Thirteen: Stone Friendship

41 1 0
                                    

CHAPTER 13

Please read! :))) Thanks!

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

 *****

(Erika's POV)

“Room 17 ba? Ok sige. Sunod nalang kami. Bye.” Binaba ko na yung phone ko at inayos na yung bag ko.

Pupunta kami ng ospital ni Carla ngayon. Tinakbo sa ospital si Anya kahapon dahil sa nangyari. Nandun na sila Rica at Mich pati narin yung dalawang mag-pinsan. Umalis agad si Ardie as soon as nalaman nya na ok na si Anya at until now, hindi parin sya bumabalik.

“Brawh bilisan mo na!” sigaw ko kay Carla sa taas.

“Eto na..”

“Psh. Wala naman si Ardie dun kaya wag ka na masyadong... Aray!” batukan daw ba ‘ko?

“Ituloy mo.. Diba may sinasabi ka pa? Dibaaaaaaaa?” pang-aasar nya pa.

“Nakuuuuuuuuuuuu! Pektusan kita dyan e.” Sabi ko habang nakataas na yung kamay ko.

“Gawa dali.. Gawa.”

“Naku itigil nyo na yan. Eto oh, bumili ako ng mga prutas para madala nyo kay Anya. Kawawa naman yung batang yun.” Awat samin ni Mama.

“Alis na po kami. Babye!” paalam naming ni Anya.

** Sa Ospital**

“Anyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” cheerful na sabi ni Carla.

“Hello! Kamusta?”

“Kamusta ka dyan. Ikaw ang kamusta?”

“Ok naman ako eh. Ewan ko ba, ba’t nandito nanaman ako.” Sabi ni Anya tapos nag-pout sya. Cute! >.<

“Di mo alam? Dahil sakin kaya nandito ka.. Kaya sorry. Eto oh, para sayo” Singit ko sa usapan nila sabay abot nung pinadala ni mama na mga prutas.

“Ano ka ba Erika, wala kang kasalanan noh! Sagot ni Vincent.

“Oo nga.. Wag mo nga sisihin sarili mo. Kasalanan nila yan! Yang mga yan!” turo naman ni Anya kay Vincent at Jonathan.

Nagtawanan naman kaming lahat at nagulat kami nung biglang may kumatok.

“Pasok..” sabi ni Anya.

Bumungad samin si Ardie at tulad kahapon, kasama nya ulit si Esther.

Walang nakapagsalita samin kahit isa.

“Wag kayo mag-alala, hindi ako manggugulo.” Sabi ni Ardie

“Ah sige labas muna kami Anya aa.” Sabi ni Mich tapos hinila nya na kaming lahat palabas ng kwarto. Hindi ko napansin kanina pa pala nakalabas si Carla. Halatang iniiwasan nya parin si Ardie.

“Pano kung paiyakin nun ni Ardie si Anya? Alam nyo minsan hindi ko rin maintindihan takbo ng utak nyang lalaking yan e.” Angil ni Vincent.

“Relax lang insan. Alam kong hindi gagawin ni Ardie yun.” Sabi naman ni Jonathan.

“Tama. Alam kong hindi ganun si Ardie.” Pagsang-ayon naman ni Carla.

“Naku ha.. Ewan ko nalang ngayon. Matapos ng mga nangyari? Psh. Parang hindi na sya yung Ardie na kilala ko.” Umiiling na sabi ni Vincent.

“Alam nyo, hindi naman natin sya masisisi eh. May kasalanan din tayo. Aminin natin ‘yon. And the fact na pinsan nya kayo, mas lalong masakit sa part nya yun.” Seryosong sabi ni Anthony.

“Baka naman kaya nagkakaganyan ka Ardie kasi kasama nya si Esther..” asar ni Rica.

“Hah! Di aa! A-S-A!” puno ng determinasyong sagot ni Vincent. (Nuxx puno ng determinasyon e no? Haha!)

“Kunwari hindi ako kinikilig.” Asar din ni Mich at nag-apir sila ni Rica.

“Guys, hindi ‘to yung oras para magbiruan tayo.. Sorry nga pala aa. Kung di dahil sakin, hindi mangyayari ‘to. Sorry talaga.” Malungkot na sabi ni Carla.

“Psh. Pinagsasasabi mo dyan? Desisyon nating lahat ‘yon. Hindi lang ikaw kaya wag kang magdrama dyan babae..” sabi ni Rica.

“Tama si Rica. Ano bang usapan natin? Diba All for One, One for All? Kaya wag na tayong magsisihan. Ok?” sabi ni Vincent at nag-tanguan naman kaming lahat.

“Wag kayong mag-alala. Pagsubok lang ‘to sa pagkakaibigan natin kaya walang susuko ha?” dagdag pa nya.

“Wala talagang susuko. Lalo na kayo ni Carla. Hahaha! Ikaw kay Esther, sya kay Ardie. Hahahahahaha!” sabi ni Anthony.

“Tatawa na ba ko Anthony?” sarcastic na sabi ni Carla.

“Kaw naman.. Hindi ka na mabiro Ang seryoso kasi natin eh. Hindi ako sanay.”

“Hindi lahat ng bagay biro. May mga bagay na siniseryoso Anthony. Tandaan mo yan.” Sabi ni Rica tapos nagwalk out sya.

May pinaghuhugutan si Rica. Haha. Maasar nga ‘tong si Anthony.

“Tsk tsk. Yan kase.. Akala mo siguro nakalimutan nya na yung ginawa mo sakanya nung sa park nun no? Lagot ka..” asar ko sakanya. Hahaha.

“Lagoooooooooot!” asar din ng lahat sakanya.

“Tsk tsk. Yari ka tsong. Habulin mo ‘yon.” Natatawang sabi ni Vincent.

Tumakbo naman si Anthony at naiwan kaming nagtatawanan. Maya-maya pa, nakaramdam ako ng uhaw.

“Punta lang ako canteen aa!” paalam ko sa kanila.

“Samahan na kita..” sabi ni Jonathan.

“Wag na.. Mang-aasar ka lang e.”

“Hindi. Promise.” Naka-smile nyang sabi.

Habang naglalakad kami, may nahagip yung mata kong batang babae. Familiar sya. Napahinto ako tapos lumapit ako sakanya. Nakasimangot sya habang naka-upo sa part na may waiting area chorva, sorry di ko alam eh. Hehe. ^_^v

Napatingin sya sakin tapos ngumiti sya sabay sigaw na..

“KUYA!”

Kelan pa ako nagging lalaki?

#WaitForTheNextChapter        

XXXXXXX      

A/N:   Thanks for reading ^o^               

Keep supporting.

God bless :)))

----superJEMI <3  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Simply, It's Not The End (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon