Chapter Fourteen

417 5 0
                                    

CHAPTER FOURTEEN

Keisha’s POV

“Hmmm. Si Jap walang klase ngayong araw kaya baka di pumasok yun. Pero sa oras na to, si TJ and Travis lang ang may klase, then si Zei dapat nasa SCO yun at nagchecheck ng status ng tardiness records. Kaso bakit siya ang magchecheck nun? Eh isa pang tamad yun eh.” Ewan ko lang po kung muka na kong ewan dito na kausap ang sarili ko. Wala lang trip ko lang. Para namang ni minsan di niyo kinausap sarili niyo diba? Aminiiiiiin :P

Pumunta ako ng SCO para icheck kung nagkaklase nga yung dalawa’t ginagawa naman ba ni Zei yung dapat niyang gawin. Aba mahirap na, ang titigas pala ng ulo ng apat na Adonis na yun. Nagdoorbell muna ako bago pumasok, kahit alam ko naman ang passcode, shempre para di bastos tignan na basta basta na lang papasok.

Pagkapasok ko, as usual ang kalat kalat nanaman sa loob. Puro gamit ng mga haring aswang ang nakikita ko. Naawa ako sa mga naglilinis sa SCO. Walang kapagurang paglilinis at pagliligpit ng gamit ang ginagawa nila. Tsk tsk.

Niligpit ko muna’t itinabi yung mga gamit nilang nakakalat bago ko icheck ang kanilang mga rooms. Nakita ko namang naka-On yung red light ng kwarto nila so it means nagkaklase. Malalaman mo kasing naglelesson sila kapag yung red light na nasa taas ng pinto nila umilaw. Mga prof lang nila ang makakapagpa-ilaw nun kaya di nila magagawang dayain. Via fingerprints kasi para mapa-On mo. YAYAMAN! Sosyal ng dating noh? High-tech haha!

Kung ganito pala ang systema nila na tipong super strict, malamang sa malamang mga pasaway nga talaga ang apat na haring aswang na to.

Tinignan ko naman yung ilaw sa kwarto ni Zei. Walang red light. Kumatok muna ako ng ilang beses kaso walang sumagot kaya napagdesisyunan kong pumasok na sa kwarto niya tutal di naman nakalock.

Pag pasok ko, agad kong pinuntahan ang study table niya at laking gulat ko, or should I say, dapat pa ba akong magulat sa nakita ko. Ayun, tulog nanaman ang loko. Mukang nakatulugan yung pagchecheck ng slips. Psh. Walang pinipiling oras at lugar infairness.

“Pst pst pst. Gising na po.” Tawag ko dito habang dinudutdot yung balikat niya. Pero wa epek kay Lolo Zei kasi di man lang natinag.

“Uy uy uy. Gising na.” tawag ko ulit dito this time sa pisngi ko na siya tinutusok ng daliri ko. Kaso waepek pa rin. Telege nemen eh.

Tinry ko siyang kilitiin sa tagiliran. Because I know, mostly sa tagiliran ang pinakamalakas ang kiliti.

“Ayoooo kuchi kuchi kiliti kiliti kiliti, ayiiee tatawa nayan. Gising na King Zei.” Sabi ko habang pinagkikikiliti ko na siya. Muka na kong ewan dito pero di parin siya nagigising. Gumalaw lang siya konti then ayun stiff ulit.

“Aba, consistent ang lolo mo ah!” di makapaniwalang sabi ko. Nagstand straight muna ako’t nagbreathing exercise.

Kailangan kong makaisip ng paraan para mapagising ang ating napakasipag na kamahalan.

Habang ako’y busy sa pag-iisip ng aking gagawin bigla namang napadako ang tingin ko sa gilid.

“Huh? Ano to.” Sabi ko nang may nakita akong silver eklavu na takip na nakalagay sa gilid ni Zei sa table niya. Ano to pagkain?

Inangat ko yung takip at nakita kong may kanin, gulay at tatlong super yummy na fried chicken sa loob.

“Uwaaah. Ang sharaaaap.” Sabi ko habang nakatingin lang dun sa Fried Chicken niya. Huehue.

“Tutal tulog ka naman, penge ako ah. Hihi. Isa lang promise.” Sabi ko. Alam ko namang tulog siya kaya di siya sasagot. Ayos! Maagang lunch for me. Yipeee.

What's the secret inside the Kings Profiles?Where stories live. Discover now