Ch. 10 - The Knight and the Damnsel

58 5 0
                                    

--x

"Eh putang ina mo naman pala eh!" napapikit ako ng mariin dahil sa malakas na pagbagsak na narinig ko. Lumingon ako at gulat na nakita si Theo na nakabagsak sa sahig ng school corridor habang nakatingin ng masama sa kanya si Drake. 

Tumakbo ako papunta kay Theo at itinayo siya. Alam ko kasing ako at ang kapatid ni Drake ang dahilan nito. Siguro ay nasabi na ni Thunder kay Drake ang mga nangyari. Lumipas ang sabado at linggo na umiyak lang ako ng umiyak sa loob ng kwarto. 

"Ano bang problema mo pare?" inosenteng tanong ni Theo kay Drake habang pinupunasan ang gilid ng labi niya. Buti nalang at masyado pang maaga kaya wala pang masyadong tao dito sa school at walang mga tsismosang nanonood. 

"Ikaw gago ka! Ikaw ang problema ko!" sigaw na sagot ni Drake at akmang bibigyan nanaman ng suntok si Theo ng bigla akong humarang at madiin na pumikit at inaantay na bumagsak sa akin ang kamao niya, pero wala. Dumilat ako at nakita kong pigil-pigil ni Thunder ang braso ni Drake at mukhang natauhan naman ito dahil unti-unting bumukas ang kamay niya mula sa pagkakatiklop at unti-unting lumambot ang ekspresyon niya.

"Nicole! Bakit ka ba humaharang?" mababa ngunit malambot na tanong nito sa akin. Ibang-iba sa usapan nila kanina ni Theo. Bumugtong hininga ako at nag-umpisa nanamang magtubig ang mga mata ko.

"H-hindi niya kasalanan." sabi ko at pinipigilan ang hikbi ko. Masyado akong nagiging emosyonal, eto ata ang kauna-unahang beses na umiyak ako dahil sa isang lalaki.

"Anong hindi?! Tangina naman! Niloloko niya kayo ng kapatid ko!" nanggigigil na sabi niya at saka tiningnan ng masama si Theo.

"Teka nga pare, ano ba yang sinasabi niyo? Hindi ko kayo maintindihan!" gulong-gulo na tanong ni Theo habang tinitingnan niya kami isa-isa. "Anong niloloko? Bakit ko lolokohin si Nicole at  ang kapatid mo?" dagdag niya pa. Tiningnan ko ang nanonood na si Thunder. Unti-unting kumukunot ang noo niya at parang pinag-aaralan ang bawat galaw ng kanyang pinapanood.

"Bullshit pare! Anong hindi mo alam? Tangina." asar na asar ng tanong ni Drake sa kanya. Inalalayan kong tumayo si Theo, habang nakatingin siya ng diretso kay Drake at parang iniisip kung ano nga ang sinasabi nito. "Layuan mo na si Venus, Theo." malamig na dagdag pa nito.

"Ano?!" gulat na tanong ng katabi ko. "Bakit ko lalayuan ang kapatid mo? Gago ka ba? Eh wala nga akong ginagawang masama!" hinawakan ni Theo sa kwelyo si Drake dahil mukhang napikon na siya nung banggitin ni Drake na dapat na siyang makipaghiwalay kay Venus, ang girlfriend niya na kapatid ni Drake.

Inismiran lang siya ni Drake. Halata sa mukha ni Theo na naguguluhan siya, pati naman ako. Lahat kami. Tiningnan ko si Thunder ng parang humihingi ng tulong ang mga mata ko. Mukha namang naintindihan niya dahil tinanguan niya ako.

"Let him talk." suway ni Thunder kay Drake at unti-unti niyang tinanggal ang pagkakahawak ni Theo sa kwelyo ng kaibigan. Tumango naman si Drake at bumugtong hininga nalang.

"Niloloko mo ba ang kapatid ko?" pag-uumpisa ni Drake. Real talk. Parang walang humihinga. Hindi rin ako makasabat dahil sa tensyon sa pagitan nila. 

"Hindi ko niloloko si Venus. Mahal ko ang kapatid mo." buong tapang na sabi ni Theo. Aray naman, masakit. Nakita kong napatingin sa akin si Drake at Thunder na may halong awa. Iniwas ko ang tingin ko dahil baka anytime, maiyak nanaman ako.

"Ano ang relasyon niyo ni Nicole?" tanong ulit ni Drake sa kanya. Napalingon naman ako kay Theo at hinintay din ang magiging sagot nito. Lumambot nadin ang ekspresyon ni Theo, tumingin siya sa akin. "Nicole.. is my friend. She's my bestfriend." sabi niya at saka ngumiti sa akin. Para akong sinaksak. Bestfriend daw. Friendzoned ang beauty ko. 

"Why did you told her that you like her?" Napayuko ako ng magtanong si Thunder. Pero nakikinig pa din ako sa kanila. Gusto ko din naman kasing malaman ang sagot nito, dahil yun ang mga katagang nagpaasa sa akin at dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. 

"Yes. I like her, as a friend. She's nice and bubbly. She's special to me." sabi niya at saka tumingin sa akin. All these times pala, nag-aassume lang ako. Friendship lang pala ang gusto, hindi relationship. Feelingera ka kasi Nicole! Ano ka ngayon? "So that explains everything." sabi ni Thunder at saka ako hinatak palayo sa lugar na yun at tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko. 

Napansin kong dinala ako ni Thunder sa park at inakay niya ko sa may damuhan. Doon niya ko dinala sa lugar kung saan marami kaming memories ni Theo. Nanadya ata to eh. "Thunder naman eh!" hampas ko sa kanya habang humahagulgol na parang bata. Nakakainis kasi. Sa dami-dami ng pwedeng pagdalhan sakin eh dito pa ako dinala.

"Ano?" naiinis na sagot niya sa akin. Tumayo siya at saka iniwan ako. Nakapamulsa yung dalawa niyang kamay habang pa-cool na lumalakad. "Hoy saan ka pupunta?!" sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako nilingon. Bumugtong hininga nalang ako at saka humiga sa damuhan. Wala akong ganang makipagtalo ngayon. Parang nawala lahat ng energy ko sa narinig ko kanina.

Makalipas ng ilang minuto, may naramdaman akong malamig na bagay sa pisngi ko. Dumilat ako ng makita ko si Thunder na nakangiti habang dinidikit sa mukha ko ang 1 gallon ng icecream. Naramdaman kong parang gumagalaw sa tyan ko dahil sa ngiti niya. Napangiti din tuloy ako ng hindi oras.

Kinain namin ang ice cream at walang nagsasalita. Medyo gumaan na din ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa katabi ko at napangiti. Etong lalaki to, ang sungit-sungit pero siya yung laging andyan para sa akin.

Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain ng icecream na parang bata.  Napangiti ako dahil sa naisip ko, Thunder has his own cute sides at gusto kong makita ko lahat yun. "Thunder.." I called him. Lumingon siya sa akin at pinigilan kong matawa dahil kalat kalat yung icecream sa paligid ng lips niya. "..thanks for being my Knight in shining uniform." sabi ko sa kanya at saka ngumiti sa kanya ng totoo, wlang halong pagpapa-cute o ano pa man. Tumigngin siya sa mata ko ng diretso.. "Anything for my damnsel in distress." he smiled then my heart skipped a beat. 

--x

Drake on the right side. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 21, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon