Chapter 12: I love you

228 7 0
                                    

Kris' POV

"Prof, excuse me po. Babalik lang po ako ng classroom. May nakalimutan lang po ako." paalam ni Scar.

Ano na naman kaya ang nakalimutan nito? Makakalimutin talaga ang babaeng ito kahit na kailan. Haaay nako.

"Sige. You may go." sabi ni prof.

Tumakbo na siya palabas ng computer lab. Di man lang nagpaalam sakin. Tss.

Maya-maya ay dumating si Steffi, kitang-kita ko sa mga mata niya na galit na galit siya.

"Kris, nakita mo ba si Scar?" tanong niya habang ginagala ang paningin sa mga kaklase namin.

"Pumunta ng room. May nakalimutan da--" bago paman ako matapos sa pagsasalita ay tumakbo na siya palabas.

Anong nangyare?

Nag-away ba sila, pero okay palang naman sila kanina ah?

Hm. Di ako mapakali.. parang.. pakiramdam ko ay may nangyayare na hindi maganda.

"Prof, excuse me po." sabi ko habang nakataas ang kaliwang kamay.

"What?" tanong ni sir.

"May nakalimutan po pala ako sa room. Kukunin ko lang po." ok. alam ko na liar ako. Pero ngayon lang yan. Haha.

"Sige. You may go." sabi ni prof.

Tumakbo na ako papunta ng classroom namin.

Nang malapit na ako ay may bigla akong narinig na nagsasalita, sumilip ako sa may bintana.

"I didn't betray you, bes--"

Nagulat ako ng bigla na lang sinampal ni Steffi si Scarlet sa pisngi niya.

"Don't you ever call me bestie again! Wala akong bestfriend na manloloko. You betray me, you did. All this time pala ay inlove ka sa boyfriend ko. How dare you!" sigaw ni Steffi at tumakbo palabas ng room.

Paano nalaman ni Steffiyung tungkol dun? Wala naman akong ibang pinagsabihan. Promise. Wala akong kasalanan dyan. Hindi ko sinabi kay Steffi yung nalalaman ko.

Hinawakan ni Scar yung pisngi niya na sinampal ni Steffi.

Pumasok na ako sa loob ng classroom.

Nagkalat yung mga punit-punit na mga papel sa loob ng room namin.

Umiiyak si Scarlet, nakaub-ob siya sa tuhod niya habang yakap-yakap ang mga ito.

Naaawa ako sa kanya. Alam ko na masakit ang nararamdaman niya ngayon. Ayokong nakikitang nagkakaganyan si Scarlet. Ayokong nakikitang nasasaktan siya. Nasasaktan din kase ako.

Ewan ko ba? Nung sa mini forest din, nung umiiyak siya.. nasaktan din ako nung nakita ko siya.

Kaya niyakap ko siya.

"Tahan na, everythings gonna be okay. Tumahan ka na." sabi ko with a comforting voice.

Niyakap niya din ako. Ang sarap sa pakiramdam. Sana ganito na lang lagi.

"Kris.. *huk* galit sa akin si Steffi *huk* nawalan na ako *huk* ng bestfriend." sabi ni Scarlet habang patuloy parin sa pag-iyak.

Bumitaw na ako sa pagkayakap sa kanya at hinawakan siya sa magkabilang balikat niya.

Tumingin naman siya sa akin.

Pinunasan ko yung luha niya gamit ang mga hinlalaki ko.

"Scar, don't worry. Nandito ako. Hinding-hindi kita iiwan." seryosong sabi ko.

Sincere ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

"Ang sakit-sakit kase." sabi ni Scarlet.

"Magiging okay din ang lahat. Kilala kita, alam ko na wala kang balak na lokohin si Steffi, hindi mo kasalan kung nainlove ka man kay Sehun." I said, looking at her eyes.

"Thank you." She gave me a smile, a weak one.

I hug her, tight as much as I can.
















Sehun's POV

Dinala ko si Steffi sa clinic. Di ko kase kaya na nakikita siyang ganyan. Natutulog siya ngayon sa isang kama sa clinic.

Nakatulog siya kakaiyak.

Sinabi na sa akin ni Steffi ang lahat, yung tungkol sa feelings ni Scarlet para sa akin at yung tungkol sa diary nya.

Pero.. mabuting tao si Scarlet.

Alam ko na hindi niya magagawang lokohin ang sarili niyang bestfriend. At alam ko rin na mahal na mahal niya si Steffi.

Siguro kailangan ko siyang makausap para mabigyang linaw ang lahat-lahat.

Ayokong mag-away sila ng dahil lang sa akin. Kung pwedeng lumayo ako, lalayo ako. Para lang hindi sila mag-away.

"Hmmm." dahan-dahang minulat ni Steffi ang mga mata niya.

Tiningnan niya ako, nagulat pa nga siya nung una eh. Tapos ginala niya ang paningin niya sa clinic bago tumingin ulit sa akin.

Niyakap niya ako.

"Magpahinga ka na muna dito." I said at hinihiga siya ulit sa kama.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"Baby, don't leave me." sinabi niya na parang nagmamakaawa.

I kissed her on her forehead.

"I'm not going to leave you. I love you, please take a rest. You're so tired." I smiled at her.

She close her eyes.

"I love you too." She whispered.
















Scarlet's POV

I hug him so tight. Hindi dahil sa gusto ko siya, kundi dahil sa gusto ko lang na may magcomfort sa akin.

"Kris.. *huk* galit sa akin si Steffi *huk* nawalan na ako *huk* ng bestfriend." I said, crying hard.

Ang sakit-sakit. Gusto kong matapos na itong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Bumitaw siya sa pagkayakap niya sa akin at hinawakan ako sa balikat.

He wipe away my tears.

"Scar, don't worry. Nandito ako. Hinding-hindi kita iiwan." He said.

I look at him. He's looking at me, too. Those eyes are full of sincerity.

"Ang sakit-sakit kase." nanghihinang sabi ko.

"Magiging okay din ang lahat. Kilala kita, alam ko na wala kang balak na lokohin si Steffi, hindi mo kasalan kung nainlove ka man kay Sehun." he said, looking at my eyes.

"Thank you." I gave him a weak smile.

Niyakap niya ako ng napakahigpit, sobrang higpit.

At ang mga salitang susunod niyang sasabihin ay ang mga salitang nagpatigil ng buong mundo ko.





"I love you."




_________________________________

Okay lang ba yung chapter na ito? Vote, comment and be a fan. No silent readers please.

For your suggestions, mention me on my personal account on twitter: @roldangelica ;)

Tumatanggap din po ako ng mga negative comments. Haha. Just make sure na may sense yung sasabihin niyo. Dejoke lang! HAHA.

Thankyou for supporting my stories. I love you all. God bless po. :>

I fell inlove with that STUPID JERK (ft. Kris Wu Of EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon