Chapter 8

17.7K 354 26
                                    

CHAPTER 8

"Autumn?"

"Skye..."

Nagulat ako. Hindi ko aakalaing magkikita kami ni Autumn. Sa ganitong lugar. Nakakagulat, dahil mature na syang tingnan. Hindi na sya mukhang bata na walang ibang gustong gawin kundi maglaro. Mukha na syang... err... sopistikada. Parang office girl ang dating.

Hindi ko napigilan ang sarili ko at niyakap ko sya.

"Nakakainis ka. Saan ka ba nagsususuot?" Tanong ko.

Pero ang mas nakakagulat ay ang sumunod na nagyari.

"Mommy, sino sya? Bakit niyayakap ka nya?"

MOMMY? ANAK NI AUTUMN?? Bigla akong napabitaw sa pagkakayakap ko kay Autumn at yung mukha ko eh parang napa-WTH?

"Skye... Pwede bang mag-usap tayo?" Sabi nya sa akin tapos eh humarap sya dun sa bata. Mga 5 na yata yung edad nung bata. Ang cute cute pa. "Baby, halika na?"

Kinarga nya yung bata at lumabas sila sa coffee shop. Sumunod naman ako. Lakad lang ng lakad si Autumn tapos tumigil sya sa tapat ng isang restaurant tapos tumingin sa akin.

Pumasok sya sa loob, sumunod naman ako. Pumuwesto sila doon sa medyo tagong table. Umupo ako doon.

"Nag-asawa ka na pala?" Umiling sya.

"Wala akong asawa." Nagulat ako. 

"Si-sinong ama nya?" Tanong ko.

Hindi sumagot si Autumn pero tumulo ang luha nya.

"Mommy, who's he?" Natulala si Autumn kaya ako na ang sumagot sa bata.

"Hello! Ako si Tito Skye. Anong pangalan mo?"

"Hi Tito Skye! My name is Michael James. Mikey is my nickname."

"Hello Mikey!" Sabi ko.

"You know what Tito Skye, you look like my Daddy!"

Ako? Daddy ni Mikey? Magkamukha?

My Best Friend's BabyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon