17

84 5 0
                                    

| sandara |

Umupo ako sa tabi ni bffever.

"Pst, baboy ka talaga eh nuh. Tulog ng tulog." pang-aasar ko. Hindi naman niya ako pinansin dahil tulog siya at mukhang malalim pa. Masyadong natuwa sa ilalim ng puno.

Ang lamig kasi dito eh.

Free time namin ngayon. Wala lahat ng teacher dahil may meeting silang lahat kaya naman nandito kami ni bffever sa ilalim ng puno at nagpapahangin.

Feel na feel namin pagiging photoshoot itsura dito eh.

"Ina mo ka. Mas baboy ka." sagot naman niya.

Anla gising pala si bes.

"Ang boring bffever." reklamo ko at humiga sa hita niya. Nakasandal lang naman siya sa puno eh.

"Chat mo senpai mo. Wag kang magulo. Inaantok talaga ako." sagot niya ulit.

"Ih bffever, di naman magrereply yun eh."

"Senpai nga eh. Pa peymus yun."

"Truee! Lakas mang-seen!"

Tumahimik nalang ako dahil hindi narin naman ako sinasagot ni bes. Azar.

Tulog ng tulog.

Lumilinga linga lang ako dahil tinitignan ko ang paligid ko. At dahil nagandahan ako sa paligid dahil kasing ganda ko siya, kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para kunan ng litrato ang lugar.

Papindot na sana ako ng capture button ng may WAFU NA HUMARANG SA HARAP HABANG NAKANGITI SAKIN.

Dahil sa gulat, naibagsak ko sa mukha ko ang phone ko.

"Shems." bulong ko.

"Hey, you okay?" tanong niya.

Ramdam ko ang pagpula ng pisngi ko. Hindi ko siya sinagot at iniwan sa mukha ko yung phone ko.

"That hurts like hell man." rinig kong sabi ng isa pang boses. Dahan dahan kong tinanggal sa mukha ko yung phone at minulat ang aking mata. Nakakita ako ng dalawang lalaking nakatayo sa harap ko.

Kinalabit kalabit ko si bffever.

"Besssssss. Si senpai anditueeee" bulong ko.

Hindi naman siya nagising kaya umupo na ako ng maayos, baka masilipan ako ni oppa. HIhihih.

"Oh! Sandara!" tawag niya sakin habang nakaturo pa.

"Hala, park po apilyedo ko hindi oh." bulong ko.

I saw him smirk. (shet buntis na ulit ako) "I was right. It was you."

Kumunot naman noo ko.

"Anyway, we have to go. Sehun let's go."

aba bastusan.

"Kahit sa totoong buhay, papeymus yang senpai mo." lumingon ako kay bes, "hindi man lang nag-bye. amp."

Okay lang, gwapo naman eh.

Tiglandi, Sandara.

through chat; [Chanyeol]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon