WHO DONE IT? Case#2:The Case of the Dead Loan Lender

2.1K 48 24
                                    

The Case of the Dead Loan Lender

12:35 ng hapon dumating si Detective Fredrick sa malaking bahay ni Raphael Brown dala-dala ang kanyang hotdog sandwich.

Nagulat si James, isang police officer at kaibigan ng Detective nang makita niyang kumakain sa oras ng trabaho ang detective. Gusto niya itong pagalitan ngunit isinantabi nalang niya ito.

Pumasok sila sa library at opis narin ni Raphael Brown. Pagdating palang sa pintoan ay nakita na ng Detective ang puting nakaguhit na hugis tao sa sahig at ang mga dugo nito. Pumasok pa siya sa loob at nakita niya ang isa pang nakaguhit na tao na tila nakasandal sa pader. Tumungo siya sa mesa at nakita ang mga documents na naka-ayos sa gilid ng mesa.

“Hindi namin natagpuan ang baril. Binaril si Raphael Brown, may-ari ng isang Loaning company, 51 years old,  ng malapitan ng dalawang beses. Binaril naman sa ulo ang maid na si Maria Nore, 28 years old. Gumamit marahil ang suspek ng silencer pagkat ni isa na narito sa bahay ay hindi nakarinig ng putok ng baril. Natagpuan ang dalawang biktima ni Adam Perot, butler ng pamilyang brown mga bandang 12:15 pm. Ayon sa kanya tumakbo siya papalayo ng silid ng makita niya ang mga katawan at tumungo siya sa sala at tumawag sa telepono.”

“Bakit pa siya lalayo kung may telepono naman dito sa loob ng library?” tanong ng Detective.

“Ayon sa kanya, malaki ang takot niya sa dugo.” Sagot ni James.

“Hemophobia.” Wika naman ng Detective.

“You killed our father!”

Napalabas ang dalawa sa silid ng marinig ang sigawan sa labas. Nakita nila ang dalawang babaeng nagaaway.

“At sino naman sila?” tanong ng Detective.

“Si Victoria at Elizabeth Brown, anak sila ni Raphael Brown. Matagal na silang hindi nagkakasundo.” Sagot ni James.

“At bakit ko naman gagawin iyon?” sigaw ni Elizabeth. “Hindi kaya dapat ikaw ang paghinalaan. Narinig ko kayo ni papa na nag-aaway noon sinabi mo pa na papatayin mo si papa pagkat di niya ibinigay agad ang mana mo!”

“Sinungaling ka!” sigaw naman ni Victoria. “Ikaw rin naman eh. Galit ka rin kay papa pagkat di ka nya bigyan ng malaking pera dahil dyan sa cheap at walang pinag-aralan mong boyfriend!”

Magsasabunutan na sana ang dalawa ng agad silang pinigilan ng mga pulis at ng ibang maid.

Nagtanong ang Detective kay James, “Nasaan ang dalawang magkapatid ng mangyari ang krimen?”

Sumagot si James, “Mag-isa si Victoria Brown, panganay na anak, sa kanyang sariling kuwarto at nakikinig ng music gamit ang headset. Wala siyang narinig na anumang putok ng baril. Dumating nalang ang katulog at sinabi sa kanya ang nangyari. Ganun di Elizabeth, nasa loob din sya ng sariling silid at tinatawagan ang kanyang boyfriend. Wala rin siyang narinig na putok ng baril.”

“Ay ang mga natitirang katulong?”

“Natanong ko na ang limang katulong na nagtratrabaho dito at sa tingin ko ay hindi sila ang maygawa pagkat magkakasama silang lahat ng mangyari ang krimen.” Wika ni James. “Hay ang hirap ng ganito pag wala ka talagang lead. Sa tingin ko si Victoria ang may gawa. Mag-isa lang siya sa kuwarto at walang magpapatunay nun. Pero sa tingin ko rin na ang butler ang may gawa. Wala ring magpapatunay pagkat wala ring nakakita sa kanya at nagsisinungaling lang siya na may takot sa dugo.

Maya-maya’y dumating ang isang lalaki, si Mark Monrey. “Ako si Mark Monrey, kliyente ako ni Mr. Browne at narito ako para sa isang meeting.”

“Ako po ay isang detective. Pasensya na Mr. Monrey ngunit kanina lang ng tanghali ay namatay si Rapahael Brown.” Ang sabi ng Detective.

Gulat na gulat si Mr. Monrey sa sinabi ng Detective. “Sayang at naging mabuti ko pa naman siyang kaibigan. Nasabi niya sa akin noon na marami ang nagtatangka sa kanyang buhay dahil sa pera kahit nga sarili niyang mga anak ay binabantaan siya.”

“May nasambit pa ba siyang ibang pangalan, Mr. Monrey?”

“Wala siyang nasambit sa akin. Uhm,Mr. Detective. Naitanggal na ba ang mga katawan sa loob ng opis ni Mr. Brown? May kukunin lang sana ako na libro na hiniram niya sa akin. Ang sabi niya kasi ay ibabalik niya ito ngayon.”

“Hindi po kayo pwedeng pumasok doon hanggang di pa po naming tapos ang pag-iimbestiga.” Sambit ni James.

“Ganoon ba, sana ay mahuli niyo na ang criminal, Mr. Detective.”

“Oo at alam ko na kung sino.”

WHO IS THE SUSPECT and WHY? (Choose lang kayo sa mga characters na nakasali sa Story)

1. Adam Perot, the butler

2. Victoria Brown

3. Elizabeth Brown

4. Mga maids

5. Mark Monrey

6. Detective Frederick

7. James, the police officer

8. Mga pulis

9. Ako :P

10. Ikaw

11. Nothing on your Mind?

Are you Stumped? Answer will be given next week (November 20 or 21, 2011)

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon