Eight: Galet?

139 14 0
                                    

CHAPTER 8

Please read! :))) Thanks!

ü  Vote if you liked.

ü  Comment if you want.

 *****

(Erika's POV)

Dalawang linggo na rin akong nagbabakasyon dito.. At sa dalawang linggo na yun, ang saya-saya ko. Nandyan yung family nila Carla.. Sila mama at papa. Lalo na yung new friends ko. Maliban kay Ardie kasi 2 weeks narin namin syang hindi nakakasama. Basta masaya ako. Idagdag mo pa yung Xbox 360 na hiningi ko kay mama na natanggap ko na nung isang araw. Yesss!

Dalawang linggo. Dalawang linggo na kaming puro gala at kulitan.

Tulad ngayon, nandito kami ngayon sa plaza malapit sa lugar namin. Naglalaro ng kung ano-ano.

At sa dalawang linggong yun, walang tigil yung pangungulit sakin ni Jonathan. Grabe. Hindi ko na alam gagawin ko sakanya. Asar na asar ako sakanya. Ang sarap nyang ingudngod sa imburnal.

Nagtataka ba kayo kung bakit ako inis na inis? Ganito kasi yun..

**Flashback**

Nakatambay ako sa tapat ng bahay. Nag-gigitara. Wala si Carla nun kasi may binili sya sa mercury drug.

"Erika!" si Vincent at Jonathan.

Hindi ako sumagot at tinignan ko lang sila na nagtatanong yung expression ng mukha ko.

"Si Carla?" ang serious ni Jonathan nung tinanong nya yun. Ang sama parin makatingin.

Nagtaka ako kasi biglang natawa ng konti si Vincent pagkatanong ni Jonathan nun.

"Nasa Mercury. May bibilhin daw." sagot ko habang nakayuko. Ayoko syang tignan. Nakakatakot sya. "..Ano nakakatawa?" baling ko naman kay Vincent.

Tumigil sya bigla sa pagtawa tapos sumeryoso mukha nya at nagsalita..

"Wala. To kasing si Jonathan e!" tapos binatukan nya si Jonathan.

Nakaupo na sila sa tabi ko. Makiki-jamming ata sakin. Hehe.

"Wait lang Tan at Erika aa! May kukunin lang akong kopya ng chords sa bahay. Tugtugin mo Erika aa!" tapos tumakbo na sya. Ano ba yan. Iniwan pa kami dito.

Hindi kami nag-usap ni Jonathan the whole time na kami lang kaya tumugtog nalang ako ng tumugtog habang kumakanta.

"Ano ba yan. Ayusin mo nga boses mo. Ang ganda-ganda ng kanta binababoy mo." nagulat ako kasi bigla syang nagsalita.

"Excuse me?" taas-kilay kong sagot.

"Oh daan na.." natatawang sagot nya.

Langya! Bastos na, pilosopo pa tong unggoy na to aa!

"Ewan ko sayo." sabay irap ko sakanya.

Tinawanan nya lang ako. Ano nakakatawa dun?

Maya-maya nagsalita pa ulet sya.

"Erika, malinis kamay mo?"

"Oo naman. Baket?"

"Kamutin mo puwet ko."

Medyo nanlaki mata ko pagkasabi nya nun. Yuck! Aba talagang walang ibang magawa to kundi mang-asar.

Simply, It's Not The End (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon