Answer for The Case of the Wedding Disaster

1.4K 49 17
                                    

Answer for The Case of the Wedding Disaster

Suspects: 

1. Greg - - ang bestman at kaibigan ni Nick

2. Cherry - - ang asawa ni Nick

3. Liza - - kaibigan ni Cherry

4. Shon - - kaibigan at kaopisina ni Nick

5. Thomas - - isang foreigner at katrabaho ni Nick

The suspect is... Liza!          Why?

Balikan natin ang testimonya ni Liza:

                    "Bago pa ako makalabas ng bahay nakarinig na ako ng sigaw. Agad akong tumungo patungo sa silid kung saan ko narinig ang ingay. Pagbukas ko ng pinto nakita ko nalang si Nick na puro saksak pagkatapos dumating na kayo." patuloy ni Liza.

 Ayon kay Liza nakita niyang puro saksak ang biktima pero ng tiningnan at inikot ang katawan ng biktima doon lang nakita sa ilalim ng katawan ng biktima ang duguang kutsilyong ginamit at ang mga saksak na natamo nito. Dahil sa nakadapa ang biktima marami ang magiging dahilan ng pagkamatay niya puwede rin na pinatay siya gamit ng baril. (Basahin ang bahaging parte ng 10:20 PM kung saan dumating ang mga pulis)

10:20 PM : Tiningnan ni Detective Frederick ang bangkay. Nakadapa si Nick. Ang dugo nito ay nasa  ilalim ng katawan. Tinawag niya ang dalawang pulis na nasa loob. "Tulungan niyo akong iikot siya."  Inikot nila ang katawan ng biktima at doon nila nakita ang sugat na natamo nito sa tiyan. Nakita din nila ang kutsilyo na basang-basa ng dugo.

Ngayon ang tanong paano niya nalaman na sinaksak ang biktima gayong nakadapa ito at nasa ilalim ng katawan ang ginamit na kutsilyo?

Hinuli ng mga pulis si Liza at dinala sa presinto.

Samantalang ang katawan ni Nick, ang biktima, ay inilibing matapos ang ilang linggo. 

Hindi na ikinuwento pa sa akin ni Detective Frederick ang dahilang pagpatay ni Liza kay Nick dahil ang lahat ng ito ay masasagot na hindi na kinakailangan pang sabihin ang totoo.

WHODUNNIT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon