Prologue

258K 5.8K 991
                                    

Infatuation (Book one of Consunji Series)

A novel written by: xxakanexx

Published under Bookware: Pink and Purple


"Bye, Apollo!"

Ngumiti ako sa mga kasama ko sa duty at saka kumaway. Ang sabi nila sa akin kanina, magpupunta pa daw sila sa isang videoke bar, gusto ko sanang sumama pero iniisip ko si Nanay na walang kasama sa bahay kaya naisip kong umuwi na lang. Naglakad ako papunta sa may paradahan ng jeep. Nang tingnan ko ang oras ay nakita kong mag-a-alas onse na pala ng gabi. Gising pa kaya si Nanay? Siguro ay hindi na, kahit kailan naman ay hindi ako hinintay noon kapag gabi na natatapos ang duty ko.


I sighed. Isa akong nurse sa isang mental institute sa Makati. Anim na taon na akong nagtatrabaho doon at palaging sinasabi ng kapatid ko nab aka daw kaya ako topakin ay nahawa na ako sa mga pasyente namin, alam kong hindi naman totoo iyon. Hindi naman ako baliw, makulos lang talaga ako.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang malapit na ako sa sakayan ng jeep ay napansin ko ang isang matandang babaeng gusgusin na nakaupo sa side walk. Sira-sira ang damit nito, madungis ang balat, may kipkip na baston at nakalahad ang kamay. Nakadama ako ng awa sa kanya.


"Lola... okay ka diyan?" Tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Napangiwi ako, pati mukha niya ay madusing tingnan. Itinaas niya ang kanyang kamay at saka itinapat iyon sa kanyang bibig. Ibinuka niya ang bibig at umaktong sumusubo.

"Kain..." Sabi niya sa akin. Napakamot ako ng ulo. Binuksan ko ang bag ko at saka kinuha ang wallet ko, naisip kong bigyan siya ng pera pero naisip ko rin paano kung gamitin niya ang ibibigay ko sa sugal?

"Lola, tara, ibibili kita ng pagkain."

"Jollibee..." Bulong pa nito. Tumaas ang kilay ko.

"Wow! Rich kid ang peg Lola? Choosy ka pa!" Yumuko ako para alalayan siya. Inakay ko siya. Nakakapgtaka lang dahil kahit madusing siya ay wala siyang masangsang na amoy. Inakay ko si Lola hanggang sa pinakamalapit na karinderya.

"Ate, apat na kanin, isang giniling, isang isaw, dalawang galunggong saka dalawang coke. Now na ha!" Inupo ko si Lola sa silya at saka muli siyang tiningnan. Umupo na rin ako.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya. Sanay na akong makakita ng mga kasing edaran ni Lola na namamalimos sa daan. Ang ilan sa kanila ay walang pamilya, iniwan ng anak o kaya man ay inabandona na parang alagang pusa.

"Lukring." Mahinang wika nito.

"Nasaan ang pamilya mo?" Tanong ko muli. Inilagay nito ang isang daliri sa leeg nito at saka gumawa ng "tsk" na sound. Agad ko naman na-gets.

"Patay na? Wala kang anak?" Tanong niya muli.

"Patay na."

"Apo?"

"Luko-luko ang apo." Sabi pa niya sa akin.

"Ilan ang apo mo?" Muling tanong ko. Tsismosa kasi talaga ako.

"Isa. Luko, mahilig sa inom."

"Ah, dapat diyan pinapatay." Komento ko. Nahuli kong ngumiti si Lola sakto naman at dumating ang order namin. Pinanood ko siyang kumain. Kahit paano ay magaan ang pakiramdam ko na nakakatuloung ako sa kanya. Hindi naman kasi madalas na nagagawa ko ito, iyong iba kasi, gusto ko man tulungan, parang nanloloko lang naman sila. Pero sa matandang ito, parang ayos naman siya. She looked harmless and innocent.

"Kain lang, Lola." Sabi ko sa kanya. "Pagkatapos natin, ihahatid kita pauwi." Wika ko sa kanya. Makalipas ang ilang sandal ay naubos na ni Lola ang pagkain niya, ako rin, busog na busog ako. Nagbayad lang ako sa babae at umalis na kami.

