Chapter 5

21K 319 6
                                    

CHAPTER 5

"Hoy ano ba? Kanina pa ko nandito sa tapat ng fountain ah! Ang tagal mo. Asan ka na ba?" Inis kong tanong kay Autumn. Eh diba nga magkikita kami ngayon? Kainis talaga yung babaeng yun, daming arte. Kainis.

"Eeeh! Sorry, mauna ka na sa loob. Ano, umm, may mag-eescort ata sayo. Basta sumunod ka na lang sa sasabihin nya. Ha? Okay, babay. Male-late ako ng konti. Konti lang. Kbye." At binaba nya na ang telepono. Ay, nakakainis talaga oo. Halos kalahating oras nya ko paghihintayin dito sa labas, ang init-init, di pa kaagad sinabing pumasok na lang ako. HAY!

Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang inis. Nakakaasar kasi talaga eh!

Padabog akong pumasok sa loob. May lumapit sa akin na babae, naka-corporate na suot. Wow naman ha.

"Sir, dito po tayo." Weh? Paano nya nalaman na ako yung tao? Este, ako yung i-e-escort? Naks, gwapo kasi ako, kaya wala nang duda!

"Okay."

Pinapunta ako ni Autumn sa hotel ngayon, ewan ko ba dun. Pupuntahan nya daw yung kaklase nya noong high school. Aba, ang sosyal ng kaklase nya ha, sa 5-star hotel pa tumutuloy. Buti pa yung kaklase nya, naalala nyang ngayon dadating. Ako, yung birthday ko, hindi nya maalala.

Sinundan ko lang yung babae kung saan man kami patungo. Di kaya... babae rin ang regalo sa akin ni Autumn?  Hahaha! Yun talaga yun eh! Tumigil kami sa dulo ng hallway, sa may malaking pinto.

"Pasok na ho kayo jan." Sabi nung miss na naka-corporate.

Pumasok ako sa loob, medyo madilim.

Tapos daw papasok sya kasunod ko tapos...

*BLAGAG!* (sfx ng pintong malakas ang pagkakasarado)

Biglang sumara yung pinto, ay sakto, wala pang ilaw sa loob.

*tap-tap-tap* (sfx ng footsteps)

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon