Chapter Six

506 16 1
                                    

Keisha’s POV

“Kuya aalis na ko. Malalate na ko eh.” Sigaw ko sa mga Kuya na ko na nasa kani kanila paring kwarto’t nagbibihis at naghahanda para sa kanilang work.

“Sumabay ka na saamin Keish.” Sigaw ni Kuya Chen.

“Ang tagal niyo eh. Malalate na talaga ako.”

“Hoy Ichan bilisan mo na nga diyan!” sigaw ni Kuya Chen kay Kuya Ichan na nasa kwarto parin habang pababa na ng hagdan.

“Ang kupad talaga ng Kuya mong yun kahit kelan. Dinaig pa pagong.”  Inis na sabi nito.

“Sinong pagong? Gusto mong makarate?” tanong ni Kuya Ichan na nakasunod na rin pababa.

“Nyenye.” Pagmamake face naman ni Kuya Chen.

Napailing na lang ako. Kahit kelan wala silang araw na pinalampas para mag-away. Pero di nabubuo araw naming pag walang ganitong scenario rito sa bahay.

Sumakay na kami sa kotse at si Kuya Ichan yung nagddrive at katabi nito si Kuya Chen.  Ako naman nakaupo sa likod.

“Mag-aral mabuti bunso ah. Wala munang boyfriend boyfriend. Bata ka pa.” paalala ni Kuya Chen sakin.

“Kuya naman.” Sabi ko. Nakakahiya naman kasi, kailangan magopen up ng topic about dun? Nahihiya kasi ako pag ganun yung topic kahit wala naman ako nun.

“Aba bakit ka ganyan makareact? May boyfriend ka na noh? Nako Bunso, mag-aral muna.” Sabi naman ni Kuya Ichan.

“Ano ba naman kayo mga Kuya, wala akong boyfriend. Naiilang lang ako sa mga bagay na yan.” Sabi ko sa kanila.

Natawa naman sila sa sinabi ko. “Nakooo. Dalaga na ang bunso namin.” Natatawang sabi nila.

Minsan ang sasarap din batukan ng mga Kuya kong yan eh, ang kukulit kasi.

Hayyyy.

Maya maya lang nakarating na kami sa KU.

“Ingat Bunso ah, mag-aral okay? Mag-aral.” Paalala naman nila.

Sinimangutan ko lang sila’t bumaba na ko. “Opo. Sige na mga Kuya ingat kayo. Byebye.” Sabi ko. Pinaandar na nila yung sasakyan at ako naman kumakaway kaway lang sa kanila.

Nang di ko na maaninag yung kotse, pumasok na ko’t dumiretso sa first class ko.

Medyo boring lang rin kasi puro, proper ingredients or mix-in  lang yung tinuturo. Gusto ko na kasing magdemo, yung tipong paglulutuin na kami pero medyo matagal tagal pa yun kasi naman 2nd day palang ng first sem.

After ng medyo mahaba habang discussion dinismiss na kami at umalis na ko para pumunta sa next class ko. Medyo okay naman yung next kasi terror yung teacher naming at madada, alam ko medyo weird kasi gusto ko yung mga ganung teacher. Kasi naman, di ako inaantok pag ganun eh tsaka mas ginaganahan akong magreview or aral para lagi akong ready kapag magtatanong sila.

Then after naman nun, pupunta sana ako ng rooftop para dun na lang kumain, di ko afford pagkain sa cafeteria eh tapos yun nga papunta na ko ng may lumapit sa akin at sinabing pinapapunta ako sa SCO (Student Council Office)

Agad naman akong pumunta kasi baka may ipagawa sila sa akin.

*ding dong*

Pagkapindot ko sa doorbell automatic na bumukas na yung pinto. O diba, marunong na kong magdoorbell haha!

What's the secret inside the Kings Profiles?Où les histoires vivent. Découvrez maintenant