Infatuation.09

123K 3.6K 240
                                    

"Nanay, ano bang tinira ninyo at naisip ninyo pong isama iyang si Lukas?!"

Hindi ko mapigilan ang magtanong. Nakasakay na kami sa Grand Dia. Si Jacinto ang nagmamaneho, katabi niya si Alexis, si Lukas naman nasa likuran namin ni Nanay. Gusto pa sana ni Nanay na ako ang katabi ni Lukas pero hindi ako pumayag. Alam ni Hudas kung anong pwedeng gawin ng Poncio Pilato na iyon sa akin kung kaming dalawa lang sa likod.

Hinampas ako ni Nanay sa hita.

"Gumamit ka pa ng PO at OPO pero ganyan mo naman ako kausapin!" Pinanlakihan niya ako ng mga mata. Napakamot na lang ako ng ulo.

"Nay, naman! Ang sensitive ninyo ngayon!" Sigaw ko. Piningot ako ni Nanay. "Aray naman!" Sigaw ko. Napatingin sa amin si Alexis at alam kong kanina pa nakatingin sa akin si Lukas na nasa likod lang naming.

"Doon ka maupo sa likod!" Sigaw ni Nanay.

"Ay ayoko! Manyak si Lukas, Nay! Ipingakakanulo ninyo ako sa manyak!" Sigaw ko. Wala na akong pakialam kung naririnig niya ang mga sinasabi ko. Totoo naman kasi iyon.Kinurot ako ni Nanay sa singit.

"Lilipat ka doon o itutulak kita palabas ng van?!" Napapalatak ako. Naging dragon na naman ang Nanay ko. Wala akong nagawa kundi ang lumipat sa tabi ni Lukas. Nakakainis. Nang maupo ako sa tabi niya ay nginisihan niya ako.

"Welcome, babe." Sabi niya sa akin. Inambaan ko siya ng suntok.

"Huwag mo kong hahawakan, kundi susuntukin kita!" Inilagay ko sa gitna naming ang unan ko at saka tumingin sa kabilang side. Ayokong tingnan si Lukas, naga-gwapuhan ako sa kanya masyado. Ang fresh-fresh niyang tingnan.

I sighed. Nilibang ko na lang ang sarili ko sa mga tanawin sa labas ng bintana. Busy ako sa pagtingin nang bigla kong maramdaman ang kamay niya sa kamay ko. Nagtatakang tumingin ako sa kanya. He was smiling.

"Just wanna hold you like this." Sabi niya. Napalunok ako. Why was he doing this thing to me? Inaakit niya ba ako o sadyang nagpapacharming lang siya. Hindi ko alam kung alin sa dalawa pero gusto ko. Gusto ko ang pakiramdam ng kamay ni Lukas sa kamay ko. It's so warm and cozy – it feels like home. I sighed again. I moved closer to him – sobrang lapit na naaamoy ko na siya. Ang bango niya – he smells like musk and wood, parang forest. When I smell him, napapaisip ako ng nature. Iyon ang dating ni Lukas sa akin, Maberde, parang siya lang. I took a deep breath. He was playing with my fingers and I let him, minsan masarap din pala sa pakiramdam ang maging malapit sa kanya na wala kaming ibang ginagawa.

"Na-miss mo ba ako?" Bulong niya sa akin. Napatingin lang ako sa kanya at saka ngumiti. "Kasi ako na-miss kita, kaya nga ako nandito."

My heart leaped. Hindi ko alam na nararamdaman niya iyon para sa akin. Noong buhay si Tatay, madalas niyang sabihin na kapag na-miss mo ang isang tao ay may halaga siya sa'yo, napaisip ako ngayon kung ganoon din kaya si Lukas sa akin. Hindi ako sumagot, sumandal ako sa kanya at saka ngumiti lang.

"Ang cheesy mo." Humagikgik ako. Lukas put his arms around me and kissed my temple. He was so gentle, and I like this version of him.

Sana, ganito na lang siya palagi.

---------------------------------------------------

I was silently eyeing Apollo and her family at hindi ko maintindihan ang sarili ko, bakit parang natutuwa ako sa kanila? I can see how close Apollo was to her mom and her sister. Palagi nga siyang nakayakap sa Nanay niya, kundi man ay palagi niya itong katabi. They were always laughing with each other, sa madaling salita, happy family sila at marahil iyon ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng inggit.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon