Infatuation.14

133K 3.8K 329
                                    

 I was standing right outside Sancho's bedroom. He was sitting on the floor playing with that toy car dad gave him when he was eight. I know that toy car, Dad gave us both that same toy car. Hindi ko na alam kung nasaan iyong sa akin, mas masinop si Sancho sa lahat ng gamit. Kung sabagay, mas naman siya sa akin sa lahat ng bagay. I took a deep breath. Hindi ko inaasahan na makikita ko pa siya, I mean – I just thought that he;s dead already. Nang gabing iyon – hindi ko na siya nakita – and when the NBI declared that he's gone, naniwala ako – ang buong akala ko kasi...

I sighed again. Masaya ang lahat ng tao sa mansyon dahil nandito na ulit si Sancho, nakita ko kay Lola ang sayang matagal kong hindi nakita sa kanya at napakasakit sa akin noon. I was with her all along pero kahit minsan ay hindi ko siya nakitang ngumiti sa akin ng ganoon habang kay Sancho – I sighed again.

"Sir..." Naulinigan ko si Jane. Agad ko siyang nilingon, nakatayo siya sa gitna ng hallway at saka nakatingin sa akin. Mukhang si Jane lang ang nakakintindi ng nararamdaman ko. She knew how I hated my brother for taking everything away from me and right now, I knew that she could understand how I feel. Lumapit siya sa akin at tulad ko ay sinilip niya rin si Sancho. He was buys playing with his toys.

"Trauma daw ang dahilan kung bakit siya nagkaganyan." I told Jane. I sighed. Hindi ko masikmurang tignan si Sancho. I am not used to him acting like that. Sancho was a very powerful man, he had a strength that no one thought he had, pero sa ngayon, sa nakikita ko, he was so, vulnerable.

"Sir, sa tingin ninyo, babalik pa siya sa dati?" Jane asked. I shook my head.

"Hindi ko alam at wala akong pakialam." Sabi ko sa kanya. I felt Jane's hand on my arm, pinisil niya ang braso ko.

"Si Apollo, that girl had everything planned, Sir. Sigurado ako na nalaman niya ang tungkol kay Sancho kaya hinanap niya ito, ginawa niya iyon para lalo niyang mapaikot si Doña Adelina."

I gave her the death glare. Natahimik naman siya. Inalis ni Jane ang kamay niya sa braso ko, tinalikuran ko siya at saka pumasok sa kwarto ni Sancho. I sat on his bed still looking at him. Marahil ay nadama niya ang presensya ko, he looked up at me tapos ay ngumiti. May kung anong bumikig sa lalamunan ko.

My brother is alive. Parang ngayon lang nag-sink in sa akin ang katotohanang iyon. I took a deep breath.

"Hey, you wanna play with me, Kuya?" I asked him. Umupo ako sa tapat niya. Sancho and I were never close. I had always seen him as my competition. Kakumpetensya sa atensyon ni Dad, kakumpertansya kay Lola, kay Mom at sa lahat ng bagay na meron ako. I grew up always being compared to him, mas magaling siya sa akin sa lahat ng bagay at iyon ang dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi ako kahit kailan naging malapit sa kanya. Mas malapit ako kay Adelaide, she was my baby, I would do everything for her but even I lost her. Pakiramdam ko lahat ng minamahal ko nawawala sa akin –si Mom, nawala siya sa akin – although hindi siya namantay, hindi ko naman siya nakakasama because of her mental condition. I sighed.

"Kuya... Kuya... Kuya..." Paulit-ulit na sabi ni Sancho habang nakatingin sa akin.

"Ako, ikaw kuya ikaw." Sabi ulit niya tinuturo niya ako. I guess he was telling me that I am his Kuya. I smiled.

"No, you are my Kuya, you're three years older than me. You're my kuya."

"Kuya, ikaw, kuya." He kept on saying, sa huli hinayaan ko na lang siya. Wala sa tama ang katinuan niya. I just sat there and looked at him. Naglalaro lang naman siya, pero maya-maya ay bigla na lang siyang tumigil at tumayo.

"Sancho, where are you going?" I asked him. Mabilis akong tumayo at saka sumunod sa kanya. Tiningnan ko si Sancho. He was wearing a light brown khaki shorts and a plain white shirt, pero kahit ganoon ay kitang-kita ang mga pilat sa katawan niya. Marami siyang peklat, sa likod ng binti ay marami siyang gasgas. Napangiwi ako. Whatever happened to him must be so awful.

Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon