Chapter 14: Amnesia?!

230 5 0
                                    

Kyungsoo's POV

Mag-iisang linggo ng nasa hospital si Scarlet.

"Scar, di ka pa ba gigising diyan? Mag-iisang linggo ka ng tulog. Bahala ka makikipagdate na daw ng ibang babae si Kris." Pabirong sabi ni Baekhyun.

Nandito nga pala kami sa hospital, kasama ko sina Steffi, Kuya Eros, Chen, Kris, Baekhyun, Chanyeol, Sehun at Luhan. Yung iba mamayang gabi pa daw dadalaw.

Malaki ang kwarto ni Scarlet dito. Parang hotel yung dating, kase yung superior room yung kinuha ng kuya niya.

Para daw magkasya kami dito.

May sofa set ito, tapos may special kitchen din at napakalaki ng bath and comfort room niya at may extra room pa for guests.

Para talagang hotel.

"O baka nga lalake na ang idate niya." pang-aasar ni Chen.

Si Chen talaga oh.

Binigyan ng death glare ni Kris si Chen.

"Oh. Chill, chill! I'm just kidding." naka-arm shield na sabi ni Chen.

"Ikaw ah!" tumayo si Kris.

Tumakbo naman si Chen.

"Humanda ka sakin kapag nahuli kita." natatawang sabi ni Kris.

"Help! Help! Nirerape ako ni Kris! Help!" sigaw ni Chen habang tumatakbo.

Nagtatawanan na ang lahat. Nakakatawa naman kase talaga sina Kris lalo na si Chen.

Ang kulit!

Ganyan po kami kapag magkakasama kami.

Tiningnan ko si Scarlet.

Napakahimbing ng tulog niya. Lumapit ako sa kanya para ayusin yung kumot niya.

Aayusin ko na sana yung kumot niya ng biglang gumalaw yung kamay niya.

"Gumalaw yung kamay ni Scarlet." masayang sabi ko.

Napahinto naman silang lahat sa kakulitan nila at pinalibutan namin si Scarlet.

"Talaga?" masayang tanong ni Kris.

"Oo. Nakita ko, gumalaw yung kamay niya." sabi ko.

Gumalaw ulit yung kamay ni Scarlet.

"Oo nga. Hey bestie, wake up!" nakangiting sabi ni Steffi na parang naiiyak na.

"Scar, gumising ka na diyan.." hinawakan ni Kris yung kamay ni Scarlet. "..namimiss ko na yung sigaw mo sakin." nakangiting sabi niya.

Actually naaawa ako sa kanya.

Mahal na mahal niya talaga si Scarlet at ayaw niyang mawala ito sa kanya.

Kaya sana gumising na si Scarlet. Ayokong nakikitang nahihirapan si Kris. Parang kapatid ko na kasi sya.

"I'll call the doctor." sabi ni Eros at lumabas na ng kwarto.















Kris's POV

"Hmm..." nagising ako ng marinig ko yung boses niya.

Gumising ako, nagpunas ako ng aking mga mata, baka kase may muta pa ako. Haha. At tumingin ako sa kanya.

Nakagising na siya!

"Scar, gising ka na." masayang sabi ko.

Di ko mapigilan ang pagngiti ko ng makita ko siyang gising na

"Scar, buti naman at gising ka na. Hindi mo ba alam na nag-alala ako sayo, akala ko iiwan mo na ako. Bakit ka ba kase tumakbo ah?! Paano na lang kung magka-amnesia ka?! Paano na ko." tuloy-tuloy na sabi ko.

"Ah.. Eh.. Si..sino ka? Na.. nasan ako?" nakataas kilay na sabi niya.

:o

What did she just say? Sino ako? Nasan siya?

Hindi niya ako kilala?

Joke ba toh? Anong ibig niyang sabihin sa sino ako?

"Anong nasan ka? Anong sino ako? Baliw ka ba?!" sigaw ko.

Tiningnan ko siya, seryoso yung mukha niya.

"So..sorry. Hindi kita kilala." sabi niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang balikat niya.

"Ano ba?! Hindi ka nakakatawa! Ano bang pinagsasasabi mo ah?!" ngayon sumisigaw na ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Ok na yung lahat di ba? Gumising na siya, wag naman sana siyang magka-amnesia.

Hindi ko kakayanin.

"Pasensiya na pero hindi talaga kita kilala."



__________________________________

Vote, comment and be a fan. No silent readers please. :D

I fell inlove with that STUPID JERK (ft. Kris Wu Of EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon