Ch. 2 - Lucifer's threat

224 11 6
                                    

--x

Waaaaaaa! My beautiful face! Huhuhu—may isang munting alien ang nag invade sa makinis kong mukha—may pimple ako! Tapos ang laki pa ng eyebags ko!.Kung hindi dahil dun sa lapastangan na nakasalubong ko sa daan—at dun sa lalaking nagnakaw ng halik ko at bigla akong iniwan eh di sana nakareview ako ng maaga! Eh di sana hindi ako napuyat! Eh di sana wala akong pimple at maitim na eyebags! Buti nalang talaga at maganda ako kahit na puyat.

Matapos kong titigan ang napakaganda kong mukha eh pumasok na ko sa napakaganda kong school! Siyempre lahat dapat ng related sakin, maganda, parang yung dalawang author na nagsusulat ng storya ko.. Pero siyempre joke lang yun.. Sumisipsip lang ako dahil baka kung anong gawin niyan sakin at ipasagasa nalang ako sa kariton niyan kapag nilait ko. Ay oo nga pala, may isang bagay nga pala akong hindi nasabi sa inyo. Proud na proud ako sa kagandahan ko.. Aba! Konti nalang ang tunay na babae na maganda!

Papasok na sana ako sa room ng may gwapong nilalang na nahagip yung magaganda kong mata. Ayy ang gwap—ay wait! Yan yung kasama nung hampas lupang magnanakaw ng first kiss, yung Thunder ata? Kung dito siya nag-aaral.. malamang sa malamang na dito din nag-aaral si Lucifer. Kailangan niyang pagbayaran yung pagnakaw niya sa first kiss ko. Hahanapin ko siya mamaya dito sa Campus o kaya aabangan ko siya sa gate.

 "Uhhh, excuse me miss pero nakaharang ka sa daan." Agad naman akong tumabi dahil kahit na maganda ako, hindi naman sakin ang hallway na ito. Magtutuloy tuloy na sana ako ng lakad ng makita ko kung sino yung lalaking nagpatabi sakin. Aba! Kapag sinuswerte ka nga naman. Hindi na ko mahihirapang hanapin ang hampaslupang hudas na to dahil nandito na siya sa harap ko.. So schoolmate ko pala sila? Ngayon ko lang sila napansin.. Bukod kasi sa pag-aaral, mga close friends ko, mga prof, ang dean, ang janitor at ang kagandahan ko lang naman ang napapansin ko.

"Nicole?" Gulat na sabi niya—aba! Buti naman at kilala niya pa ko at ang kagandahan ko. Habang tinitigan ko siya ay may idea na pumasok sa utak ko kung paano ko siya gagantihan. 

"Hi Lucife- este Dylan." I said sweetly. Well, mukhang pinuntahan nila si Thunder at yung kasama niyang cosplayer ng lasenggo na si Drake—pilit kino-cosplay ang isang isang lasing.

"Dito ka nag-aaral?" Gulat na tanong nung Thunder. 

"Of course!" proud na sagot ko. Aba kahit hindi kami mayaman ay dito ako pinag aral ng parents ko kaya dapat lang akong maging proud hano, tapos bigla kong napansin na napangiti yung Thunder sa dalawa.

"So.. Dito din nag-aaral si Cassiopeia." He mumbled tapos yung dalawa nag evil grin. Ex ba sila ni Cassie? Yung babae talaga na yun—aalis na sana sila pero pinigilan ko yung pangahas na rapist bago ko pa makalimutan yung gusto kong gawin kanina pa. 

"Teka Dylan! Bago ko makalimutan.." at pagharap niya *boogs* "Para yan sa paghitak sa akin." Napa ouch naman siya. *boogs* "Para sa pag iwan mo sakin sa kalye." at *boogs* "At para sa pagnakaw mo ng first kiss ko." Ayos! Combo! Tingnan lang natin kung magkaanak ka pa. Yes, you're right— I kicked him where it hurts the most, three times. Napatulala naman yung dalawa at napa what the fuck nalang sa gulat sa nagawa ko. Napabungisnis nalang yug Thunder nang makabawi sa pagkagulat habang si Lucifer este Dylan ay mamatay matay na sa sakit at pagtalon. I smirked at him at aalis na sana—nang bigla niya kong hinawakan sa braso ng mahigpit. Tapos tiningnan niya ko ng matalim, yung parang papatay. Yung tipong parang maglalabas na ng laser yung mata niya.

"Pagsisihan mo ang ginawa mo Missy." banta niya sakin. Shet! Kahit naman matapang ako at maganda, nakakaramdam din ako ng takot—at nakakatakot siya. Pinipigilan naman ni Drake si Thunder, dahil nakayukom na yung kamao nito at hindi ko alam yung dahilan.

"Don't you dare touch him Dylan." Banta din ni Thunder. Wow, may knight in shining uniform pala ako—nginitian ko lang si Thunder ng matamis dahil kayang kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ako nakalaban kahapon.

"Thanks sa concern Thunder." sabi ko sa kanya—kahit na medyo natatakot ako ay hinawakan ko ang kamay ni Dylan na mahigpit na nakakapit sa akin at huminga ako ng malalim at sinipa ulit siya dun—nang nabitawan niya ako saka ako humarurot ng takbo. Hahahaha, siguradong hindi na siya magkakaanak. Narinig ko pa yung tawanan ng dalawa bago ako makapasok sa classroom.

Nang matapos yung klase namin ay bigla akong tinabihan ni Cassie na sobrang lapad ng ngiti.

"Nicole! May naghahanap sayong tatlong gwapo sa labas." as usual kinikilig ulit tong si Cassie.. At ano daw may naghihintay sakin na tatlong gwapo? Hindi kaya sila, napalunok ako—si Dylan yon? Sumilip ako sa bintana at di nga ako nagkakamali, sila Dylan nga. Bigla akong kinabahan dahil baka gumanti siya. Pero hindi naman pwedeng dito lang ako sa loob ng classroom habangbuhay, inayos ko yung gamit ko saka lumabas ng classroom na parang wala akong napapansin at nakasunod naman sa akin si Cassie.

"And where do you think you're going missy?" Dylan said in gritted teeth nung mapansin niya ako—eto na ba ang katapusan ko? Hindi pwede! Mababawasan ang magaganda sa earth! Bilang nalang kami ngayon hano!

"Ah eh uuwi na?" sagot ko sa kanya habang kinakmot ko yung batok ko.

"Huh? Di ba mag sho-shopping pa tayo?" sabat ni Cassie—kahit kailan talaga pahamak si Cassie at tulad ng sinabi ko, mapapa-ohmaygas ka nalang. Tinignan ko si Cassie—sana hindi niya naiwan yung utak niya at magets niya na gustong-gusto kong tapalan yung bibig niya.

"May kailangan ka pang pagbayaran." He said as if sinasabi niya din sa akin na welcome to hell att ang higpit ng kapit niya sakin. Tinignan ko si Cassie para humingi ng tulong pero mukhang natutuwa pa siya sa nangyayari.

"Ikaw ang may kasalanan! Ikaw ang nagnakaw ng first kiss ko!" pagtatanggol ko sa sarili ko.

"What's the big deal about that fvcking kiss?! Para ka namang tuod! Akala mo ba natuwa ako sa paghalik ko sayo?" Sigaw niya sakin kaya napapikit ako. Kagaya nga ng sinabi ko, despite ng pagiging maganda ko eh natatakot din ako—umurong lahat ng tapang ko. Naiiyak na ko, ang higpit kasi ng kapit niya sakin eh—pero dahil mahal ako ni Lord, may nagtanggal ng pagkakahawak niya sa braso ko.

"Pare, babae yan." sabi ni  Thunder—ang knight in shining uniform ko.

"Ano bang pake mo? Siya ba yung kailangan mo?" Sinamaan ni Dylan ng tingin si Thunder habang sumisigaw. I smell some fight. Masyado ata akong maganda, ano bang kagandahan ang meron ako at nag-aaway ang mga nilalang na 'to sakin?

"Kasi babae siya!" Sigaw naman pabalik ni Thunder—sa totoo lang natatakot ako sa dalawang 'to. Di ba friends sila? Bakit mukhang anytime magsasapakan sila? Bakit ba kasi ako naging maganda eh—hindi ko alam ang gagawin ko para pigilan yung dalawang 'to at hindi ko din alam kung paano ako makakaalis.

"Miss Cassiopeia, Miss Nicole." napalingon ako ng may tumawag samin—bodyguard nila Cassiopeia. Napangiti ako at napatalon sa isipan ko dahil nadistract yung dalawa. "Pinapasundo po kayo ni Mr. Liean." dagdag ni manong, mas napangiti ako.

"Pero magsho-shoppping" Bago pa makaangal si Cassie, pinigilan ko na siyaat hinatak papunta dun kay manong, pero bago pa kami tuluyang makaalis, narinig kong nagsalita si Lucifer—este si Dylan.

"You can't go that easily, Ansherina Nicole Legazpi."

Uh-oh. Kailangan ko na bang tumira sa bundok?

--x

MISSION: Killing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon