Chapter 10: Betray?!

257 7 0
                                    

Kris's POV

Alam niyo ba yung feeling na lagi na lang siya yung iniisip ko.

Yung siya at siya na lang yung nasa panaginip ko.

Yung gustong-gusto ko siyang makita at makasama.

Nababaliw na ata ako. Tama, baliw na nga talaga ako.

Pero mas mababaliw ata ako kapag hindi ko siya nakikita at nakakasama.

Ang cheesy. Haha.

Pero ganyan talaga yung nararamdaman ko para kay Scarlet.

Ewan ko kung pano ko siya nagustuhan.

Basta bigla ko na lang naramdaman na gusto ko nga siya.

Pero alam ko naman na wala akong pag-asa sa kanya dahil si Sehun ang mahal niya.

Siguro pumayag lang siya na makipagdate sa akin dahil nga sa may kasunduan kami.

Haaay.

Ang hirap talagang magkagusto sa isang tao.

Lalo na kung hindi mo alam kung ano ba talaga yung lugar mo sa buhay niya.

Kung ikaw ba yung bida o ikaw yung kontrabida, baka nga extra ka lang sa buhay niya.

*Pook*

"Aray! Bakit mo naman ako binatukan?!" sigaw ko.

"Focus! Focus! Kanina ka pa tulala diyan!" balik na sigaw niya.

Nandito nga pala kaming dalawa ni Scarlet sa mini forest.

Tinuturuan niya ako about sa lessons namin kanina.

Tutal siya naman yung teaching buddy ko sa section namin.

"Oo na! Kainis!" I shouted.

Ganito na ulit kami ni Scar. Tulad ng dati, away dito, away doon.

Mas okay na itong lagi kaming nag-aaway kesa sa nagkakailangan at hindi nag-iimikan.

Hindi na ako sanay. Hinahanap-hanap ko na yung sigaw niya sa akin.

Hinahanap-hanap ko na yung maingay na megaphone na ito.

Siguro nababaliw na nga talaga ako pero hinahanap-hanap ko na yung mga pambabatok at pananakit nya sa akin.

One week na yung nakalipas simula nung nagconfess ako sa kanya.

Ewan ko nga kung bakit nagconfess ako sa kanya.

"Two days na lang at malaya na ako!" sigaw ni Scar habang nakataas pa ang mga kamay.

Two days na lang kase ay matatapos na yung dare namin.

Two days na lang.

Siguro after two days ay hindi na siya makikipagdate sa akin dahil sa hindi niya na kailangan sundin yung mga gusto ko.

Sana pwede pang iextend yung two days na yun.
















Scarlet's POV

"Akin na. Ibigay mo na sa akin yan." masayang sabi ko.

"Ito na." iniabot niya na sa akin yung diary ko.

"Thank you!" I said.

Dahil tapos na yung dare namin ni Kris ay ibinalik na niya sa akin yung diary ko.

Pagkauwi ko susunugin ko na ito.

Inilagay ko muna yung diary ko sa bag ko.

Dumating na yung prof namin kaya nagsiupo na kami.

"Class, punta kayo ng computer lab. Doon tayo magkaklase para sa research na gagawin natin." sabi nung prof namin sa

"Yes sir." sagot namin.

"Ok good. Hintayin niyo na lang ako dun." tapos lumabas na siya ng classroom.

"Bestie tara na." tawag ko kay Steffi.

"Wait lang. May ballpen ka ba bestie?" Steffi asked.

"Nasa bag ko." I said.

"Scar, tara na! Ang bagal-bagal mo, dalian mo nga!!" Kris shouted.

"Sige mauna na kayo ni Kris, susunod na lang ako." Steffi said.

I nodded at lumabas na ng classroom dahil hinihintay na ako ni Kris na kanina pa nakakunot ang noo.

Napaka-impatient talaga nito.

Pumunta na kaming dalawa ni Kris sa computer lab. Dumating na si prof pero wala pa rin si Steffi

Nasan na kaya yun?

"Sir, excuse me po. Babalik lang po ako ng classroom. May nakalimutan lang po ako." paalam ko.

"Sige. You may go." sabi ni prof.

Bumalik ako sa classroom. Pero wala dito si Steffi.

Ang tanging nakita ko lang ay yung mga papel na nagkalat sa loob ng classroom.

Wait. Hindi kaya..

Pumunta ako sa upuan ko at tiningnan yung bag ko.

Wala yung diary ko dito. So ibig sabihin nito..

"Here you are." someone said.

Lumingon ako, nakita ko si Steffi na nakangiti pero kitang-kita ko sa mga mata niya na galit siya. Galit na galit siya.

Lumapit siya sa akin.

"Stef, let me ex--" bago pa man ako matapos sa sasabihin ko ay sinampal niya ako sa kaliwang pisngi ko.

"I trust you! Di ko akailain na magagawa mo ito sa akin. You betray me!" Steffi said, angerly.

"I didn't betray you best--" then she slap me again. Pero this time mas malakas.

Pakiramdam ko ay namumula na yung kaliwang pisngi ko dahil sa lakas ng sampal niya.

"Don't you ever call me bestie again! Wala akong bestfriend na manloloko. You betray me, you did. All this time pala ay inlove ka sa boyfriend ko. How dare you!" naiiyak na siya kaya tumakbo na siya palabas ng classroom.

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako sa sobrang sakit.

Hinawakan ko yung pisngi ko na sinampal ni Steffi.

I deserve those slaps.

Di ko mapigilan ang pagpatak ng mga luha ko. Tuloy-tuloy lang sila sa pag-agos.

Niyakap ko ang tuhod ko at umubob dito.

Di ako tumitigil sa kakaiyak.

Nagulat ako ng maramdaman ko na may bigla na lang yumakap sa akin.

"Tahan na, everythings gonna be okay. Tumahan ka na."

Nung marinig ko yung boses niya, di na ako nagdalawang-isip pa at niyakap ko din siya.





_________________________________

Vote, comment and be a fan. No silent readers please. :D

Sa lahat po ng may suggestions, imention niyo po ako sa twitter account ko: @roldangelica

Thank you for supporting my stories. I love you all! God bless po. :>

I fell inlove with that STUPID JERK (ft. Kris Wu Of EXO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon