Chapter 13

17.7K 303 28
                                    

CHAPTER 13

Hindi ko na alam kung anong nangyari nung mga panahong yun pero nung tinanggal ko yung pagkakatakip ng mukha ko bigla ko na lang naramdaman ang pagdampi...

... ng palad ni Autumn sa pisngi ko. Sa lakas ng pagkakasampal nya sa akin eh muntik pa akong natumba kung hindi lang ako nakakapit sa mesa.

"Ano bang tinuturo mo dito sa anak ko ha?!" Galit nyang tanong. Napatingin pa ako sa paligid, buti at walang gaanong tao.

Sasagot na sana ako pero biglang nagsalita si Calvin.

"I guess... iiwan ko muna kayong dalawa para mag-usap." Tumayo sya at naglakad na palayo.

"Calvin wait!" Tawag ni Autumn sa kanya at tinangka nyang habulin yun. Hinawakan ko yung braso nya pero tiningnan nya ako ng masama. Binitiwan ko yung braso nya at hinabol na nya si Calvin. Sabi na eh. Ako talaga yung kontrabida sa kwentong ito.

Napaupo na lang ako sa sahig dahil nanghina ako. Lumapit si Mikey.

"Daddy... are you mad at me?" Tanong nya na parang naiiyak na. Natakot siguro sya kasi sinampal ako ng Mommy nya. Ginulo ko yung buhok nya.

"Hindi ako galit sa iyo..."

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon