Chapter Fifteen

432 9 4
                                    

AN: Tapos na monthly exam namin at makakapagupdate na ko sa mga stories ko weeeee. Hahaha! Enjoy reading. Comment naman kayo ng masasabi niyo puhlease? Pampagana lang. Haha

I dedicate to my Tart nga pala. Miss her na

ENJOY READING :)

 Picture of JAP sa gilid. Infairness nakangiti :)

Chapter Fifteen

Keisha’s POV

“Hoy MR. TRAVIS NATE SYLVERO! BUMALIK KA DITO! DUN KA NA SA SCO KUMAIN!” sigaw ko dito habang habol habol ko parin siya. Grabe. Bakit ba ang bilis tumakbo ng loko lokong to.

Yan ang hirap sa pagiging babae, mabagal tumakbo compare mo sa mga lalaki. Sa haba pa lang ng bias, talo na tayo girls!

“Ayaw ko dun! Ang konti. Bibitin ako.” Sigaw niya pabalik.

“Di ka babalik Travis?” sigaw ko ulit sa kanya using my warning tone. Tumigil lang siya saglit tapos bumelet sabay takbo. “Bleeeh. Kung mahahabol mo ko hahaha! Byebye CSA. See you later or tomorrow or whatever hahaha.” Sabi niya.

“Travis, promise me papasok ka sa class mo.” Sabi ko. Tumigil na ko sa pagtakbo’t paghabol sa kanya. Nakakapagod kasi eh. Kakahingal haha!

Nakita ko naman siyang tumigil. He slowly turns around to face me. I smiled. “Promise me you’ll come to your class after your lunch.” Sabi ko ulit dito. I saw how his gazed drift away. He wrinkled his nose then pout. “Okay okay. I’ll come. Bye.” Sabi niya then tumakbo na paalis. Tumalikod na ko para bumalik sana sa SCO.

 I felt relieved. Madali naman pala pakiusapan si Travis kahit papano eh. Sadyang napakakulit lang. Haha! Akala ko malalagot ako sa Board nito. Baka matanggalan ako ng scholarship.

“Oy Aleng Maliit wag kang harang.” Nagulat naman ako ng biglang may nagsalita sa likod ko. Pagtingin ko si Jap lang pala. Teka, pansin ko lang, lagi na lang ganito ang pagkikita namin. Parang kabute na bigla bigla na lang sumusulpot sa likod ko. Pansin niyo rin?

Humarap ako sa kanya.

“Jap, may itatanong lang ako sayo.” Sabi ko sa kanya. Nakita ko namang tinaas niya yung isang kilay niya at tumingin sakin with the looks of Whut?

“Uhm. Di ka magagalit ah? Kasi magtatanong lang naman ako.” Sabi ko sa kanya. Bored na tumango tango lang siya sakin. Kelan kaya gagana ang bibig niya para sa matinong usapan? Huhuz.

“Saan ka sa pinaglihi?” tanong ko sa kanya. Lalo niya naman akong tinaasan ng kilay, this time with the looks like saying What-the-heck-are-you-saying?

“Sa kabute ba o sa sama ng loob?” dugtong kong tanong sa kanya. Bigla namang sumama yung tingin niya sakin. Halaaa. May nasabi ba ko? Sabi ko magtatanong lang ako ah. Bakit nagalit?

“Uy, bakit ka galit?” tanong ko ulit. Napangiwi naman siya. “You really asking me why?” tanong niya.

“H-ha? Malamang. Magtatanong ba ko kung alam ko?” sabi ko. Totoo naman eh, kaya ka nga nagtatanong kasi naghahanap ka ng sagot diba? Ang weird po ni Jap. Seryoso.

“Engot ka talaga pandak.” Sabi niya then nagsimula ng maglakad paalis.

“Uy, ano nga? Saan ka nga pinaglihi?” tanong ko sa kanya kaso di siya sumasagot at tuloy tuloy lang sa paglakad. Pero dahil interesado ako kung saan siya pinaglihi. Kinulit ko siya ng kinulit. Baka kasi yun yung naging epekto kay Jap kung bakit ang sungit sungit niya.

What's the secret inside the Kings Profiles?Where stories live. Discover now