"Saan ka nakatira?" Tanong ko sa kanya. Umiling siya.

"Bangketa." Sagot niya sa akin.

"Ganoon? Wala kang bahay?" Umiling ito. Napakamot ako ng ulo. Saglit ko siyang tinitigan. Naaawa ako sa kanya. Sira-sira na ang damit niya, gabi pa naman at malamig. Napabuntong hininga ako.

"Sige, iuuwi kita sa bahay ko, pero bukas na bukas, dadalhin kita sa home for the aged. Huwag kang tatakas doon." Sabi ko sa kanya. Pumara ako ng taxi. Pinauna ko siyang sumakay, tapos sumunod ako. Sa buong biyahe ay nakatingin lang sa akin si Lola, ngiting-ngiti, parang tuwang-tuwa siya. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi matutuwa? May matutuluyan siya ngayong gabi. I sighed.

Isa lang naman ang inisip ko. Ano kayang magiging reaksyon ni Nanay kapag nakita niyang nag-uwi ako ng isang pulubi. Muli kong tiningnan ang matanda sa aking tabi.

"Mag-a-Anabelle Rama na naman si ina." Napailing na lang ako. Makalipas ang ilang minute ay huminto na ang taxi sa harap ng bahay naming. Nagbayad ako, napamahal pa nga. Inalalayan kong bumaba si Lola at saka pumasok na kami sa bahay. Tulad ng inaasahan ko tulog na nga si Nanay. Inilapag ko lang ang gamit ko at saka binalingan si Lola.

"Tara, papaliguan kita. Nakakahiya naman sa flawless skin ko iyang germs mo." Inalalayan ko muli siya papasok sa banyo. Pinaupo ko siya sa bowl at saka sinimulang paliguan.

Hindi naman ako nangimi. Parte ng trabaho ko ang paliguan ang mga pasyente sa mental institute kapag kulang kami sa aid, at infairness kay Lola, habang natatanggal ang itim-itim niya sa mukha at sa katawan, nakikita kong maputi siya, pantay ang kulay nito. Nang matapos ko siyang paliguan ay ipinasuot ko muna sa kanya ang lumang duster ni Nanay, sinuklayan ko siya ng buhok at nang tingnan ko siya. Napanganga ako.

"Lola, ang ganda mo!" At hindi ako nagbibiro. Humagikgik siya sa akin.

"Tulog?" Sabi niya sa akin.

"Dito kayo sa sala, huwag kayong maingay ha. Baka magising ang dragon este ang nanay ko." Nginitian ko siya, naisip kong ikuha siya ng kumot para hindi naman siya masyadong malamigan pero noong bumalik ako, nakita ko siyang nakatayo sa harapan ng family picture namin.

"Hoy, ano iyan?" Tanong ko sa kanya. Binalingan niya ako. Hawak na niya ang litrato naming pamilya. Itunuro niya ang mukha ni Alexis - ang Ate ko. "Ate ko iyan, hindi na siya dito nakatira dahil... ewan ko doon.

Magulo ang buhay noon at the moment." Itinuro naman niya ang mukha ni Tatay. "Namatay si tatay noong eleven years old ako. Sayang nga, kasi di niya na kami nakita ni Alexis na lumaki. Si Nanay naman, nandyan, tulog na, I'm sure nakanganga na iyon."

Humagikgik si Lola. Hindi ko alam kung anong meron kay Lola at parang magaan ang loob ko sa kanya. Inaya ko na siyang matulog pero bago siya tuluyang nahiga ay muli siyang nakipakwentuhan sa akin. Kahit ako lang ang nagsasalita ay nararamdaman kong nakikinig siya sa akin.

Sa huli, nakita ko na lang na tulog na tulog na siya. I sighed. Hinaplos ko ang hapis na mukha ni Lola. Naawa talaga ako sa kanya, wala na siyang pamilya. Sana talaga, bumuti ang buhay sa oras na dalhin ko siya sa home for the aged.


Infatuation (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon