Nine: Classmates?

126 13 1
                                    

Dedicated sakanya kasi ngayon ko lang nabasa yung comment nya. Dapat yung Chapter 7 yung idededicate ko eh. Kaso nga, yun nga, hindi ko nabasa yun bago ako mag-UD ng chapter 7. Ngayon ko lang nabasa kaya etong chapter na 'to ang para sayo. Hahaha!

Kinasaya ko ang nag-iisa mong comment. As in! HAHAHA! Salamat! ^_____^

CHAPTER 9

Please read! :))) Thanks!

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

 *****

(Erika's POV)

Nalulungkot ako kasi hindi nakapunta si mommy dito sa bahay. Sabi nya kasi nung nagka-chat kami, dadalaw daw sya. Hayyss.. I miss her badly. >.<

Pero hindi naman masyadong malungkot kasi nandito ang 2nd family at friends ko. Hehe.

Ang bilis ng panahon..

Matatapos na yung bakasyon.

1 week nalang, pasukan na. Sobrang excited na kami ni Carla sa mangyayari. Sa buhay college na sisimulan namin.

At ngayon, nandito kami sa school para kumuha kami ng registration card at para narin sa interview namin. Actually late na nga kami eh. Dapat kasi last week pa yung schedule namin pero inuna namin yung outing namin sa batangas kaya ngayon lang kami. Ang babait namin no?

Ako, si Carla, Vincent at Jonathan ang nandito ngayon.. Si Anthony at Michelle sumama rin, wala naman kasi silang ginagawa. O diba? Ganyan na kami ka-stick sa isa't-isa. Hahaha.

Pero wala parin si Ardie.. Sa mahigit 2 buwan na bakasyon, isang linggo ko lang sya nakasama.. Ano na kaya nangyare dun? Sabi kasi ni Vincent umalis daw ng hindi nila alam nung gabing nalaman na nito yung totoo.. Basta pagkagising daw nila, wala na yung mga damit nya sa closet sa kwarto nila.

Si Rica naman, ewan ko ba dun. Sabi nya 3 days lang daw sya pero mukhang nasarapan ata sa pagbabakasyon sa bulacan kasama family nya.

Ang init grabe! Nakalimutan kong magdala ng pamaypay. Yung pawis ko walang tigil sa pagtulo. Eeeewww.. Pag-uwi, maliligo agad ako.

"Erika, tubig o'.." sabay abot sakin ni Jonathan ng mineral water na malamig pa. Aba himala, hindi sya nang-aasar. Malamang may hidden agenda 'to.. Hahaha!

"Salamat."

"Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeee!" sabay-sabay na kantyaw nila samin.

"Psh.." mahinang sabi niya tapos may inabot sya sakin.

Pagtingin ko, pamaypay pala. Whew! Salamat naman. Grabe yung init eh.

"Ay salamat ulet!" nakangiting sabi ko. Natuwa ako eh. ^___^

"Yiiiiiiiiiiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeee!" sabay-sabay ulit na kantyaw nila samin.

"Oy Than! Hindi lang si Erika naiinitan at nauuhaw no! Kaibigan mo rin naman kami aa! Unfair! Unfair!" asar ni Carla.

"Pati ako, pinsan ako.. Don't you think dapat nagpapalakas ka sakin? Hahaha!" dagdag pa nya at nagtawanan na kaming lahat.

Nagtataka ba kayo kung bakit bati na kami ni Jonathan? Gan'to kasi yun eh..

**Flashback**

Galing kami ni Carla sa mall nun, nagpalamig lang.. Nung pauwi na kami, nauna na si Carla dahil tumakbo na sya kasi naiihi na daw sya. Nung nasa kanto na ako ng compound namin, at papasok na.. May asong sumalubong sakin. Takot ako sa aso and I don't know why. Yung iba kasi diba may mga reason kung bakit. For example, yung iba nakagat na kaya takot sila. Mga ganun. Eh ako, ewan ko. Kaartehan ko lang siguro. -_-

Simply, It's Not The End (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon