Chapter 14

17.1K 317 23
                                    

CHAPTER 14

I need to settle things between Autumn, Calvin and me. Pero bakit ako nag-e-English? Wala, trip lang.

Kailangan naming mag-usap usap para maayos na namin yung problema namin.

Napag-isip isip ko kasi, mahal ko nga si Autumn, pero mahal ba nya ako? Mahal sya ni Calvin at mahal rin naman nya yun. Anong laban ko sa pag-iibigan nila? Mabuti pang magparaya ako, kahit na masakit, titiisin ko, alang-alang sa kasiyahan ng babaeng pinakamamahal ko.

Nasa Max's na ako, hinhintay ko na lang ang pagdating nilang dalawa. Hindi pa ako umo-order, pa-tubig tubig lang muna. Tingin ako nang tingin sa relo ko. Ewan ko pero ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang bakla lang.

Saktong 10:15, dumating si Autumn. Sya muna ang kakausapin ko ngayon. Umupo sya sa tapat ko.

"Oh bakit?" May bahid nang pagka-cold yung boses nya. Galit pa rin sya.

"Ano, yung tungkol sa nangyari nung nakaraan..." Huminga sya nang malalim.

"Sorry sa pagsampal ko sa iyo. Nabigla lang talaga ako. Saka kalimutan na rin natin yun. Tutal, di naman yung totoo... diba?" Tiningnan ko sya sa mata. Sasabihin ko ba o sasabihin ko na?

"Autumn... kasi..."

"Skye, ako muna ha?" Sabi nya. Tumigil ako sa pagsasalita at hinintay yung sasabihin nya.

"Skye, yung papa ni Mikey..."

"Anong tungkol sa Papa ni Mikey?"

"Yung papa ni Mikey ay...

...ikaw" SAY WHAT?

"Ako? Paanong ako? Paanong... Nag-ano tayo?" Na-shock ako. Yung reaction ko eh mas OA pa sa reaction nya nung nalaman nya na ako yung papa ni Mikey.

"Nung araw na birthday ni Drea, nung gabi... diba nakainom ako ng gin o kung ano man yung nasa bote nun? Hinanap ko si Drea, sinabi nyang matulog ako sa guest room. Hindi ko na alam kung ano pang nangyari nun pero nung nagising ako... katabi kita tapos... wala tayong mga damit. Hindi naman ako inosente para hindi malamang may nangyari sa atin diba?"

"Bakit... hindi mo sinabi agad?" Sa totoo lang, parang sasabog na yung utak ko sa lahat ng mga nalalaman ko ngayon.

"Dahil natakot ako. Natakot akong mag-iba yung tingin mo sa akin. Natakot ako sa mga pwedeng mangyari pag nalaman mo. Mas pinili ko na lang na pumunta sa America."

"Autumn... sorry sa... sorry sa nagawa ko sayo. Hindi ko alam, hindi ko talaga alam." Yung mga kamay ko eh nakahawak na lang sa ulo ko. Ngumiti si Autumn pero malungkot.

"Matagal na kitang pinatawad. At saka nandyan na sya eh."

"May iba pa bang nakakaalam na ako ang tatay ni Mikey?"

"Si Mikey mismo, pero picture mo lang yung pinakita ko nun. Mga 16 ka nun. Kaya iniisip nya na mas bata sa yo yung Papa nya."

"Papanagutan ko sya."

"Ha? Hindi mo naman kelangan pang gawin yun Skye. Mahihirapan ka lang sa amin, at saka alam kong hindi ganun yung nararamdaman mo para sa akin."

"Yun na nga Autumn eh, gusto kitang tulungan sa pagpapalaki sa anak natin. Gusto kitang makasama habangbuhay kasi mahal kita." Tumulo ang luha sa mata nya.

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon