Infatuation.20

140K 3.7K 858
                                    

 "Good Morning, Sir Lukas! It a new day, a new beginning, utang na loob po bumangon na kayo!"

Halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Sheena. Hindi pa siya natuwa, binuksan niya pa ang mga kurtina sa loob ng kwarto ko. Nasilaw ako sa liwanag. Muli akong pumikit at saka umusog, bigla akong nahulog sa sofa, nakalimutan ko na sa sofa nga pala ako natutulog at hindi sa king sized bed ko. I sighed. Umupo ako at saka tumingin sa kanya. Nakaksilaw ang ngiti ng bago kong assistant.

Mula nang makulong si Jane ay si Sheena na ang pumalit sa kanya. I needed an assistant now dahil nagtatrabaho na ako sa Consunji ngayon binga Vice President of Finance. I never thought that I'll be working in the company, si Lola pa rin ang CEO habang si Sancho ang General Manager. Ayos na ang buhay naming pamilya, isa na lang ang wala sa akin, ang Apollo ko.

I sighed. Dalawang buwan ang mabilis na lumipas pero kahit anong gawin ko, wala pa ring pagbabago sa sitwasyon namin. She still hates me. Kagabi ay galing ako sa kanila, pagkatapo ko sa kompanya ay umuwi ako sa kanya, hindi pa man ako nakakalapit ay sinigawan na niya ako na lumayas daw ako sa harapan niya dahil kapag nakikita niya ako naaalala niya ang pinakalamaking pagkakamali sa buhay niya. Ang sakit noon para sa akin, one time, sinabi niya nang harapan na pagkakamali ang minahal niya ako, gusto kong mamatay sa harapan niya noon.

I had never felt this to any woman before, kahit pa kay Olivia. Si Apollo na talag ang greatest love ko, pero mukhang ayaw na talaga niya sa akin.

"Sir!"

"Sheena pwede bang tumahimik ka! Ang ingay-ingay mo!" Sigaw ko sa kanya. She just made a face. Nakakinis talaga ang babaeng ito kahit kailan. Kahit anong sindak ko sa kanya hindi siya natatakot. Siguro dahil iyon sa katotohanan na mula pagkabata ay nandito na siya sa mansion, alam na niya ang ugali ko.

"Sir, sabi ni Lola Adel, magbihis na daw kayo, may board meeting kayo ngayon."

"Ayokong pumunta, maiinip ako doon." Sabi ko sa kanya.

"Sir, kung ayaw ninyong pumunta sana hindi na lang kayo nagtrabaho." Sabi niya sa akin. Tiningnan ko siya. "Just saying, anyways sir, nakita ko na ang mga pinapahanap ninyo. At mali ang hinala ninyo, hindi nakikipag-date si Apollo kay Gene Sanders, however, inaaligidan siya ng isang doctor sa bagong ospital na pinagtatrabahuhan niya."

Bigla akong tumayo at inabot ang mga papeles na hawak ni Sheena.

"Wow sir, sana nagpaalam ka. Uso iyon."

"Heh!" Sabi ko sa kanya.

"Babae ako, kaya She." Bulong niya. I looked at the papers, pictures iyon ni Apollo habang nasa ospital siya. I sighed, ang ganda ng Apollo ko, she's driving me crazy, I missed her so much, alam kong hindi ganoon kadali para sa kanya ang patawarin ako pero gab-gabi kong hinihiling na sana mapatawad niya na ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa mga darating pang araw na wala siya sa akin.

"Saan siya nagtatrabaho?" Tanong ko kay Sheena.

"Sa Varres Medical City." Sabi niya sa akin. "It's a private hospital owned by the late Elizalde Varres, pero ngayon, si Doctor Edward Varres na ang namamahala doon." Pagbibigay alam niya sa akin. Tiningnan ko siya.

"Tumawag ka sa ospital na iyon." Sabi ko.

"Bakit sir? Nasisiraan ka na ng bait? Ay ibig kong sabihin pala para saan ang tawag?" I made a face. Kahit kailan talaga yata ay hindi ko matatakot si Sheena.

"Bibili ako ng shares sa ospital na iyon para mapatalsik sa trabaho iyang doktor na umaaligid sa Apollo ko." Sabi ko kay Sheena. Tinalikuran ko siya at saka lumabas ako ng silid ko. Alam kong nasunod siya sa akin. Umakyat ako sa third floor para puntahan si Lola, pumasok ako sa silid niya at nakita ko na nag-uusap sila ni Sancho.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon