Twelve: Wait.. He's with?

35 0 0
                                    

CHAPTER 12

Please read! :))) Thanks!

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

 *****

(Erika's POV)

Lahat kami parang naka-glue na yung paa sa kinatatayuan namin.

Nagulat ako sa itsura ni Ardie ngayon. Umitim na sya. Siguro naka-inom sya kaya medyo mapula yung mga mata nya.. At higit sa lahat, pumayat sya. Grabe. Ang laki ng pinayat nya. Parang isang pitik ko lang ata sakanya eh tatalsik na sya.

Pero ang mas kinagulat naming lahat eh ang kasama nyang babae.

Hindi ako pwedeng magkamali. Tama ako. Tama. Sya yun. Kahit sa picture ko lang sya nakita, sigurado akong sya yung babaeng yun.

Sya yung Ex-girlfriend ni Vincent na hanggang ngayon eh mahal na mahal nya parin.

“Es.. ther..” mahinang sabi ni Jonathan. And with that, confirm ko na na sya nga yun. Esther ang name nya.

“Oh ma friends! Musta? Musta mga traydor kong pinsan?” sigaw ni Ardie samin.

“Pumasok kayo sa loob. Wag kayong mag-iskandalo dito sa labas. Kayo-kayo na nga lang magpipinsan, kayo-kayo pa nagaaway-away. Ayusin nyo yan.” Sabi ng mama ni Vincent at umalis na.

Naunang pumasok sa loob sila Ardie at sumunod na kami. Kitang-kita ko ang napaka-bagal na paglalakad ni Carla na para bang nagdadalawang-isip sya kung papasok ba sya sa loob o hindi.

Pagpasok namin sa loob, nagkanya-kanyang upo na ang bawat isa sa sala. Nandun din si Anya at nakayuko. Nasa part sya ng hagdan at sakanya ako lumapit. Nginitian ko sya at nginitian nya rin ako pero halatang pilit lang.

“Natatakot ako..” mahinang sabi nya.

“Wag ka mag-alala.. Maaayos rin nila yan.” Sabi ko sakanya at hinawakan ko uyng likod nya. Mukha kasing naiiyak sya. Grabe. Ganito nab a ka-serious yung sitwasyon? Hayyyy..

“Hindi mo naiintindihan Erika.. Hindi man pareho ng dahilan, pero ganito yun. Ganitong-ganito yung eksena na nangyari dati pa. Isa yun sa mga pangyayaring ayaw ko ng balika pa. At isa yun sa mga pangyayaring kinatatakutan kong maulit pa.” Mahabang sabi nya.

Naguguluhan man ako sa sinasabi nya, inalo ko nalang sya. Sa ngayon kasi, tahimik parin ang lahat. Walang gustong magsalita at ramdam na ramdam ko ang tension sa pagitan nila.

Tinignan ko si Esther, diretso ang tingin nya. Wala akong makitang emosyon sa mukha nya. Pero ang mata nya.. Kitang-kita ko na may lungkot. Bakit kaya?

Nakita kong may binulong sa kanya si Esther tapos umalis na sya.                    

“Nahihirapan ako sa nakikita ko. Ayaw na ayaw kong nagaaway-away yang tatlong yan. Ang sakit-sakit sakin.” Malungkot na sabi ulit ni Anya.

“Gusto mo akyat muna tayo sa taas? Sasamahan muna kita..”

Tumango naman sya at nung hahakbang na sana kami, biglang nagsalita si Ardie.

“Dito lang kayo Anya..”

“Sumama ang pakiramdam ko. Gusto ko munang magpahinga.” Diretsong sagot ni Anya.

“Baket? Ayaw mong marinig yung kalokohang ginawa sakin ng dalawa mo pang minamahal na pinsan?” nag-smirk sya pagtapos nyang sabihin yun.

“Tigilan mo si Anya. Kami ang kausapin mo.” Sabi ni Jonathan.

“T*ng*na Jonathan! Alam ko na yung naramdaman mo dati. Ganito pala. Ganito pala kasakit! T*ng*inaaaaaaaaaaaaaaaaaa!” Sigaw ni Ardie. Galit na galit sya.

“Ano?! Magsalita kayo! Ano pang mga kasinungalingan pa ang sasabihin nyo sakin?! Dali! Sabihin nyo.. Maniniwala ako..”

“Ano Carla? Masaya? Masaya ba? Tuwang-tuwa ka siguro no? Congrats.. Masaya ako para sayo. Masaya ako na naging masaya ka sa ginawa mo.” dagdag pa nya.

“Tama na Ardie.. Saka na tayo mag-usap pag hindi ka na lasing.”

“P*ta sino lasing?! Ako?! T*ng*na jan kayo magaling eh!” napatingin sya sakin at nagsalita ulet. “..Erika.. Alam mo bang..”

Hindi nya na natuloy yung sasabihin nya dahil sinuntok na sya ni Jonathan.

Ang gulo-gulo na nila. Si Anya umiiyak na. Ganun din si Carla. Hindi ko alam kung sino sa kanila ang i-cocomfort ko.

“Erika, iakyat mo muna si Anya.” Sabi ni Vincent.

Tumingin ako kay Carla at tumango lang sya sakin habang lumuluha. Yakap-yakap sya ni Rica at Mich.

Agad ko namang inakyat si Anya at pinatahan sa pag-iyak dahil nahihirapan na syang huminga gawa ng pag-iyak nya.

“Anya tahan na.. Makakasama sayo ang pag-iyak mo.”

“Erika.. Tubig.. Pahinging tubig.”

“Sige wait lang.. Hintayin mo ko aa!”

Tumakbo ako pababa at dumiretso agad sa kusina. Hindi ko na sila pinansin dahil inaalala ko si Anya. Namumutla na sya kaya kailangan ko ng magmadali.

“Tubig?” tanong ni Vincent.

“Oo. Para kay Anya. Namumutla na kasi sya kakaiyak..” sabi ko habang mabilis na naglalakad.

Pagkasabi ko nun, agad na nagtakbuhan paakyat yung tatlong magpipinsan.

“P*ta si Anya! Dali Tol!” sigaw ni Vincent.

“Erika akin na yung tubig..” mabilis pa sa kidlat na inagaw sakin ni Ardie yung tubig at tumakbo na paakyat.

Dahil sa inasal nila, kinabahan na ko. Naalala kong may sakit nga pala si Anya.

What have we done?

#WaitForTheNextChapter        

XXXXXXX      

A/N:   Thanks for reading ^o^               

Keep supporting.

Godbless :)))

----superJEMI <3  

Simply, It's Not The End (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon