilala siya ni Cherry kay Nick.

"Ah ikaw pala yung sinasabi nilang magaling na detective. Di ko akalaing pinsan ka pala ng asawa ko." wika ni Nick habang nakikipagkamay sa nahihiyang detective.

Napatingin din si Liza sa detective na tila gulat na gulat sa narinig..

Namula ang Detective. "Y-yeah."

Nagkaroon ng kaunting usapan at agad ding umalis ang dalawa.

Lumipas pa ang ilang oras.

9: 20 pm

"Hon, punta lang ako sa banyo." bulong ni Nick kay Cherry. Tumango si Cherry. Bago umalis, hinalikan muna siya ni Cherry. "Bumalik ka kaagad, ha?"

"Oo." sagot ni Nick na may kasamang ngiti.

Hindi inalis ni Cherry ang tingin kay Nick.

Napatigil sa paglalakad si Nick ng bigla siyang nilapitan ng isang lalaking lasing at inakbayan. "Greg," gulat ni Nick. Si Greg ang kanyang bestfriend at ang kanyang bestman sa kasal. Tinulungan niya si Greg sa pagtayo. "Lasing ka na."

Lumapit si Cherry at inalam kung ano ang nagyayari. Lumapit din ang isang lalaki na nakasalamin ang mata upang tulungan si Nick sa pagbuhat sa lasing na si Greg.

"Salamat Shon." ang sabi ni Nick sa lalaking nakasalamin. Lumingon siya kay Cherry. "Ako na ang bahala kay Greg. Dadalhin ko lang siya sa silid." 

"S-sasamahan ko nalang kayo." pilit ni Cherry.

Hindi na tumanggi pa si Nick. Kasama si Shon, ang lalaking nakasalamin, dinala nila si Greg sa loob ng bahay.

Pinanood lang sila ni Detecive Frederick habang ito'y kumakain ng kanyang napiling dishes. Tumingin siya sa kanyang orasan.

9:28 pm

Tumingin siya kay Liza na kanina pa hindi ginagalaw ang pagkain at kanina pa hindi mapakali.

9:31 pm 

Nakabungguan ng Detective si Shon habang kumukuha pa ng susunod na pagkain. Napansin ng Detective na wala na ang suot nitong coat.

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon