040 | End

105 4 2
                                    

| sandara |

Naghihintay ako ngayon dito sa tapat ng puno na pinagtatambayan namin ni bffever. Iniwan ko muna si bffever. Di naman siya mag-isa eh. Kasama niya yung makakalimutin niyang manliligaw na buti nalang eh hindi nalilimutan na nililigawan siya.

Si bes ko may lablayp na <3

Nagulat ako ng biglang may tumakip sa mata ko.

"Hulaan mo kung sino?" tanong niya.

Pinigilan kong ngumiti dahil nagpapabebe ako sa kanya.

"Uhm... hmm... manong guard?"

"Tae. Mali." sagot niya.

"Hm... senpai que?" napatanggal yung kamay niya sa mata ko.

Pumunta siya sa harap ko.

"Hihihi joke lang adonis." wika ko. Nakita ko kasi na sumeryoso bigla yung mukha niya.

"Seloso much?" tanong ko habang nakasmirk.

"Syempre." sagot niya.

"Aba, honesto ka, adonis ah."

"Eh sa nagseselos ako eh. Anong magagawa mo aphrodite?" tanong niya at umakbay sakin.

"Wala, kundi kiligin." sagot ko. Tumawa naman siya.

"Nagsisisi ka ba?" tanong niya.

Napakunot naman noo ko.

"Saan?"

"Na pumayag kang ligawan kita." wika niya.

Napangiti ako ng marahan sa sinabi niya.

"Luh siya oh nagdrama." wika ko.

"Eh kasi..."

"Hala, insecure si tatay oh." wika ko. Tinanggal ko ang pagka-akbay niya sakin at hinawakan ang kamay niya. "Syempre hindi no. Si adonis na nga nanliligaw sakin, magrereklamo pa ba ko?" tanong ko.

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Hehehe kaya labs kita eh." tawa niya at hinawi ang buhok ko.

"Landi pa moreeee" kantyaw ko.

"Hihintayin kita—" nagulat kami parehas kaya napatingin kami sa pinagmulan ng ingay.

Nanlaki ang mata ko.

"Senpai..." bulong kong tawag.

Napatingin ako sa damuhan at nagulat ng makakita ng isang bouquet ng roses. Nakatingin lang siya samin ni Sehun habang nanginginig ang kamay.

"Nakakahiya naman..." wika niya at pinulot ang mga rosas na nalaglag niya ngunit hindi niya ito nagawa.

"Senpai.." lalapit na sana ako ng pigilan ako ni Sehun. Si Chanyeol naman ay tumingin sakin at ngumiti ng mapait.

"Balak ko sanang umamin ngayon kaso mukhang naunahan na pala ako ng kaibigan ko." wika niya.

"Congrats nga pala." dagdag niya at aalis na sana ng pigilan ko siya.

"Senpai, sorry." simula ko. "Pero kahit mas nauna ka kay Sehun, hindi ko parin maibabalik ang nararamdaman mo sa akin. Crush kita oo senpai, inaamin ko. Pero hanggang dun lang yun , paghanga lang iyon. Dahil, " Tumigil ako para kumuha ng hininga.

"Kaibigan lang ang tingin ko sayo."

through chat; [Chanyeol]Where stories live. Discover now